CANDIS' POV Sabay sabay kaming napatalon nang biglang nawala ang ambon. Ang galing ko talaga! Kailangan lang talagang isayaw ang lahat! Hinanda na namin ang ihawan at nagsimulang magpadingas. Agad na nagdingas naman iyon at nag-ihaw kami ng barbeque. Ang saya lang. Sayang at wala ang dalawang bading. "Bakit nga pala hindi nakarating ‘yong dalawa, Candis?" tanong ni Mimi habang nagpapaypay doon sa iniihaw na barbeque. "May lakad daw sila ngayon eh. Nanlalaki siguro ang mga bruha," biro ko. Napatawa naman si Manang Rosa. Napalingon kami nang may tumikhim sa gilid. Papansin talaga 'tong lalaking 'to kahit kailan. Inirapan ko lang s'ya. Binati naman s'ya ni Mimi. "Oh, Sir Mavy.. Sayang hindi n'yo nakita ‘yong Sun Dance namin!" pagmamalaki pa ni Mimi. Narinig ko naman s'yang tumawa ng mah

