CANDIS' POV Nagulat ako nang may dumating na delivery guy at ako ang hinahanap. "Kayo ho ba si Miss Candis Lane Ferrer?" tanong nito. Tumango ako kaya inabot n'ya sa'kin yung isang malaking notebook para pirmahan na katunayang nareceived ko nga ang mga iyon. Pagkatapos ay iniabot sa akin ang 5 boxes of pizza. Tapos ay may kasama pang chicken at kung ano ano. Takang takang napatingin ako doon sa nagdeliver. "Bakit ho walang sender?" "Ah eh, ayaw ho magpakilala. Basta daw ho ideliver ko dito. Sige po, una na ako," sabi lang nito. Napaisip ako. Eto kaya yung gift na sinasabi ni Megan? Hindi pa ko nagtatagal doon ay may dumating na namang package. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yun. Isang mamahaling bag at nakita kong galing yun kay Meg. Tinawag ko si Mimi para magpatulong na ipaso

