CANDIS' POV Nagising ako sa sunud sunod na tunog ng phone ko. Napakunot noo ako at isa-isang binasa ang mga messages doon. From: BFF Tara Bakla!!!!! HAPPY DEATH DAY! Char! Happy bday! Punta kami jan later okey larn? From: BFF Bessy BAKLA! Happy bird day! Wahaha. Kami nga lang pala ang mahilig sa bird! XD see yah mamaya! From: BFF Megan Cands! Happy happy birthday! I love you! Wait mo birthday gift mo from me, ha? Love love! From: Chie Ate, happy birthday! From me and nanay :) Napangiti ako pagkatapos mabasa ang mga yun. Birthday ko na pala. Actually ay hindi ko naalala ang sarili kong birthday. Ang dami kasing nangyari at parang hindi kinakaya ng utak ko lahat. Halos wala nga ako sa sarili parati. Siguro dahil nagseself pitty ako dahil sa pangarap kong hindi natuloy. Napatingin

