CANDIS' POV Excited ako dahil ngayon ang first day na ipapakilala ako sa mga staff ng Yu International para maging isa sa mga official models nila. Excited na binalita ko yun kay Meg at sobrang saya n'ya dahil sa company nila ako magtatrabaho. Sinabi din n'ya na nandyan naman na daw si Manang Rosa kaya mapapanatag s'yang walang mangyayaring masama kay Aaron. At para na rin daw matupad ko ang pangarap ko. Alam ni Meg 'yon dahil pareho kami ng gusto. Ang pagkakaiba nga lang ay mas nauna n'yang matupad ang pangarap kaysa sa'kin. "Wow, Candis. Ang ganda ganda mo naman!" bati ni Mimi sa'kin nang makababa ako. Kasalukuyan s'yang nagluluto dahil nakasuot pa s'ya ng apron. "Thanks, Mimi!" nakangiting sagot ko. "Naku, goodluck ha? Sana maging maayos ang photoshoot mo." sabi pa nito. Nginitian

