kinaumagahan bigla nag ring ang phone ni Jonathan habang nasa kitchen sila ni Nikki habang nagaalmusal. Panay ring ang telepono nito ngunit ayaw naman sagutin iyon ng binata. Kaya sinulyapan ni Nikki ang phone nito at tinignan kung sino ang tumatawag at pagkuwa'y tumigil muna sa pagsubo si Nikki.
''Nathan hindi mo ba sasagutin yung tawag?'' tanong niya dito ngunit hindi parin pinapansin ang tumatawag.''Dont mind her'' wika ni Jonathan sakanya.''Dont mind her? At sino naman siya?'' tanong niya sa binata.
Bigla naman ay nasamid si Jonathan at napainom ng tubig."Ah She is nothing'' sagot muli nito sakanya. Bigla naman itong tumayo sa kinauupuan at pagkuwa'y humalik sa noo niya ''See yah later Honey" At nagpaalam na ito. Naiwan naman siyang kumakain magisa kaya binilisan niya ang pagkain at tumayo na siya.
Nawalan na kasi siya ng gana dahil iniwanan siya nitong magisa sa kusina. Agad naman lumapit sakanya ang isa sa katulong at tinanong siya kung gusto niya tikman ang dessert na ginawa nito. Ngunit mabilis niya itong tinangihan dahil nawala na siya ng gana kumain.
Ganito pala umibig tanong niya sa kanyang isipan. "Signora, hai voluto assaggiare quello che abbiamo preparato prima?" wika ng katulong sakanya at agad naman niya itong naintindahan. ''Scusa ma dopo sarò ancora pieno cercherò di ringraziarti'' Wika ni Nikki sa lengwaheng italian.
Tumalikod na si Nikki at tinungo ang library doon muna siya maglalagi hanggang sa dumating si Jonathan. Napapasarap na ang pagbabasa niya ng bigla ay tumunog ang kanyang telepono at agad naman niya itong sinagot dahil unregistered number ang lumabas sa screen.
''Hello may i know who is this?'' wika nito sa tumawag ''Is it you Nikki''? Tanong nito sakanya. ''And you are?'' tanong naman niya muli dito. ''Nikki si Ma-maddy to'' Sagot ulit nito. Natigil sandali si Nikki sa pagsasalita at iniisip ang pangalan ng tumawag bigla ay naalala na niya pero bigla siyang kinabahan ng mga sandali iyon at sinagot muli ang nasa kabilang linya.
''Ma-maddy pa-paano mo nakuha ang number ko?'' tanong niya kay maddy. ''Look Nikki, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa buntis ako, at si Jonathan ang ama alam kong magkasama kayo ngayon hindi na importante kung kanino ko nakuha ang numero mo'' Pagtataray na wika nito sakanya.
Bigla ay napindot ni Nikki ang end call at bigla niya nabitawan ang noo'y hawak na telepono. Nanginginig ang mga kamay na dinampot niya ang cellphone ng bigla ay nag ring nanaman iyon.This time si Jonathan naman ang tumatawag sakanya.
Ngunit hindi niya ito sinagot bigla-bigla ay pumatak ang luha sa kanyang mga mata at hindi na niya iyon napigilan pa.''I hate you Jonathan! I hate you sinungaling ka!" Galit na pinagsusuntok niya ang unan sa kinauupuan niya.
Mugtong-mugto ang mga mata ni Nikki kakaiyak mula kasi ng tumawag si Maddy sakanya nagkulong nalang siya sa kwarto niya.Wala siyang ganang kumain o kausapin nino man. Sunod-sunod na katok ang tanging naririnig niya sa pintuan ng kwarto niya.
Alam niyang si Jonathan ang kumakatok na iyon kaya lalo pa siyang napaiyak. Dahil hindi parin mawala ang sakit na nadarama niya mula ng malaman niya na nabuntis ng fiance niya si Maddy na dating kaibigan at kaklase niya. Isang malakas na ingay ang narinig niya ng tignan kung ano ito gulat na napatingin siya sa pintuan at pwersahang nabuksan iyon ni Jonathan.
Nagmamadali lumapit at yumakap sakanya ang binata. Ngunit malakas niya itong naitulak dahilan upang ito ay mapaatras at tumama ang likod sa dingding.''Ho-honey let me explain''.wika nito sakanya ngunit hindi siya tumitingin sa mga mata nito.
''Ano, pa ang ieexplain mo? alam ko na ang lahat na nabuntis mo si Maddy! wala na tayo dapat pagusapan pa malinaw na saken ang lahat!!'' Galit na sagot niya kay Jonathan.''Nikki please, I know is kinda weird but she is lying, honey please believe me'' Pakiusap nito sa kanya at pilit hinahawakan ang kamay niya.
Ngunit hindi siya pumayag na mahawakan nito ang mga kamay niya kaya bigla ay biglang kumilos ang mga kamay niya. at binigyan niya ng isang malakas na sampal si Jonathan.''I know at very first may relasyon talaga kayo ni Maddy! noong graduation namin, Ang laki kong tanga, at napaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo!! I think, we have to end this relationship'' Umiiyak na paliwanag niya kay Jonathan.
Ngunit bigla itong napasuntok sa pader ng malakas at nakita nalang niya na dumudugo na ang mga kamay nito. Ngunit sa halip na kaawakan lumabas siya ng kwarto at dali-daling lumabas ng bahay. Takbo siya ng takbo hindi naman magkandaugaga ang mga maid na nasalubong niya at tinatawag siya ng mga ito.
Ngunit sapat na ang sakit na nadarama niya ng mga sandaling iyon upang maging manhid sa paligid niya wala siyang ibang nadirinig kung hindi ang puso niyang kumikirot sa sakit. Hindi niya alam kung nasaan na siya ng mga gabing iyon buti nalamang at naisuksok niya sa bulsa ng jeans niyang suot ang kanyang phone.Ng tignan niya iyon madami na siyang nareceive na miscalls mula kay Jonathan.
Nang sipatin ni Nikki ang kanyang telepono ay naka 100 miscalls na ang binata sakanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Muli at nagring ang phone niya pero this time hindi si Jonathan ang tumatawag sakanya kung hindi si Patrick ang bestfriend niya. Kaya sinagot na niya iyon dahil hindi niya alam kung nasaan na siya at kanina pa kalam ng kalam ang sikmura niya.
''He-hello Pat! wika niya sa linya.Ngunit hindi si patrick ang narinig niya kung hindi ang fiance niyang si Jonathan.''Honey where are you please let me find you'' Pakiusap nito sakanya ngunit maya-maya pa ay may mabilis na sasakyan ang humarurot sa gilid niya na naging dahilan nang pagbagsak ni Nikki at bigla nagdilim na ang paligid niya at tuluyan ng humalik sa semento ang kanyang buong katawan.
Bago mawalan ng malay tila may naaninag siyang isang lalaki ang kumakausap sakanya hanggang sa nagdilim na ito. Silaw na silaw si Nikki sa ilaw na naaninag niya at unti-unti ay idinilat niya ang kanyang mga mata.Inilibot niya ang paningin hindi niya mawari kung nasaan siya ng mga sandaling iyon. Nang itaas niya ang kanyang mga kamay na nanghihina nakita niyang may nakatusok ditong karayom.
"Bakit ako may swero?" tanong ni Nikki sa sarili. Inilibot nanaman niya ang kanyang paningin ng may nagmamadaling nakaputing babae na naka lab gown ang biglang lumapit sakanya at tinanong kung may masakit sa kanya. Ngunit tila hibang pa siya ng mga sandaling iyon parang walang gustong lumabas na salita sa kanyang bibig.
Bigla ay may dinukot ito sa bulsa ng gown at itinutok sa kanyang mga mata.At tuluyan ng nasilaw ang kanyang mga mata.''I Think she is ok now let me handle this'' Wika ng boses na kanyang narinig at lumabas ulet ito sa kanyang kwarto. Pinilit ni Nikki makabangon ng mga sandaling iyon upang abutin ang bottled water sa side table ng kanyang higaan dahilan ng pagkalaglag niya.
Bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto niya at inuluwa ang tumatakbong nakaputing lab gown.''Hey what's wrong? please do-dont push yourself to stand up, because your legs its not really well'' Paliwanag nito sakanya habang natataranta siya nitong tinutulungang makatayo.
Ngunit tila ayaw makisama ng kanyang mga binti hindi niya ito magawang igalaw at itayo na naging dahilan ng pagwawala ni Nikki. ''No-no dont touch me" Sigaw ni Nikki sa Doctor habang patuloy parin sa pagsigaw at umiiyak. Bigla kasi siyang nakaramdam ng takot ng mga sandaling iyon.'
"Nurse! Nurse!" sigaw ng doctor sa mga nurse kaya tila mga kabuting nagsulputan ang mga nakaputing palda at agad sila nitong pinapakalma. Nagulat nalang siya ng may tumusok sa kanyang taas na braso Na naging dahilan ng pagkawala nanaman niya ng malay.Ilang araw siyang palaging ganoon ang senaryo dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari sakanya at kung bakit siya naroroon at kung bakit hindi siya makalakad.
Tanging mga nurses lamang ang nakikita niya sa loob ng kwartong iyon. Kaya naman pag tinatanong nito ang pangalan niya ay wala siyang maisagot dahil hindi niya alam kung sino ba siya at wala siyang ibang naalala kung hindi ang pangalang Maddy.
Kaya naman noong minsan na may dumalaw sa kanya sa hospital ay tila siya nagulat sa lalaki. Nang sipatin niya ito ay naka suot ito ng pang business attire. at sa pagtatantiya niya ay 6 footer ang taas nito at may magandang pangangatawan. At tila ito isang hollywood actor dahil gandang lalaki nito bumagay dito ang suot na business suit.
At pagkuwa'y tinanong siya nito at tila pinagaaralan ang kilos at galaw niya ''You are going to be okay soon'' Seryosong wika nito at pagkuwa'y biglang hinaplos ang kanyang buhok. Ngunit iniiwas ni Nikki ang katawan niya sa Binata.
"Okay I'm not going to touch you again I'm sorry'' Paumanhin nito na tila nahulaan ang gusto niyang iparating kahit hindi siya nagsasalita.''By the way, I'am Spark please to meet you" Pakilala nito sa sarili at biglang inilahad ang kamay sa kanya. Unti-unti naman niya iyong tinangap at matipid na nakipag kamay at mabilis din binawi ni Nikki ang kamay kay Spark.
''Don't worry I'm not a bad person you can trust me'' Nakangiting wika nito sa kanya. Ngunit matipid na ngiti lamang ang naisagot niya dito. ''O-Oh by the way, I have something for you '' Pagiiba nito muli sakanya at pagkuwa'y kinuha ang paper bag na nakapatong sa side table niya at iniabot sakanya.
Ngunit nagaalangan siyang abutin ito at tangapin. Nahalata siguro nito ang naging reaction niya kaya nagsalita ito muli. ''Don't be shy sweety hurry open it" Mungkahi nito kaya naman napilitan siyang buksan ang iniabot na paper bag sa kanya. Ngunit gayon nalang ang pagkadismaya ni Nikki ng makita kung ano ang laman nang paper bag.
Nang kuhain at itaas ang laman nito bigla ay naginit ang muka niya dahil sa mga Underware pala na pambabae ang mga laman nito. Kaya naman bigla ay napangiwi ang dalaga at pagkuwa'y dali-daling ibinalik sa loob ng paper bag ang mga iyon.
''Thank you'' Tila naiilang niyang wika sa binata. Pero ang totoo inis na inis siya dahil bakit naman siya binigyan ng ganitong regalo at puro underwear at mga b*a pa kaya bigla ay nagiba ang mood ng dalaga.
Bigla ay nagpaalam na muna siya dito na magpapahinga at agad naman itong pumayag at lumabas na nang kwarto na hospital na iyon. Mula noon Araw-araw na siyang binibisita ni Spark at dinadalan ng mga pangangailangan niya sa hospital.
Hanggang isang araw niyaya siya nitong lumabas ng hospital para narin daw mapractice pa lalo ang kanyang mga paa. At agad naman siyang pumayag para naman maging tulong narin sa pagaling niya. At ng tuluyan ng siyang makarecover at makalakad.'
Marahan naman siya nitong inalalayan na makatayo mula sa higaan. Namangha naman siya at parang gumaganda na ang pakiramdam ng kanyang mga paa. At hindi na rin ito manhid tulad ng mga nakaraang linggo na halos namimilipit siya sa sakit.
Kaya naman hindi niya maiwasang magiiyak at maghurementado tuwing nararamdaman niya ang pag sakit nito. Nagsimula na sila maglakad hanggang sa makalabas na sila ng hospital. Malamig na hangin at sikat ng araw ang unang tumama sa kanyang muka pagkalabas niya sa loob ng hospital.
Tila gumanda pa lalo ang kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon dahil napakagaan sa pakiramdam ng paligid tahimik at malinis. Lalo na ang mga nagagandahang mga bulaklak at mga puno sa paligid.
Bagama't madami siyang mga taong nakikita, Ngunit hindi iyon naging hadlang para namnamin niya ang mga sandaling iyon. Dahan dahan ay ipinikit niya ang mga mata at tumingala sa langit. Muli ay dinama niya mabuti ang pakiramdam na iyon nang kapaligiran at pagkuwa'y narinig niya ang tinig ni spark.
Nakalimutan niya bigla na kasama niya pala si Spark sa lugar na iyon kaya nagsalita ito. ''Are you feeling well now?'' tanong nito sakanya habang nakangiting titig na titig sakanya. ''Yes very well '' tipid na wika niya dito. At pagkuwa'y hinayaan muna siya nitong namnamin ang mga sandaling iyon.
At pagkuwa'y inaya siya muna nitong umupo sa bakanteng upuan na malapit sa kanilang kinatatayuan. At agad naman siyang sumunod dito dahan-dahan siya nitong inaalalayan at pati bawat hakbang niya ay sinasabayan nito kaya bigla siyang namangha dito.
''Thank you Spark, I really appreciate it'' Pagpapasalamat niya dito at pagkuwa'y tila abot langit ang mga ngiti sa kanya ng binata ng marinig ang complimentasyon niya. ''It's my pleasure'' Sagot nito sakanya. Bigla muna itong nagpaalam sakanya na may kukuhain at nang makaupo na sila sa bench. Ay agad naman siyang tumango at nagpaalam na ito tumatakbo itong pumasok sa likuran ng hospital.
Kaya bigla naman siyan nagtaka dahil bakit para atang maling direksyon ang pinasukan ni Spark. Ngunit di nagtagal dinama nalang niya ang mga sandaling naroon siya sa tila park na lugar na iyon. Mga huni ng ibon at hampas ng hangin ang kanyang naririnig ng mga sandaling iyon.
"Thank you po lord sa panibagong umagang inyo pong ipinagkaloob sa akin'' Bigla ay kanyang nasambit ng maramdaman niya ang hangin na tumama sa kanyang katawan. Bigla naman siayng Napayakap sa kanyang sarili na tila bigla ata siyang nilamig. Samantala kanina ay mainit ang kanyang pakiramdam nang kanyang katawan.
Bigla ay napatingin siya sa likuran niya ng makita si Spark na patakbong lumalapit sa kinaroonan niya at bigla itong kumawa'y sa kanya. Kaya agad naman niya itong sinagot at pagkuwa'y kinawayan din niya at nginitian. Nang makalapit na ito sakanya agad naman itong hinihingal na huminto at umupo sa kanyang tabi habang may dalang paper bag at ikinalong sa hita.
''Are you hungry?'' tanong nito sakanya at agad naman siyang tumango at hinawakan ang kumukulong tiyan.''I think my worms is more hungry than me'' Biro niya sa binta. At agad naman nitong inilabas isa-isa ang mga laman ng paper bag na dala dala.
At pinagsaluhan nila itong kinain at ng maubos na niya ang kanyang kinakain agad naman nitong binuksan ang bottled water. at pagkuwa'y inabot sa kanya at kasunod niyon ang pagbukas ng ilang tableta ng gamot na iniabot sakanya upang inumin.
''Here take this medicine'' At agad naman niya itong ininom at sinundan ng tubig. ''Thank you'' wika nanaman ni Nikki sa binata. At agad naman nitong kinurot ang pisnge niya.Kaya bigla ay napaigtad siya at nawalan ng balanse na naging dahilan kaya muntik na siyang malaglag sa bench na kinauupuan niya.
Ngunit mabilis pa sa alas kwatro ay agad naman siya nitong nasalo at nahawakan ang kanyang beywang at bigla siyang napakapit sa matigas na braso ng binata. Agad naman nagalala ang muka nito kaya bigla itong nagsalita.''A-are you O-okay are you hurt'' wika nito sakanya.
Ngunit hindi na siya nakapag salita at nagdesisyon na siyang bumalik sa loob at sumangayon naman ang binata at dahan-dahan muli siya nitong inalalayan pabalik sa loob ng hospital. Lumipas pa ang ilang buwan at tuluyan na siyang gumaling at nadischarge sa hospital. Kaya naman tuwang-tuwa sakanya ang ilang sa mga doctor at mga staff ng hospital dahil finally magaling na siya at nakakalakad na kahit walang saklay.
Nagpaalam sa siya sa mga ito ngunit ng inaayos na niya ang kanyang ilang gamit dahil lalabas na sila ng hospital. Bigla ay may lalaking sumulpot sa kanyang kwarto at pagkuwa'y bigla siya nitong niyakap Isang pamilyar na imahe, Ngunit hindi niya matandaan ang itsura nito Kaya naman bigla ay naitulak niya ang lalaki.
''My god honey, I'am dying to see and find you. But finally I found you now.'' Tila naiiyak nitong paliwanag sa kanya at muli siya nitong niyakap. Ngunit nang muli siyan nitong yakapin ay hindi na siya nakaiwas pa. Nagtataka man ay hinyaan nalang muna siya nitong yakapin. Ngunit hindi niya magawang humawak sa binata kahit at tila siyang tuod na yakap-yakap nito.
''Nikki my god! I miss you like crazy honey" Muli ay sinsero nitong wika sa kanya at pagkuwa'y hinalikan ang kanyang noo. ''Do I know you mister? And you call me Nikki?'' Nagtataka niyang tanong dito ngunit bigla itong nabigla sa sinabi niya at bigla nalang itong umiyak na nakatingin sa kanya. ''Hi-hindi mo ba ako kilala Hi-hindi mo ba natatandaan ang pangalan ko Niks ako si Jonathan ang fiance mo'' Paliwanag nito sakanya na agad naman niyang ikinagulat.