Chapter 11 Memories

2082 Words
                                                            Maaga nagising ang dalaga upang ayusin ang ilang gamit isa-isa niya itong inilagay sa bag na malaki. At pagkuwa'y inilagay na niya sa side table ng kama niya. Nagmuni-muni siya at iniikot at paningin sa loob ng kwarto.         Ito na ang araw na makakalaya na siya pagkuwa'y bumukas ang pintuan at inuluwa ang isang lalaking nagmamakaawa sa kanya. Ipinipilit nito na ito daw ang kanyang Fiance at engage na sila. Bigla tuloy kumirot ang kanyang ulo. Tumayo siya sa bench na kinauupuan niya at naglakad.         lilibutin muna niya ang tila parke ng hospital na palagi niyang pinupuntahan. Iniwan muna niya si Spark at ang nagpakilalang si Jonathan hinayaan muna niyang magusap ang dalawa masyado pang mahirap para sa kanya ang lahat at ayaw muna niyang makipagtalo pa sa nagpakilalang si Jonathan.        Nang bigla ay tinawag siya ng isa sa mga pasyente dito ''Nikki'' tawag nito sa kanya. At agad naman niya itong kinawayan. Naging malapit ang loob niya sa matandang ginang dahil nagiisa nalang ito sa buhay.         Ito ang madalas niyang nakakausap tuwing nagpupunta siya sa park ng hospital. Pinoy din ito kagaya niya naalala tuloy niya ng magpaalam na siya dito na madidischarge na siya bigla itong napaiyak dahil mawawalan na siya ng makakausap na kapwa pinoy din kagaya niya.         Agad naman niya itong niyakap at pinangakuan na babalikan at dadalawin niya ito kapag tuluyan na siyang nakaalala at naayos ang gusot sa buhay niya. Papunta na siya sa kinaroroonan ng matandang ginang ng bigla niyang makita ang isang mayabong na puno.         Bigla ay may parang nagpakitang imahe ng lalaki sa kanyang alaala ngunit hindi nya makita ang muka nito. Pinilit niya itong alalahanin ngunit biglang sumakit ang kanyang ulo at agad siyang napahawak sa noo at tila umikot ang kanyang paningin.          Hahakbang na siya ng bigla ay unti-unting nagdilim ang kanyang paningin at tuluyan ng nawalan siya ng uliran. Naririnig niya ang mga boses sa paligid niya ngunit hindi niya ito naiintindihan hanggang sa may yumuyugyog sa kanyang balikat.          Ito lang ang huli niyang naalala ng mga sandaling iyon. Isang babaeng nakaunipormeng pula ang hinihingal na lumapit kay Spark at itinuro dito ang kinaroonan ng hinimatay na dalaga ang di umano'y kasama niya. Nang marinig ni Spark ang paliwanag ng caregiver ay agad tinungo ang kinaroonan ng dalaga.         Ngunit mabilis pa sa alas kwatro ay tumakbo si Jonathan at napamura ''f**k what happen to her" Galit na sigaw nito at agad din nitong tinungo ang kinaroonan ni Nikki. Halos sabay dumating ang dalawang binata sa kinaroonan ng dalaga at nadatnan nga nila itong nakahandusa'y sa bermuda grass at wala ng malay.        ''Nikki wake up Honey!" tapik ni Jonathan sa muka ni Nikki ngunit hindi parin nagigising kaya bigla ay itinulak siya ni Spark at bigla binuhat ang dalaga at patakbong ipinasok sa loob ng hospital. Wala ng nagawa si Jonathan kung hindi sumunod nalang. Agad naman silang sinalubong ng mga Nurse at dinala ang dalaga sa Emergency Room.         Ilang oras din hindi nagkikibuan ang dalawang binata at nakatunghay sa walang malay na dalaga. Hinihintay nila ang resulta ng Ctscan na isinagawa dito. Bigla ay bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang Doktora na may hawak na papel.        ''Dok what is the result'' sabay pa na tanong ng dalawang binata sa Doktora. Agad naman nagulat ang Doktora at Pagkuwa'y tumikhim at nagsalita.''Well let me discuss something about her condition'' at tumingin sa dalaga.''Why she is not waking up untill now Dok?" wika ni Jonathan na alalang alala ang mukhang nakatingin sa Doktora at nagsalita muli ang Doktora.'' Anterograde amnesia is the most common. It is the loss of ability to form memories for a period of time after the accident, leading the individual not to “remember” a period of time after the traumatic head injury. Retrograde amnesia is the loss of memories that formed before a traumatic head injury.          Ito ang naging paliwanag ng Doktora.''I think it will happen again,That is why I prescript her some pain reliever,'' Ibinigay ng Doktora ang prescription paper na may nakasulat na ilang pangalan ng gamot at agad naman itong inabot ni Spark.         Wala nanaman nagawa si Jonathan at namaywang na lang ito at tumingin nalang sa dalagang tulog na tulog. Nang matapos ng ipaliwanag ng Doktora ang ilang detalye ng resulta ay agad naman itong nagpaalam sa dalawang binata.        Tumikhim si Jonathan at nagsalita ''So what's your plan?" Tanong niya kay Spark at sumagot naman ito ''Do i need to tell you my plan?'' panghahamon na sagot nito sa kanya. Nang marinig ni Jonathan ang mga sinabi ni Spark ay agad nitong kinuwelyuhan si Spark ''You have no right ashole" Galit na wika niya dito habang hawak nito ang kwelyo ni Spark.         Ngunit ubod lakas naman tinangal ni Spark ang kamay ni Jonathan sa kanyang kwelyo. Nang aakmang susuntukin na ni Jonathan si Spark ay agad narinig niya ang boses ni Nikki at nagsalita. ''What are you doing Mr? Can you please put your hands off" Singhal ng dalaga kay Jonathan na agad nitong ikinagulat at pinuntahan si Nikki.        ''You're awake'' at bigla niya itong hinalikan sa noo ngunit umiwas naman ang dalaga.''Nikki please is not what you think please honey Im sorry''  Pagmamakaawa ni jonathan sa dalaga habang hawak ang dalawang kamay nito at hinahalikan. ''Im sorry Mister but i dont know you, Can you please stay away from me'' Singhal muli ni Nikki at biglang agaw ng kamay sa kanya.         "Get out!!" sabay turo ng dalaga sa pinto at pagkuwa'y pinapaalis si Jonathan. Wala ng nagawa pa si Jonathan at lumabas ito ng pinto at padabog na isinarado ang pintuan. ''Hey are you alright sweetie?'' wika ni Spark sa kanya at masayang nakangiti.tumango nalang ang dalaga.         ''By the way we can't go home today sweetie, the Doctor advised you to stay here today, then we can go home tomorrow" Nakangiting paliwanag muli sa kanya.''Okay" tipid na sagot niya sa binata.''Do you need anything? Are you hungry?" Tanong muli ng binata sakanya.''No thanks'at tipid na ngumiti ang dalaga.         Nang mga sandali kasing iyon tila may kung anong kirot siyang nararamdaman ng makaalis na si Jonathan ni hindi nito nakuhang magpaalam man lang. Halos naikot na ng dalaga ang ihigaan ay tila ayaw siyang dalawin ng antok ng gabing iyon. Hindi parin niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit tila gusto niyang makita ang binatang si Jonathan.        Gayung hindi naman niya kilala ito o natatandaan man lang tanging puso niya lang ang naglilikha ng pakiramdam na iyon. Simula ng nakauwi siya sa bahay ni Spark ay lagi nalang siyang naiiwang magisa sa bahay ng binata.         Palagi kasi itong busy sa kumpanya nito.Napagalaman niyang mayaman pala ang binata na si Spark. Minsan nga ay nakikita niya itong inuumaga na ng uwi ngunit  hindi nito nakakalimutan na uwian at isurprise ng kung ano-ano. Tulad ng Flower's chocolates,necklace at kung ano ano pang material na bagay na ni minsan hindi naman niya hinangad.         Itinuring siya nitong espesyal kung saan saan siya nito dinadala at pasurprise na dinadala. lumipas pa ang ilang buwan na ganito palagi ang Set up nila at dumating na sa point na tila nadedevelope na ata siya sa binata. Hindi niya mawari ang pakiramdam na iyon ngunit tila iba ang sinasabi ng puso niya kesa ng utak niya.         Nagugustuhan niya nga ba si Spark?'' tanong niya sa isip niya habang namamahinga siya sa hardin ng bahay nito. Doon kasi siya palaging tumatambay at nagbabasa lalo't siya at ang dalawang katulong nito lang ang nakakasama niya hindi naman niya magawang makipag kwentuhan sa mga katulong nito dahil ayaw ni Spark na nakikipag usap ang mga ito sa kanya ng wala naman iuutos or sasabihin.         Hindi nalang niya kinuwensyon pa iyon iginalang nalang niya ang mga desisyon nito para sa kanya. upang maging maayos ang pagsasama nila sa bahay ng binata. Malaking tanong parin  sakanya ang kanyang pagkatao.        Kung sino nga ba siya ni walang naghahanap sa kanya at tanging ang binata lang na si Jonathan ang tanging pumipilit na kilala siya nito pero eto at dumaan ang ilang buwan pero ni anino ng Jonathan na  iyon ay hindi na niya nakita pa.        Madami siyang gustong itanong sa binata ngunit paano? ni pangalan nga niya ay hindi niya alam maging kung ilang taon at kelan ang petsa ng kapanganakan niya ay hindi rin niya alam. Isa rin ito sa dahilan kaya hindi siya pinapayagang lumabas ni Spark. Ayaw nito na may mangyaring masama sa kanya at lalo pa itong naghigpit ng security sa bahay.        Nang minsan ay may napansin ang binata na umaaligid na lalaki sa kanilang tinitirhan. Ayaw nito na napapagod siya or makitang tumutulong sa gawaing bahay ni pagwawalis man lang. Noong minsan nga na nahiwa niya ang kanyang daliri dahil nagprisinta siyang magluto ay naghihisterical na agad ito at agad pinagalitan ang mga katulong.       Simula noon hindi na niya tinulungan ang mga ito upang huwag mapagalitan ng binata. Doon niya natuklasan na may pagka overprotected ito. Para sa kanya isang ideal man ang kagaya ni Spark Napakagandang lalaki nito, makinis, maganda ang hibla ng buhok, manipis at mapupula ang labi, mapangakit na mata, magandang pangangatawan ay halos walang tulak kabigin.        Swerte siya at ito ang tumulong sa kanya simula ng maaksidente siya ngunit hanggang kelan ba siya magiging parte ng buhay ng binata. Hanggang kelan? paano kung bigla ay bumalik ang aking ala-ala paano kung talagang may taong naghihintay sa kanyang pagbabalik? litong lito niyang palaging itinatanong sa kanyang isipan.        Saan niya makukuha ang mga sagot sa mga tanong niya gayong nakakulong siya sa mga bisig nito. Hanggang isang arawnakarinig siya ng sunos sunod na doorbell kaya nagmamadaling tumakbo ang isa sa katulong ng binata at binuksan ang maliit na gate. At nakarinig siya ng pagtatalo at napagdesisyunan niyang lapitan ang mga ito at itanong ang problema.        Nang makalapit na siya sa gate na kinatatayuan ng katulong ay may narinig siyang boses ng isang ginang na nagmamakaawa at dali-dali ay binuksan niya ang gate at lumabas siya.''Please miss i need to see my daughter now, Please tell to my daughter im here please! please!" Wika ng nakaluhod na ginang.tumikhim ang dalaga at nagsalita ''Ah qualunque cosa abbiano bisogn?'' wika ng dalaga sa katulong tinanong niya kung ano ang kailangan ng ginang na nakaluhod sa kanya.       Ngunit ng makita agad siya ng ginang ay agad siya nitong niyakap .''Nikki anak''humahagulgol na yumakap sa dalaga ngunit tila tuod ang muka na tinignan niya ito. ''Who-who are you?'' pagtatakang tanong niya sa ginang na sa tantiya niya ay nasa 50's na ang edad at may ilang wrinkles sa muka ngunit maganda parin pati ang tindig nito at balat.       Bigla namang sumagot ang ginang sa tanong niya at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at nagsalita ''Nikki ako ang mama mo my god anak hindi mo ba natatandaan ang Mama?'' Umiiyak na wika nito sa kanya at hinaplos haplos ang kanyang pisnge.       ''Yo-you- you are my mo-mother?" Nanginginig na boses ang sagot ng dalaga sa ginang at pagkuwa'y bumuhos na ang pinipigilang luha.''Yes, Anak ako ang Mama mo, matagal ka na naming hinahanap ni Jonathan at ng kaibigan mo'' Wika muli ng ginang at muli siya nitong niyakap but this time mahigpit niya din itong niyakap na kahit hindi nakikilala ang ginang ay tila may sumikbo sa kanyang puso.         Tila kay tagal niyang ninais ang mga yakap ng mga sandaling iyon. At hindi nagtagal ay niyaya siya nito sa labas upang ipakilala sa isang kasama nito at agad naman siyang sumunod dito. ''Anak natatandaan mo ba siya? Siya si Donya Esmeralda ang Mommy ni Jonathan'' Aniya ng ginang.         Ngunit tila kay hirap para sa dalaga na alalahanin ang lahat ngunit talagang wala siyang maalala kaya tumikhim ang Ginang na Donya at nagsalita. "Its ok Margarita, naniniwala ako na darating din ang araw na matatandaan niya din tayo '' Malungkot na ngumiti ito sa nagpakilalang Mama niya at ibinaling ang tingin sa kanya.        ''Iha how are you?" tanong muli ng isang ginang sa dalaga at tanging pagtango lang ang naisagot niya dito ni hindi siya makapag salita ng mga oras na iyon. Tanging ang malakas ng t***k ng kanyang puso ang nararamdaman niya. Nang bigla ay may dumating na isang magarang sasakyan at huminto ito sa tapat nila.         Dalawang lalaki ang nakita niyang bumaba mula doon,nakilala niya ang isa sa bumaba ang lalaking nagpunta sa hospital at nagpakilalang fiance niya. At isa naman hindi niya talaga mas lalong maalala dahil ngayon lang niya nakita ang muka nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD