Chapter 5

1679 Words
                         Titig na titig si Jonathan kay Nikki habang hawak ng dalaga ang kanyang telepono kaya naman medyo nainis siya sa dalaga. Nandito nga siya ngunit alam ng binata na kay Patrick na kaibigan niya dati ang attention ni Nikki.            Kanina pa kasi ito panay tipa sa telepono habang nakangiti at titig na titig sa screen may kung anong kirot ang naramdaman ni Jonathan sa ginagawa ni Nikki ng mga sandaling iyon. Bigla ay inagaw niya ang telepono ng dalaga "I knew it, it was him". wika ni Jonathan habang nakatitig sa screen ng phone ni Nikki. ''Ano ba Jonathan! ibigay mo nga saken yang phone ko!" Singhali ni nikki kay Jonathan.            Pilit inagaw ni Nikki ang telepono niya kay Jonathan na naging dahilan ng pagkabuwal niya sa binata. Dali-dali naman siyang nasalo ni Jonathan at pagkuwa'y ginawaran ng halik sa labi. Bigla-bigla ay sinampal niya ito. ''Dont you dare Kiss my lips again I swear to god mabibigwasan kitang tipaklong ka'' usal ni Nikki sa binata na Ngingisi-ngisi sa naging reaction niya.                 Why is it illegal to kiss the wife now?" wika ni Jonathan sa dalaga.''Hoy Tipaklong ka,hindi pa tayo Magasawa, at lalong hindi pa tayo kasal!" Singhal ni Nikki sa binata at pagkuwa'y siniko siya ni Nikki sa tiyan na siyang naging dahilan kaya nabitawan nya ang telepono ng dalaga.          Naiwan naman si Jonathan sa sofa na hawak hawak ang tiyan "That girl is like a amasona" bulong niya sa isip Hanggang ngayon hindi maiwasan ni Jonathan na itanong sa kanyang isip kung bakit parang ang lamig nito sakanya gayong kahit papaano ay nalaman na nito ang kanyang nararamdaman noon.                               Pwera nalang at nalaman nito na siya ang nawawalang anak ng mga itinuturing nitong amo. Noong burol ng kanyang ama nalaman niya na ito pala at ang ina nito ang namamahala sa Farm at sa kanilang Mansyon.  Ikinagulat niya ngunit napagdesisyunan niya na itago na lamang ang nalaman, at huwag ng ipaalam sa dalaga.         Dahil noong panahon na iyon ay nagtatago pa siya sa kanyang mga magulang. Habang nakasandal ang ulo sa sofa bigla ay naitanong  niya sa kanyang sarili kung talaga bang may relasyon si Patrick sa dalaga. Noong minsan kasi na sinita siya ng dating kaibigan ay muntikan na silang mag pang abot muli at pagkuwa'y inamin sa kanya ni Patrick na may relasyon ito at ang dalaga.          Kaya simula noon iniwasan na niya si Nikki kahit pa masakit para sakanya ay itinuon nalang niya ang pansin sa pag aaral sa kolehiyo at sa negosyon iniwan sa kanya ng yumaong ama. Maya maya pa ay isang malakas na katok mula sa pinto ang nagpagising sakanya mula sa kinahihigaan. ''Jo-jonathan!" wika ng tila pamilyar na boses kaya naman dali dali ay agad siyang napabangon ng marinig kung kaninong boses ang mga iyon.       Agad niyang tinungo ang pintuan at pagkuwa'y binuksan agad at tumambad sa kanya si Nikki na tila naiilang na kausapin siya. "Jo-jonathan ipinatatawag ka na ni Donya Esmeralda ma-magbreakfast ka na daw" wika ni Nikki sakanya. ''Pwede bang ikaw nalang ang breakfast ko?" Pang-aasar niya sa dalaga. "Breakfast mo muka mo!" sabay iwas sakanya ni Nikki at bumaba na agad ito.       Naiwan naman siyang kakamot kamot sa ulo at tatawa tawa. Dali-dali ay bumaba na siya sa hagdan at tinungo na ang Kitchen ng Mansyon naabutan niya doon si manang pacita na nagaasikaso ng breakfast nila.       Inikot ikot niya ang kanyang paningin wala doon Ang Mommy niya at si Nikki pati ang ina nito    "Manang where is everyone?'' Pagtatakang tanong niya dito.''Naku sir nandoon sila Donya Esmeralda sa kwadra ni lemery may sakit ho ata yung alaga ni Nikki".sagot ng katulong sakanya.      Napakunot ang noo niya si Nikki pala ang nagaalaga kay lemery simula ng umalis siya at iwanan ang paborito niyang kabayo niya dati nung bata siya.''Okay Manang thank you i'll be back".      Patakbo siyang pumunta sa kinaroonan ni lemery matagal na kasi niya itong hindi nakikita bigla ay kinabahan siya ng makita niyang si Nikki ay nakayakap sa kabayo niyang si lemery. ''Iho mabuti at pumunta ka dito naiiyak na sabi ng ginang sakanya.''Si lemery wala na siya" Muli ay wika ng Mommy niya.       Bigla ay nanlambot ang tuhod niya ng makita si lemery at pagkuwa'y hinimas himas "lemery please wake up im already here" wika niya sa kanyang kabayong wala ng buhay at nakahandusay ang katawan sa labas ng kwadra nito.        Agad naman siyang tinapik sa balikat ni Nikki at tila bata na pinatatahan.''Magiging Okay din ang lahat" Wika ni nikki sakanya. ''You stupid how the hell happen this to lemery?" Singhal niya kay Nikki. kaya naman biglat  nagulat si Nikki at pagkuwa'y tinitigan siya ng masama. ''Bakit ako ang sinisisi mo? Alam ng diyos kung gaano ko pinahalagahan si lemery simula nang ipagkatiwala siya sa akin ng daddy mo".Singhal ni Nikki sa binata        Naiiyak na inawat silang dalawa ng ina ng binata.''Please stop that nonsense talking, walang may kasalanan sa pagkamatay ni lemery!" Singhal sa kanilang dalawa ng ginang. Agad naman siyang tinalikuran ng dalaga at lumipas ang ilang linggo na hindi siya nito kinakausap kahit nagkakasalubong sila sa Mansyon o maging sa farm.       Alam ni Jonathan na nasaktan nito ang damdamin ni Nikki ng hindi niya sinasadya kaya ng hindi na makatiis ang kanyang ina ay kinausap sila nito. Ipinatawag sila ng Mommy niya sa hardin upang doon sila kausapin at nakita niya na nakayukong lumapit si Nikki sa kinaroonan ng Mommy niya at ng makita siya ay taas kilay siya nitong tinignan at inirapan.     ''Ehem!" bigla ay tumikhim ang Mommy niya."Jonathan ! Nikki! ''Siguro naman alam niyo na kung bakit kayo nariritong dalawa, Iho, Nikki kung maari lang sana ay magkasundo na kayo at'' Paliwanag ng ginang Ngunit hindi pa man natatapos ng ginang ang pagpapaliwag ay nagsalita agad si Nikki.      ''Donya Esmeralda, pasensya na ho, pero ngayon palang po humihingi na ako ng paumanhin sa inyo" Wika ni Nikki. ''Bakit ka humihingi ng paumanhin iha? wala kang naging kasalanan kung namaalam na si lemery" Sagot ng ginang.      ''Niks I'm really sorry, is not my intention to hurt your feelings, Im just carried away I'm sorry" wika niya sa dalaga. Agad naman itong nagsalita muli. "Donya Esmeralda Hindi po ako humihingi ng pasensya para sa pagkamatay ni lemery, kung hindi po dahil hindi po muna ako magpapakasal sa anak ninyo" Paliwanag niya sa ginang.      Bigla ay nagulat ang ginang sa sinabi ni Nikki pati na rin si Jonathan ay tila nag iba ang itsura ng muka sa sinabi ng dalaga.''Why a sudden change of mind iha?" Tanong ng ginang kay Nikki ''Sorry po, pero plano ko po kasing pumuntang Italy dahil nakakuha po ako ng scholarship doon upang makapag aral hanggang sa makapag tapos po ako ng kolehiyo" Paliwanag muli ni Nikki  sa ginang na agad namang ikinabigla nang magina.      ''What the hell?" Singhal ni Jonathan kay Nikki at pagkuwa'y tinalikuran na ang ginang pati ang dalaga "Jonathaaan!!  come back here iho!" Sigaw ng ginang sa binata. Nagmamadali naman lumabas si Jonathan sa Mansyon at pagkuwa'y sumakay na ito sa kanyang  Audi at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.         Madaling araw na ng umuwi si Jonathan mula ng paguusap na iyon ng kanyang ina at ng dalaga. Nasaktan nanaman siya dahil sa naging desisyon ng dalaga na huwag ng ituloy muna ang kasal nila at pumuntang Italy.        "Nikki! Nikki!!" Tawag ni Jonathan sa dalaga, mula sa pasilyo ng second floor ng Mansyon. Nagising naman ang nanay ni Nikki at dali dali itong lumabas mula sa guest room na tinutuluyan nito. at pag kuwa'y tinungo ang kinaroonan ng boses, namilog ang mata ng ginang at bigla siya nitong inalalayan.       "Iho bakit lasing na lasing ka?" tanong ng ginang sa kanya. ''Tita can i talk to your daughter?" wika niya habang gegewang gewang sa paglalakad. Buti nalang at naalalayan siya ng ginang at pagkuwa'y tinulungan siyang maisandal ang likod sa may kanto ng pasilyo. "Pe-pero nakainom ka Sir jonathan" wika ulit ng ginang sa kanya.      ''Tita will you please stop Nikki, Because she is trying to avoiding me and going somewhere ple-please tita." Pakiusap ni Jonathan sa ginang at pagkuwa'y biglang bumaliktad ang sikmura ng binata at tuluyan ng lumabas ang mga nainom na alak ng binata. Hindi naman magkamayaw ang Ina ni Nikki kung ano ang uunahing gawin kaya naman bigla ay  kinatok ng ginang ang pinto ng tinutuluyan nila at tinawag si Nikki na noo'y tulog na tulog.       ''Nikki! Nikki!" Tawag ng ginang sa dalaga at hindi nagtagal at dali dali nitong binuksan ang pintuan ng kanilang silid. "Ma' ano ba iyon madilim pa nangigising ka na?" Nakasimangot na tanong ni Nikki sa ina.        "Nikki si Jonathan lasing na lasing ang daming isinuka, tulungan mo akong maglinis at kanina ka pa  hinahanap, Ano ba kasi ang pinagawayan ninyong dalawa?" Tanong ng ginang sa dalaga. ''Ma wala na kami dapat pagusapan niyan lasing lang yan kaya nagkakaganyan" Naiiritang sagot ni Nikki sa ina.        Bigla ay nasa harapan na niya ang bulto ni Jonathan na hapong hapo sa alak na ininom. ''Niks please can we talk?'' Pakiusap ni Jonathan kay Nikki, na tila wala atang planong makipagusap sa binata ''Ok lets talk" Sagot ni Nikki sa binata at pagkuwa'y inakay nito si Jonathan papunta sa Entertainment area.At dahan dahan niya itong inalalayan kahit naamoy pa niya dito ang alak na ininom.      ''Ano ba kasi ang paguusapan natin hindi ba malinaw sayo kanina ang mga sinabi ko?" Tanong ni Nikki kay Jonathan at pagkuwa'y agad  kinuha ang mga kamay ni Nikki at hinalikan. ''Niks, I know i hurt your feelings will u please forgive me please, And can you please stop going to Italy please?" Pagmamakaawa ni Jonathan kay Nikki "Im sorry Jonathan my decision is final, Naayos ko na ang mga papers ko at by next week aalis na ko, I'm sorry" Malungkot na sagot niya sa binata at pagkuwa'y tinalikuran na niya si Jonathan.      Naiwan namang nakayuko ang binata habang nakasapo ang dalawang kamay sa ulo.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD