Chapter 4

2367 Words
                                                                                                                              Pasado alas diyes na ng gabi nang napilitan na si Nikki magpaalam kay Jonathan dala ng antok nahulog at nabitawan niya ang cellphone na hawak niya. Simula kasi ng iwanan sila ng kanilang mga ina mula sa dinner table ay napilitan sila lumipat sa entertainment room kung saan napiling maglibang ni Jonathan.        Ayaw kasi ni Jonathan na pagusapan pa nila kung ano na ang lagay ng buhay niya simula ng huling araw na nagkita sila nito. ''Niks come here dito nalang tayo'' tawag nito sa dalaga at agad naman sumunod si Nikki sa binata. kahit ilang na ilang talaga siya dito simula ng iwan sila ng kanilang mga ina.        Napagusapan nila paminsan ang magiging Set up nila at plano kung ano ang mga Do's and Dont"s sa pagitan nila. Panay tango lang si Nikki sa mga inihahayag na kundisyon sa kanya ng binata ni hindi kasi mag sink in sa utak niya na talaga bang mangyayari ang ganito sa pagitan nilang dalawa. Tuwing maalala kasi ng dalaga ang mga pangyayari sa kanila noong graduating na siya ng highschool bigla ay nasasabutan niya ang kanyang sarili.         Paano kasi napag kasunduan nila na mag Celebrate dahil sa wakas ay Graduate na sila at sasabak na sila sa kolehiyo. kasama noon ni Nikki ang kaibigan niyang si cindy at isa pa nilang kaklase na si maddy at panay kuha nila ng picture na tatlo habang suot ang toga. Noong araw kasi na iyon ay  hindi nakarating ang Mama ni Nikki dahil nagkaroon ng Emergency sa Farm.        Kaya naman kahit gustuhin niya na naroon ang kanyang mama ay inunawa nalang niya ang naging sitwasyon ng ginang. Dahil malaking resonsibilidad ang hinaharap ng kanyang mama pagdating sa farm pinagaral din kasi ang mama niya ng Don sa kursong Agricultural, Upang mas maunawaan pa nito ang kalakaran sa farm.         Ang ina din kasi niya ang nagaayos ng mga papeles sa at iba pang usapin pagdating sa Farm. Kaya kahit na family matter nilang magina at kahit anong okasyon or event ay mas uunahin nila ang pagasikaso sa mga pagmamayari ng Don at Donya ganon nalang kasi nila tanawin na utang na loob ang mga naitulong sa kanilang magina.         Kaya malawak ang pangunawa niya pagdating sa ganoon para sa kanya makakagraduate naman siya kahit wala ang kanyang ina. Maaga nag matured ang utak ni Nikki pagdating sa mga ganoong bagay. Nang bigla ay sumulpot ang Bestfriend niyang si Patrick kasama ang mga barkada nito. ''Niks Congratulations!" wika ng kaibigan sakanya.  At pagkuwa'y niyakap siya ng mahigpit at sabay halik sa kanyang pisngi.        Agad naman sila tinukso ng mga kaibigan nila na akala mo mag kasintahan sila sa ikinilos ng kaibigan sa kanya. Namula tuloy ang kanyang pisngi dahil sa gulat na ginawa ni Patrick sakanya. Sabay tapik naman niya sa balikat nito ng malakas para madistract ang binata.       ''Araayyy naman kung makahampas to kala mo hindi nagustuhan yung ginawa ko!" panunukso ng binata sakanya. "Hay ewan ko sayo Patrick" sabay irap, gulat na gulat naman siya ng bigla ay sumulpot si Jonathan sa likuran ng kaibigan. Binati din siya nito at ang dalawa niyang kaibigan na si Maddy at Cindy.      "Congrats Nikki, pati sa inyong dalawa" Sabay tingin din sa dalawa niyang kaibigan. ''So ano pang hinihintay natin Girls, Lets celebrate"  Wika ni Patrick sakanila. At agad naman silang sumang ayon.       Ngunit bago pa man ay nagpaalam muna sila Nikki sa mga ito upang isauli ang sinuot nilang toga at para narin makapagpalit sila ng damit. "Pat, tawagan nalang kita pag tapos na kami, kita nalang tayo duon sa labas" Wika niya sa kaibigan. At agad namang sumangayon ang binata at ang iba pa nitong kaibigan.       "Sige Niks!" sabay kindat sakanya ni Patrick, at bigla naman siyang nairita at tinaasan niya ito ng kilay. Nagkaayaan ang mga ito na pumunta sa bahay ng kaibigan ni Patrick na si Drew. Dahil wala umano ang mga magulang nito dahil nasa ibang bansa tanging ito at ang kanilang katulong ang naiwan sa bahay at agad naman sinang ayunan ng barkadahan.      Bago sila dumiretso sa bahay ni Drew dumaan muna sila sa isang restaurant at pinatake out nalang ang pagkain. At pagkuwa'y dumaan din sila sa isang convenient store para bumili ng ilang inumin at snacks habang nagkakasiyahan sila wala naman kasing magluluto sakanila. Patak patak sila sa gastos kahit ang talagang gumastos dito ay si Jonathan.     Nagsimula na silang maglibang at magkwentuhan kanya-kanya ng upo at pwesto ang mga ito hanggang sa naubos na nila ang alak na binili. Kahit hindi palainom si Nikki ay napilitan siyang uminom tutal naman ay Nandoon ang kaibigan niya na si Patrick na anumang oras ay handa siyang ihatid at bantayan kapag siya ay tuluyang nalasing.     Hindi nakuntento sa ininom ang mga kaibigan ni Patrick at bumili pa ang mga ito."Niks ok ka lang?" tanong ni Patrick sakanya. Bigla kasi napataas ang kilay niya habang nakatingin sa kinaroonan nila Jonathan at Maddy, na kala mo mag jowa sa ikinikilos nakaakbay kasi si Jonathan dito at gustong gusto naman ni Maddy.       Noong third year kasi sila madami na talagang nahuhumaling dito kay Jonathan simula ng magtransfer ito sa kanilang eskwelahan. Pero ito naman ay akala mo hari kapag dumadating dahil may mga asungot na nakasunod agad sa binata. at tila gustong gusto naman ito ni Jonathan kaya tuwing nakikita niya ito ay naiirita siya ngunit pag kausap naman niya nito ay hindi magkandatama ang pagsagot niya dito.       Dito lamang niya naramdaman ang ganoong feeling kapag nakikita niya naasar siya, Pero deep inside kinikilig siya kapag niyaya na siya nitong kumain sa canteen or magpatulong ng kahit ano. At di nagtagal ay naging sunud-sunuran siya dito sa lahat ng pinapagawa nito sakanya tulad nalang ng pagbibigay sa matipuhan nitong babae ng chocolates, letter at kung ano-ano pa.      Pero ni minsan hindi nito ibinaling sa kanya ang attention ng binata. At hindi narin ito sumasabay sa kanila ni Patrick kapag uwian na bigla kasi nagiba ang timpla ng mood nito simula ng makita sila nito ng kaibigan niyang si Patrick na nagsusubuan ng fishball. At para kay Nikki ay balewala lamang iyon, siguro kasi at nakakailang para sa mga lalaki ang ganoon.      Kaya simula noon kapag magkasama sila ni Patrick hindi ito sumasabay sa kanila kaya ng minsang yayain siya ni Patrick ay hindi sya sumabay. Nakita nalang niya sa labas na magkasabay na pala ang dalawang binata umuuwi silang laging ganoon ang Set-up hanggang sa dumistansya na ang dalaga kay Jonathan.      Miminsan pa'y nakikita niya itong nakatingin sa kanya tuwing nakikita siya nito sa library at canteen na mag-isa na parang gusto siyang lapitan at sabayan sa ginagawa nito. Ngunit agad naman siyang tumatayo at tinatapos ang kinakain at binabasa tuwing tatangkain nito na lapitan siya.      Hanggang sa makagraduate ito at ang kaibigan niyang si Patrick ng highschool ay di na sila nagkikibuan pa. Tuluyan na niyang inilayo ang sarili para dito. "ah oo naman medyo nahihilo lang" sagot ni Nikki sa binata. Agad naman kumuha ng tubig si Patrick at iniabot at tinabihan siya nito sa upuan.      Kanya -kanya kasi sila ng upuan ngunit sa inupuan niya ay pang dalawang tao kaya nagkaroon ng space para makaupo si Patrick sa tabi niya. hinawakan naman nito ang muka niya at hinawi-hawi ang ilan sa buhok niya at kinurot-kurot ang pisnge niya. Akala mo talaga girlfriend ang turing nito sakanya nafaflattered siya tuwing ginagawa ito ng binata sakanya ngunit ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng ibang feelings para dito, dahil para sakanya Bestfriend niya ito, at parang magkapatid lang ang turingan nila sa isat-isa.     Akmang tatayo siya ng bigla siyang nakaramdam ng hilo at muntik ng mabuwal buti nalang at to the rescue ang kaibigan niyang si Patrick. At nahawakan agad siya nito sa beywang at napapihit siya paharap dito at  pagkuwa'y nagkadikit ang kanilang muka. Amoy na amoy niya ang alak sa bibig nito ngunit iiwas palang siya ng muka ay bigla nitong sinungaban ang kanyang mga labi at hinalikan ito ng matipid.      Bigla napakalas si Nikki sa binata at pumunta sa C.r nang makita niya si Jonathan ay hindi na ito nakaakbay kay maddy dahil nakataas na ang mga kilay nito dahil for sure nakita nito ang nangyari sakanila ni Patrick. kahit medyo nahihilo napahilamos ng malamig na tubig si Nikki sa C.r dahil sa kahihiyang nangyari sa kanila ni Patrick.      Napag desisyunan na niyang umuwi nalang paglabas niya sa banyo ay plano na niyang magpaalam na sa mga ito upang makauwi. At plano muna niyang hindi muna pumunta sa farm at magpapahinga muna siya sa tinutuluyan nilang magina yun ang nabuo niyang desisyon para narin hindi mahalata ng mama niya na nakainom siya.      Ngunit paglabas niya ng banyo ay agad niyang tinungo ang tumpukan nila at gulat na gulat siyang nakita niyang awat-awa ni Drew at ni Mark si Patrick na akmang susuntukin si Jonathan. Ngunit napigilan naman ng mga ito bigla tuloy nanlaki ang mga mata niya at tinawag niya si Patrick. ''Patrick!!!!'' at agad din siyang nakiawat sa mga ito.      ''Ano bang problema at magsasapakan kayo?" tanong ni Nikki sa dalawang binata. Hindi na sumagot si Jonathan at bigla nitong hinawakan ang kamay ni Nikki at dali-dali naman siya nitong  hinatak palabas. Wala na nga siyang nagawa dahil malakas at mahigpit ang pagkakahahawak sakanya ng binata na tila wala na talaga siyang planong pakawalan pa.      "Araayy! Jonathan nasasaktan ako! san ba tayo pupunta? bakit nagaway kayo ni Patrick!?" Sunod-sunod ang naging tanong niya ngunit hindi siya nito sinasagot. Agad itong pumara ng taxi ng may nakitang taxi na paparating at dali-dali ay sumakay sila dito. Nang makapasok na sila parehas sa loob ng taxi ay nagsimula na umaandar ang sasakyan ay agad na siya nitong tinanong.      "Saan ang address mo? " tanong nito sakanya ngunit nagtataka siyang nakatingin at sandali pa ay sumagot na rin sya.  "Sa may San martin street sa may rancho berde" Nakahalukipkip niya itong sinagot. Hangang sa marating na nila ang tinutuluyan ni Nikki. hindi parin ito umiimik nagbayad lang ito at bumaba na agad sila.       Hinatid siya nito hanggang sa loob ng gate nila ay hindi parin sila naguusap at bigla ay tumikhim sya upang mapukaw ang atensyon nito "Ehem! 'Pwede ka na umuwi sa-salamat sa paghatid" Wika niya sa binata. Ngunit nagulat nalang si Nikki dahil bigla siya nitong siniil ng halik. Tila naman natuod si Nikki at tila may kung anong paru-paru ang naglalaro sa tiyan niya.       Pati ang t***k ng kanyang puso ay palakas ng palakas ngunit kakaiba sa pakiramdam. Akmang itutulak niya si Jonathan ngunit hndi niya namamalayan unti-unti na pala siyang ipinapasok sa loob ng bahay habang nahakahawak ang kamay nito sa kanyang batok at beywang. Nagtataka siya at paano nabuksan ni Jonathan ang kanilang tinutuluyang magina gayong nasa pouch niya ang susi.       ''Ang pouch niya?' bigla ay naalala niya ngunit tangkang kakawala na siya sa pagkakahalik kay Jonathan ngunit bigla nitong tinaas hinahanap niyang pouch. ''Ito ba ang hinahanap mo?'' agad itong tumigil sa paghalik sakanya at ngingisi-ngisi na animo'y inaasar siya at agad niyang kinuha ang hawak nitong pouch.''Paano mo to nakuha?" Tanong niya dito at sabay bulong "holdaper ka ba dati"  Ngunit bigla itong sumagot "OO holdaper ako!!! because you stole my heart bulong nito sakanya ,tila kiniliti  naman ang puso ni Nikki ng mga sandaling iyon dahil sa narinig.'       ''Ah pwede ko na ba malaman bakit kayo nagaway ni Patrick kanina? tanong niya dito sa binata. Ngunit tila nagisip muna ito bago sumagot sa kanya.''I'm Jealous'' Mabilis nitong sagot sa dalaga. At bigla ay hinawakan siya nito sa balikat at hinawakan ang kanyang pisnge. "Nikki i like you,! since the first day I saw you", You stole my heart without any warning'' sinserong tinig nito sakanya.         Bigla naman namula ang muka ni Nikki dahil sa narinig at bumilis ang t***k ng puso niya hindi niya mawari ay parang nasa ibang dimention ang paligid niya. Biglang nagning-ning ang mga mata niya sa sinabi ni Jonathan kaya lakas loob niyang sinabi ''Jonathan i like you too Pe-pero" hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin ay agad ulit siya nitong hinalikan this time masuyod din niyang sinagot ang halik ni Jonathan.        Hindi niya namalayan na unti-unti na nitong hinuhubad ang kanyang panglabas na damit at unti-unti ay kung saan saang parte ng katawan niya napupunta ang mga kamay nito. Nang mga sandaling iyon kinalimutan ni Nikki ang kasalukuyan nawala na siya sarili na para bang wala nang katapusan ang mga halik na pinagsaluhan nila ni Jonathan ng tatangkain na ni Jonathan na tangalin ang Strap ng kanyang b*a ay agad siyang nagising sa kasalukuyan.       At bigla ay napatayo siya ''Jo-jonathan ba-bata pa tayo para sa ganitong ba-bagay" Nakahalukipkip na tinaasan siya nito ng kilay ''Fi-fine!! medyo inis na sagot sa kanya at bigla naman itong tayo at pumunta sa loob ng kusina nila .Kaya nagtataka niyang sinundan  ng tingin si Jonathan dahil napaka weirdo nito. Agad naman siya ditong sumunod sa kusina at nakita niyang binuksan nito ang kanilang refrigerator at kumuha ng maiinom nilang dalawa.       Bigla ay taas kilay nitong tinanong sa kanya ''Bakit puro tubig ang laman ng ref nyo ng mama mo?'' kaya sinagot niya agad ito ''Ki-kilala mo ang mama ko?'' Tanong niya sa binata at tila bigla naman itong natauhan sa sinabi at agad naman din itong sumagot ''Hi-hindi ko kilala ang mama mo!" wika nito ''pero paano mo nalaman na mama ko lang ang kasama ko dito?" Agad naman nitong hinawakan at ginulo ang tuktok ng buhok niya ''Stop talking nonsense at pinitik ang noo niya.        "I should go na" Paalam nito at pagtapos ay ibininaba na ng binata ang iniinom na tubig at nagpaalam na sakanya pero bago ito umalis ay minsan pa muling hinalikan nito ang labi niya. Naiwan si Nikki na tulala habang nakaupo sa sofa na kanina lang ay doon nila pinagsasaluhan ang mainit na sa sandali ng binata. ilang minuto din siyang tulalang nakawak sa labi niya hindi kasi siya makapaniwala na gusto din siya ni Jonathan at muntik ng may mangyari sakanya bigla naman siya namula at naalala ang kanyang mama si Patrick.Ano na kaya ang nangyari kay Pat tanong niya sa isip.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD