"Tara gala tayo" aya niya kay Juancho na nag bubunot na naman ng sahig. Kakatapos lang nitong maglaba kanina. Linggo ngayon at wala itong pasok sa opisina. Kaya naman naisipan niya itong ayaing gumala dahil naiinip na siya Tatlong araw na simula ng bumalik sila dito sa ancestral house nila Juancho at naiinip na siya. Gusto niya namang makakita ng ibang tanawin maliban sa apat na sulok ng bahay na to. Hindi naman siya makagala magisa dahil tinotoo na ng daddy niya na putulin ang mga credit cards niya. Si Juancho na raw ang bahala sa kanya. Pero syempre hindi naman niya basta mahingan si Juancho ng pang-shopping, dahil alam naman niyang wala rin itong maibibigay sa kanya. Eto pa ang bumibili ng pagkain nila araw araw. Namamasahe din ito sa tricycle dahil ayaw naman nitong gamitin ang porsc

