Juancho's POV WALA PARIN silang imikan hanggang sa makarating sila sa Chef Melchor Restaurant kung saan gaganapin ang reception ng binyag. Hindi na kasi sila nakaabot sa simbahan kaya dumeretso nalang sila sa reception. Pinark niya ang porsche ni Erika sa parking space ng restaurant bago ito binalingan. "I'm sorry--" Natigil siya sa pag sasalita ng itaas nito sa tapat ng mukha niya ang palad nito. Tinignan lang siya nito saka inirapan bago bumaba. Napabuntong hininga na lang siya at sumunod na rito. Inalalayan niya ito sa siko ng papasok na sila sa restaurant at hindi naman ito umangal kahit hindi rin umimik. Kinakabahan siya kapag tahimik ito. Mas gusto niya pa na tinatarayan at pinagsasalitaan siya nito kaysa ganito ito na tahimik lang, paniguradong may iniisip na naman itong k

