NAG MAMADALING sinundan niya ang asawa. Ginamit niya ang isang elavator dahil hindi niya na ito naabutan ng lumabas siya. Kailangan niyang makausap si Juancho. Mali ang iniisip nito sa kanya. Nasasaktan siya sa nakikitang sakit sa mukha nito kanina. Kailangan nilang magkausap. Nang bumukas ang elevator ay agad siyang tumakbo sa parking lot. Agad niyang nakita si Juancho na bagsak ang mga balikat na naglalakad. Tumakbo siya at pinigilan ang braso nito. "Baby wait!" Hinihingal na awat niya dito. Halos madurog ang puso niya ng humarap ito sa kanya basa ng luha ang mga mata nito at galit na nakatingin sa kanya. Malakas na iwinaksi nito ang kamay niya. "M-Mag papaliwanag ako." Natatarantang aniya dito na akma itong lalapitan pero umatras ito na parang may nakakahawa siyang sakit. Hi

