NAG DRIVE SIYA PAUWI sa bahay ni Juancho na hilam sa luha. Muntik muntikan na siyang mabangga sa isang puno kanina. Bumaba siya sa sasakyan niya at nagmartsa papasok sa kabahayan. Pinag masdan niya ang bawat sulok. Hindi niya maiwasang masaktan at maiyak. Nilibot niya ang buong kabahayan. Nahinto siya sa sala kung saan lagi niyang pinanonood si Juancho na magbunot, parang nakikita niya pa doon si Juancho na nakingiti sa kanya at pawis na pawis na nagbubunot. Pumasok siya sa kusina. Andun din si Juancho nakatayo habang may apron at abalang nagluluto, lumingon ito sa kanya at nginitian siya. Umiiyak na nilapitan niya ito pero ng hahawakan niya ay bigla itong parang bula na nawala. Naitakip niya ang palad sa bibig para pigilan ang pagiyak agad siyang lumabas don para takbuhan ang katoto

