Kabanata 19

2515 Words

NAPASALAMPAK SIYA SA sahig habang hawak parin ang seradura. Nanginginig ang kamay niya. Para siyang galing sa marathon dahil sa pagkahapong nararamdaman. Nalamukos niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Napakabilis ng t***k non kung hindi ba naman traydor! "Galit tayo sa kanya bakit ka tumitibok ng ganyan?" Umiiyak na tanong niya sa sarili saka pinagbabayo ang sariling dibdib. "Ang tanga tanga mo! Letse ka wala kang kwenta, napaka gaga mo!" Lahat ng sakit na gabi-gabi niyang iniiyakan ay mas dumoble ngayon. Kung pwede niya lang dukutin ang puso niya para mamanhid na siya gagawin niya. Nag ring ang cellphone niya hindi niya sana sasagutin yon pero mukhang walang balak tumigil ang kung sino mang-agaw eksenang tumatawag na yon. Kinuha niya yun mula sa handbag niya. Ang daddy niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD