PROLOGUE
Mahirap talaga siyang suyuin. Lalo na ilan beses akong nagsosorry sakanya pero tinataboy niya ako.
"Hindi ba't ayaw na kitang makita?" Mahina ngunit madiin na sabi nito.
"Pero damien naman wag mo naman gawin sakin to." Naiiyak na sabi ko.
Ayoko man umiyak pero hindi ko mapigilan dahil alam ko sa sarili ko na ikakasama ko to.
"Mas mabuti pang umalis ka dito hangga't alam ko pa na may respeto pa ako sayo bilang nobyo mo." Giit na sabi nito. Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.
Lumakad na ako papuntang pintuan. Bago ako lumabas tinignan ko muna siya bago ngumiti ng mapait sakanya. Siguro hindi na niya kailangan malaman kung ano ba talagang meron sakin, sa kalagayan ko.