Eloise's POV
Kanina pa ako naghihintay sakanya pero hanggang ngayon hindi pa siya dumadating. Alam niya ba kung anong oras na? Kainis talaga yung lalaking yun! Paimportante minsan!
Kasalukuyan akong nakatingin sa field ng may humalik sa pisngi ko. Humarap naman ako sakanya na nakabusangot dahilan para mapatawa siya. "Kainis ka talaga kahit na kailan! Kanina pa ako naghihintay sayo dito! Alam mo ba yun?" Naghihimutok sa sabi ko sakanya.
"I'm sorry okay. Pinatawag ako ng dean ee." Paliwanag nito.
"Ano nanaman ginagawa mo?" Nakataas na kilay na tanong ko sakanya.
"Bagsak daw ako, isa sa mga subjects." Sabi nito dahilan para pingutin ko siya.
"Haist! Pasaway! Hanggang kailan ka ba magtitino aa?!" Sermon ko sakanya.
"Magtitino na ako." Sabi nito.
"Asus. Magtitino? Ee kung ako kaya gumawa nyan sayo. Magpapabagsak ako isa sa mga subjects ko." Sermon na sabi ko.
Kinabahan ako bigla nang umiba yung expression niya. "Subukan mo lang eloise sinasabi ko na sayo magagalit sayo." Seryosong sabi nito. Dahilan para mapalunok ako, hindi niya ba alam yung salitang biro? Pshhhh!
"Tara na nga. Punta tayo ng canteen, kailangan ko ng tubig." Pahayag ko. Actually kanina ko pa to nararamdaman. Please wag naman ngayon sabi ko sa isip ko.
"Okay let's go." Sabi nito sabay hila sakin. Pagpahila naman ako sakanya.
Pagkarating namin sa canteen tumakbo kaagad ako at bumili ng mineral water saka uminom.
"Parang kanina kapa uhaw na uham." Sabi nito. Hindi ko namalayan na nakalapit pala siya.
"Hindi naman sa ganon damien." Sabi ko.
Actually matagal ko nang fiance si damien kasi yung parents niya kaibigan din ng magulang ko tapos palagi non kaming pumupunta sakanila kaya pinagsundo nila kami kahit ayaw namin, pero no choice kami kaya ineenjoy na namin to habang hindi pa kami kasal. Sakanila kasing tatlong magkakapatid siya yung pinakaclose ko.
***
Pauwi na sana kami ng may sinabi siya dahilan para tumigil ako.
"Eloise, pupunta tayo sa bahay." Sabi nito.
"Anong meron? Saka oras na ohhh." Sabi ko.
Magdidilim na kaya. Tapos dun pa siya mag-aaya na pumunta sakanila.
"Sige na kasi, saka natext ko na sina tita."
Mukhang wala akong magagawa, mapilit ee. Halos doon na nga ako tumira minsan ee ayaw niya akong pauwiin.
Atsaka minsan iniisip ko parang pinapamigay na nila ako kina tita abigail, pero okay lang din naman na tumira sakanila dahil sobrang welcome nito. Lalo na kaclose niya si dahlia yung bunso sakanila. Dahil tripplets sila.
Habang nasa byahe kami. Bigla niyang binasag yung katahimikan.
"Ayaw mo munang magpahinga? Gigisingin na lang kita pagkarating natin sa bahay." Suggest nito.
"Hindi na siguro. Saka ilan minuto narin naman makakarating na tayo sainyo." Sagot ko.
Habang nakatingin ako napagtripan kong pindutin yung sterio niya dito sa sasakyan niya. Napangiti naman ako dahil sumakto naman yung kanta, kaya sumabay na rin ako dun sa kanta.
'I can't feel my face when I'm with you
But I love it, but I love it, oh
I can't feel my face when I'm with you
But I love it, but I love it, oh
And I know she'll be the death of me, at least we'll both be numb
And she'll always get the best of me, the worst is yet to come
All the misery was necessary when we're deep in love
Yes, I know (yes, I know), girl, I know
She told me, "Don't worry about it."
She told me, "Don't worry no more."
We both knew we can't go without it
She told me, "You'll never be alone."
Narinig ko naman tumawa yung katabi ko habang nagmamaneho. "Kaya siguro sobrang close niyo ni mommy dahil may pagkakapareho kayo." Sabi nito.