Pagkarating namin sa bahay nila bumaba kaagad ako sa kotse, siya naman yung humawak sa bag ko at nakahawak pa siya sa bewang ko.
Pagkapasok namin nadatnan namin si Dalhia na nakaupo pero nakatulala. Naawa ako sa kalagayan ni dalhia. "Okay lang ba talaga yung kapatid mo Mien?"
"Hindi ko nga alam ee, magmula kasi ng umuwi yan dito ganyan na siya, minsan pa nga naririnig ko siyang umiiyak sa kwarto niya." Sagot nito habang nakatingin sa kapatid niya.
Lumapit kami kay dalhia saka umupo sa tabi niya, hinawakan ko siya sa kamay saka pinisil habang si damien umakyat muna sa kwarto niya pati bag ko inakyat niya. Parang alam ko na yung style niya, panigurado na dito niya ako papatulugin kaya parang ayaw kong ipahawak minsan sakanya yung bag ko lalo na nandon yung phone ko.
Tumingin sakin si dalhia saka ngumiti pero hindi abot hanggang mata. "Okay ka lang ba dalhia? Alam mo naman na pwede mong ikwento sakin, makikinig ako." Sabi ko habang hawak pa din yung kamay niya.
Tumayo ito saka hinila ako papuntang kwarto niya, nilock niya din yung pinto saka niya ako hinila paupo sa kama. "Ikwento mo, makikinig ako dalhia." Nakangiting sabi ko.
Nakita ko naman kung paano sunod-sunod pumatak yung luha niya kaya kinuha ko yung tissue sa side table niya saka inabot sakanya. "Thank you." Sabi nito saka pinunasan yung luha niya.
"A-ate, a-alam mo ba yung pakiramdam na mahulog sa isang taong minahal mo nang sobra pero sasaktan ka din pala, minahal ko siya ate sobra, yung tipong pati sarili ko naisuko ko sakanya. Sobrang saya namin, pero bakit ganon ate? Dumating lang yung ex-girlfriend niya, sinuko niya ng ganon yung pinagsamahan namin." Umiiyak na kwento nito.
Tahimik lang akong nakikinig sakanya. "A-alam ko na m-mali, m-maling magmahal ng ganito, na maling m-magmahal ng babae. H-hindi ko sinadya ate." Umiiyak na dugtong nito kaya lumapit ako sakanya saka siya niyakap.
Hinahaplos ko lang yung likod niya habang umiiyak siya sa balikat ko. "Kaya ba ganon ka na lang katahimik magmula ng umuwi ka dito sa bahay niyo?"
Kumalas ito sa pagkakayakap sakin habang pinupunasan yung luha niya. "Siguro? Hindi ko alam ate." Sabi nito.
Buti na lang tumigil na siya kakaiyak. "Ang mas masama pa, nalaman ng magulang ko pero ang mas nagalit si dad." Malungkot na sabi nito.
"Si dad din talaga kasi yung nagpauwi sakin dito, ayoko man talagang umuwi ee. Okay lang sakin na ipagsiksikan ko yung sarili ko sakanilang dalawa pero wala ee." Sabi nito.
Humiga siya saka kinuha yung unan, nakatingin lang ako sakanya. Hanggang sa nakita ko kung paano unti-unting pumikit yung mata niya.
Tahimik akong lumabas sa kwarto niya. Pagkalabas ko dumeretso ako sa kwarto ni Damien. Pagkabukas ko nakita ko siyang nakaupo habang kinakalikot yung phone ko.
Lumapit ako sakanya saka bilang inagaw yung phone ko. Napatingin siya bigla. "Bakit mo biglang inagaw? May tinitignan pa ako." Sabi nito.
Umupo ako sa tabi niya. "Ano bang tinitignan mo?"
"Yung messanges mo." Simpleng sagot nito.
"Wala ka naman makikita dun ee, wala naman akong katext." Sabi ko saka humiga bigla. Naramdaman ko na humiga siya sa tabi ko saka niyakap ako.