Habang nakahiga kami napansin ko nanaman yung tattoo niya sa braso malapit sa armfit. "Bakit pangalan ko yung pinalagay mo?" Nagtatakang tanong ko.
Natawa siya dahil sa tanong ko. "Matagal na yan pero ngayon mo lang natanong at napansin?"
Tumagilid ako ng higa paharap sakanya. "Hindi naman sa ganon, pwede naman pangalan mo na lang yung pinalagay mo. Bakit yung akin pa?"
Nakita ko kung paano nag-iba yung expression niya. "Bakit ayaw mo ganon?"
"Hindi naman sa ganon mien. Hindi naman kasi habang buhay ganito tayo. Yun lang ang pinupunto ko kaya pinagtataka ko kung bakit pangalan ko." Paliwanag ko.
"Gusto ko lagi ka lang nasa tabi ko, kahit anong mangyari. Kaya pinalagay
ko yung pangalan mo dahil gusto ko. Hayaan mo na." sabi niya.
Hindi na lang ako kumibo. Dahil hindi ko naman alam kung magsstay ako sa tabi niya lalo na sa pinagdadaanan ko.
"Nga pala within monday, aalis ako." paalam niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko. Umupo ako paharap sakanya pero siya nakahiga pa din.
"Pinapadala ako sa Korea. Exchange students for 2 months."
"Mag-iingat ka doon. Pag may nakilala kang iba sa korea sabihin mo kaagad. Alam mo na."
Biglang nagsalubong yung kilay niya. "Ano ako mabilis maghanap na pwedeng ipalit sayo? Nagpapatawa ka ba?" seryosong tanong niya.
"Malay mo naman diba? Para ready ako sa mangyayari." pabulong na sabi ko sa bandang huli.
"Saka paano ka ipapadala sa korea kung may bagsak kang isang subject?" nagtataka na tanong ko.
Natawa siya dahil sa tanong ko. "Binibiro lang kita na may bagsak ako. Kinausap lang ako, yun lang."
Tinitigan ko lang siya habang nakangiting nakatingin sakin. Hindi na ako nagsalita.
Humiga ako sa tabi niya. "Ihatid mo na ako." sabi ko.
Umiling siya. "Hindi. Dito ka na matutulog." sabi niya habang hinahaplos yung buhok ko.
"Baka hanapin ako ng mga kuya ko. Alam mo naman sila diba?"
"Hindi yan. Alam nila na dito ka matutulog." sabi niya
"Ewan ko sayo. Inaantok na ako. Good night." pumikit na ako at nagsumiksik sakanya.
Damien's POV
Ang tagal kong mawawala, lalo na sa tabi niya. Sana nga lang wag niyang seseryosohin yung sinabi niya kanina kundi magagalit talaga ako. Di baleng ako na lang yung magpabaya minsan huwag lang siya.
Pasaway pa naman si Eloise minsan. Huwag niya din sanang pabayaan yung sarili niya, lalo na napapansin ko na pumapayat siya.
"Good Night Baby. Dream of me." Bulong ko bago ako umayos ng pagkakahiga at yumakap sakanya.