CHAPTER 4

604 Words
Eloise's POV Nakakalungkot naman wala si mien dito sa tabi ko. Kakaalis niya lang kahapon ng madaling araw. Kasalikuyan nasa classroom lang ako nakikinig sa Prof namin ng biglang tumunog yung phone ko. "Sir. Excuse lang po, may tumatawag lang po." "Okay Ms. Bondoc." Lumabas na ako at sinagot yung tawag. Tumatawag si kuya. "Hello Eloise." "Oh kuya matt. Napatawag ka?" "Eloise. Si dad kasi ee." Bigla tuloy akong kinabahan. "Napano si dad?" Nag-aalalang tanong ko. "W-wala na si dad." "Ano? Naguguluhan ako. Anong wala na si dad?" "Wala na siya. Naatake, nakita nila sa office niya na walang malay. Hindi kaagad nadala sa hospital." Biglang bumuhos yung luha ko matapos kong marinig yung sinabi ni kuya matt. "N-nagbibiro ka lang diba kuya?" Umiiyak na tanong ko. "Hindi ako nagbibiro eloise. Nasa hospital pa kami, kung gusto mo pumunta ka dito." Sabi nito bago binaba yung tawag. Pinunasan ko yung luha ko. Pumasok ulit ako sa room buti wala na yung prof namin. Nakita ko si Roena na bakas ang pag-aalala sa mukha. "Condolence best." Malungkot na sabi nito. "P-paano mo nalaman?" Umiinit nanaman yung mata ko dahil sa pag-iyak. "Kay Ramn." Sagot nito. "G-ganon ba. Salamat, mauna na ako kailangan kong puntahan si dad." Sabi ko. Kinuha ko yung bag ko bago tumakbo. Pagkarating ko sa mismong gate nagpara kaagad ako ng taxi at sinabi kung saan hospital. Pagkarating ko sa hospital pumasok kaagad ako at nakita ko si kuya matt at kuya ramn na pinapatahan si mama. "M-ma." Tawag ko. Nilakasan ko yung loob ko kahit parang nahihirapan ako. Tumingin sakin si mama. "A-anak. Nasa loob siya." Sabi nito. Pumasok ako sa loob nakita ko si dad na nakahiga at tanging kumot na lang yung nakatakip sakanya. Lumapit ako kay dad at dahan-dahan umupo dahil nanlalambot ako. "D-dad." Pumiyok ako dahil sa pagtawag kay dad. Hinawakan ko siya sa kamay. "D-dad naman ee. D-diba sabi ko walang magpapagod. Gising ka na dad. Please? D-diba ikaw pa yung m-maghahatid sakin sa a-altar. H-hindi ka tumupad. D-dad naman. Gising ka na please? N-naghihintay ako." Pakiusap ko. "D-da--." Putol na tawag ko dahil nararamdaman ko na sumisikip yung paghinga ko. "K-kuya m-matt!" Bigla sigaw ko habang humahawak ako sa dibdib ko na sobrang naninikip. Biglang bumukas yung pintuan. Nababakas sa mukha nila yung pag-aalala. "A-anong n-nangyayari s-sakin?" Nagtatakang tanong ko. Habang nakahawak pa din sa dibdib ko. "Eloise." Nag-aalalang tawag nila. Si kuya ramn na yung nagbuhat sakin at inilabas ako sa hospital room ni dad. May dalawang nurse na lumapit samin. Tumingin ako kina mama na nag-aalala. "M-ma i-iuwi niyo ako. A-ayoko dito." Naiiyak na sabi ko kahit nahihirapan ako pero umiling si mama. Pinahiga nila ako at nilagay yung oxygen. Nakatingin lang ako sa kisame habang inaasikaso nila ako. Wala si damien. Wala din si dad. Pinatest din ako. Ilan beses na bang nangyari sakin to? Ayoko ng ganito. Ilan oras lang dumating na yung resulta pero hindi sinabi sakin. Kina mama daw sinabi yung resulta ng test. Lumapit sakin si mama. Habang sina kuya ramn at kuya matt lumabas. "Kailangan mong magpagaling dito." Sabi niya Bigla tuloy akong naguluhan dahil sa sinabi ni mama. "H-hindi ko maintindihan ma." "Kailangan mo munang magpagaling dito. Kung kinakailangan na huwag ka munang pumasok sa school gawin mo dahil magpapagaling ka." "H-hindi pwede ma." "Huwag na matigas yung ulo. Mahihirapan ka lalo once na pumasok ka pa sa school. Makakabalik ka din pag naging maayos ka na." Hindi na ako nagsalita. Ano bang nangyayari sakin? Ayaw ba nilang sabihin para malaman ko. Paano na nyan baka malaman pa ni damien na hindi ako pumapasok. Magagalit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD