After 2 months
Eloise's POV
2 months na magmula nung pinagstay nila ako dito sa hospital kahit ayoko. Last 2 months lang nila ako hinayaan na lumabas nung ilibing si dad.
Over protective na lalo yung mga kuya ko lalo na si mama. Okay naman ako pero nasa hospital pa din ako.
Nasa akin pa naman yung phone ko. Buti na lang hindi kinuha. Binuksan ko yung bintana para makalanghap ng sariwang hangin dahil naninikip nanaman yung dibdib ko.
Kasalukuyan lang akong nakatingin sa kawalan ng biglang tumunog yung phone ko.
"Hello?"
"Hello. Roena napatawag ka?"
"Hindi ka pa ba papasok? Hinahanap ka na ni damien."
Bigla tuloy akong kinabahan. "N-nakauwi na siya?"
"Oo kanina lang 4 am daw." Sabi nito sa kabilang linya.
Kahit si roena na kaibigan ko walang kaalam alam. Kahit naman ako hanggang ngayon hindi ko pa alam kung anong kalagayan ko.
"Ganon ba? Osige. Papunta na ako." Sabi ko.
Binaba ko na yung tawag sakto naman bumukas yung pintuan. "Eloise. Kailangan mong humiga at magpahinga." Sabi ni Zin.
Sa loob ng dalawang bwan si Zin yung kasama ko, naging close ko na din siya dahil siya yung nurse na nag-aalaga sakin at nagbabantay. Naging kaibigan ko na din siya.
Kailangan kong tumakas kung kinakailangan. Gusto kong makita si damien. Maghihintay na lang ako pag may tyempo.
Lumapit sakin si Zin at pinahiga ako. Sinara niya yung bintana.
"Babalik ako sandali dahil pinapatawag ako. Tapos iinom ka na nang gamot mo." Sabi nito.
Lumabas na si Zin. Ilan segundo akong nakahiga bago tumayo. Kinuha ko yung bag ko na naglalaman ng mga damit ko.
Nag-suot lang ako ng longsleve na white at kulay dark blue na palda tinernohan ko lang ng white na addidas. Sinuot ko na rin yung face mask ko dahil mausok sa daan. Lalakad na lang ako tutal dalawang kanto nasa university na. Tinabi ko muna yung hospital gown bago lumabas.
Tumingin ako sa hallway kung may nakakakita sakin. Buti na lang at walang tao, matiwasay akong nakalabas ng hospital. Dinala ko lang yung phone ko pati yung wallet ko incase na kailangan ko yung pera.
Pagkarating sa university tinaggal ko na yung mask at inilagay sa wallet ko. Naglakad ako sa hallway buti na lang konti lang yung mga istudyante na nagkalat dito.
Napapansin ko din na nakatingin sakin yung mga ibang kablock mates ko. Naririnig ko silang dahil alam ko na ako yung pinag-uusapan nila.
"Buti pumasok na siya. After 2 months ngayon ko lang siya ulit nakita." Usapan nila.
Hindi ko na lang sila pinansin hanggang sa makarating ako sa room namin.
Umupo ako sa tabi ni Roena. Tumingin ako sakanya na tila parang nabigla siya na nadito na ako.
"Eloise. Anong nangyari sayo bakit ngayon ka lang nagpakita? Tignan mo yung sarili mo pumayat ka." Nag-aalalang sabi nito.
Huminga ako ng malalim. "Nagpapagaling ako, kahit hindi ko alam yung kalagayan ko."
"Ano? Alam ba ni damien?" Umiling ako. Silang tatlong magkakapatid wala silang alam, ang nakakaalam lang si tita aria at tito eli.
"Paano nyan?"
"Wag mo na lang sasabihin kahit kanino." Sabi ko.
Lumabas na ako ng room dahil hindi naman ako magtatagal. Sumakto naman na dumating si Damien kasama yung mga kaibigan niya.
"Baby." Tawag nito. Lumapit siya at hinawakan ako sa bewang.
Yumakap ako sakanya. "Namiss kita." Sabi ko. Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Namiss din naman kita. Kinokontact kita pero hindi mo sinasagot yung mga message ko lalo sa facebook."
"Pasensiya na. Naging busy lang ako." Pagsisinungaling ko.
Tinitigan niya lang ako tila parang kinakabisado yung mukha ko. "Pansin ko pumayat ka yata. Hindi ka ba kumakain ah?" Nagtatakang tanong nito.
Bigla tuloy akong napatahimik dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Magsasalita pa sana siya ng tawagin na siya ng mga kaibigan niya para pumasok.
"Mauna na ako. May pasalubong ka kaso nasa bahay pa ibibigay ko na lang mamaya." Sabi nito.
"Osige. Hintayin na lang kita." Sabi ko.
Napabugtong hininga ako. Hindi ko tuloy kung saan ako pupunta nito. Gusto ko man umuwi sa bahay pero baka magalit si mama pag nalaman niya na tumakas ako.
Damien's POV
Matapos ng klasse namin lumabas na ako sakto naman nakasabay ko yung Prof namin sa Math.
"Mr. Cohen. Pumasok na ba si Ms. Bondoc?"
"Yes sir. Why?"
"Nothing. Good for her na pumasok siya ulit." Sabi nito.
Bigla tuloy akong naguluhan. "What do you mean sir?"
"Sorry to say this but hindi pumasok si Ms. Bondoc for almost 2 months na wala ka." Sabi nito.
Bigla tuloy akong natigilan. So hindi siya pumasok ng almost 2 months habang wala ako.