Eloise's POV
Habang nasa canteen ako natanaw ko na kaagad si damien.
Ngumiti ako saka lumapit sakanya. Tatanungin ko na sana siya ng bigla niya ako hinila papalabas ng canteen at dinala sa may garden.
"May problema ba?" Natatakang tanong ko.
Nakita ko kung paano tumaas baba yung balikat niya. Tumingin ito sakin ng napakaseryoso pero may halong galit. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Totoo ba?!"
"Na ano?" Nagtatakang tanong ko.
"For 2 months na umalis ako hindi ka pumasok. Totoo ba?!" Galit na tanong nito.
Napatahimik ako ng dahil sa tanong niya. Tumawa siya bigla ng mapakla. "So totoo pala ng nalaman ko! Kailan pa?! Hindi ba't pinag-usapan natin na magagalit ako once na nalaman ko na may bagsak ka. Ano to! Eloise naman buong subject bagsak ka!" Galit na sabi nito.
Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Ito na nga ba yung sinasabi ko, magagalit talaga siya once na nalaman ni damien.
"D-damie-"
"Ihahatid na kita sa bahay. Kukunin mo yung mga pinamili ko sayo at uuwi ka na. Magmula ngayon huwag ka munang magpapakita sakin." Malamig na sabi nito bago naglakad papalayo.
Sunod-sunod nagpatakan yung mga luha ko. Galit na siya. Ayaw niya pa akong makita. Ayoko na.
Ilan minuto akong mag-isang umiiyak dito sa garden hanggang sa napagdesisyon ko na sumunod kay damien. Nakita ko siya naghihintay sa labas ng kotse niya.
Nang magtama yung mata namin, parang wala lang sakanya dahil nauna na itong sumakay. Tahimik lang ako na pumasok sa kotse niya.
Buong biyahe hindi niya ako pinapansin hanggang makarating kami sa harapan ng bahay nila.
Bumaba na ako saka sumunod sakanya papasok sa bahay nila.
Nadatnan namin si Tita Abigail na nakikipag-usap kay mama. Nabigla sila ng makita nila ako.
"M-ma." Kinakabahan na tawag ko ng makita nila ako.
"Anong ginagawa mo dito anak? Di ba may pinag-usapan tayo." Sabi nito na may pagkaseryoso.
Yumuko ako. Habang si damien iniwan niya ako dito sa sala kasama sina mama.
"Sorry ma. Nalaman ko lang na umuwi si Damien ee." Pagdadahilan ko.
"Alam ba ni Zin na umalis ka?" Tanong nito, si tita aria malungkot lang siya na nakatingin sakin.
Umiling ako. "Hindi ma, saka pwede naman ako sa bahay na lang diba?"
"Oo anak, pero mas mabuting nasa hospital ka dahil wala naman tayong gamit sa bahay na kailangan mo. Lalo na may nakabarado sa puso mo." Paliwanag nito.
Bigla tuloy akong natigilan. Napatingin ako kay mama na tila parang nagulat din sa sinabi niya. Nanunubig nanaman yung mata ko dahil sa nalaman ko.
Kaya naman pala ayaw nilang sabihin, dahil pala may nakabarado sa puso ko. Ganon pala. "Kaya ba itinago niyo sakin ng 2 months? Ang mas masakit ma sa tuwing tinatanong ko kayo iniiwasan niyong sumagot at iniiba kaagad yung usapan." Naiiyak na sabi ko pero kaagad kong pinunas yung luha ko.
Sinuot ko na yung face mask ko saka tumayo dahilan para magtaka sila. "Saan ka pupunta eloise?" Tanong ni tita abigail. Habang si mama tila parang nag-aalala dahil sa pinapakita ko.
"Babalik na po ako. Ma, pakidalhan na lang yung pinapabigay ni damien. Tutal ayaw niya akong makita." Sabi ko bago lumabas saka naglakad pabalik sa hospital kahit sobrang layo.
Sumakto naman tumunog yung phone ko pagkakita ko tumatawag si Zin. Sinagot ko kaagad.
"Hello zin?"
"Loise, nasaan ka?" Tanong nito na may halong pag-aalala.
"Palabas na ako ng Village nila Damien." Sabi ko.
"Okay hintayin mo ako sa may gate ng village, susunduin kita may pag-uusapan pa tayo." Sabi nito bago binaba yung tawag.
Damien's POV
Pagkababa ko hindi ko na nadatnan si Eloise. Oo nga't galit na galit ako sakanya dahil sa nalaman ko, nagkausap na kami noon pa man pero anong ginawa niya? Hindi siya pumapasok habang wala ako.
Lumapit ako sa kinaroroonan nila mom. Tumingin ako kay Tita Ellis.
"Tita nasaan si Eloise?" Tanong ko. Kahit naman galit ako sakanya concern pa din ako. May hindi lang talaga ako nagustuhan.
"Sinundo nung kaibigan niya." Sabi nito.
"Ganon ba. Pabigay na lang sakanya to tita." Sabi ko at inabot ko iyung isang malaking paper bag na puno ng pasalubong.
"Okay. Salamat dito damien, iaabot ko na lang mamaya sakanya." Sabi niya.
Iniwan ko sila, paakyat na sana ako ng marinig ko yung tinanong ni mom kay tita.
"Sinong kaibigan? Si Zin?" Tanong ni mom.
"Oo. Pinasundo ko baka makalanghap siya ng usok. Delikado para sakanya, lalo na mahirap siyang patahanin." Sagot ni tita.
Bigla tuloy nagsalubong yung kilay ko dahil sa narinig ko, at sino naman yung Zin na yun? Pangalan palang panlalake na.