Zin's POV
Pagkarating ko sa mismong gate ng village nakita ko si Eloise na nakaupo sa gilid ng kalsada.
Masesermon siya sakin, dahil sa ginawa niyang pagtakas kanina. Ngayon lang niya ginawa yun.
Binaba ko yung bintana. Nakatingin ako sakanya na parang sobrang lalim ng iniisip niya. "Eloise. Get in." Tawag pansin ko.
Napatingin siya sakin at tumayo. Pumasok na siya sa loob ng kotse, pinaandar ko na yung sasakyan.
"Eloise. Hindi mo ba alam na delikado sayo yung pagtakas mo. Paano na lang pag inatake ka ulit? Wala kami." Seryosong sabi ko sakanya habang sumusulyap ako sakanya.
"Pasensiya na, tumakas lang ako para makita si damien." Paumanhin niya.
"Kamusta na yung nobyo mo?" Tanong ko.
Narinig ko lang na para humikbi na siya. Hininto ko muna yung sasakyan sa tabi ng daan bago tumingin sakanya.
"Eloise." Pinaharap ko siya sakin pero nakayuko lang siya.
"Gusto mo bang magkwento? Alam mo naman na hindi mo lang ako nurse di ba? Kaibigan mo din ako." Sabi ko.
Huminga muna siya ng malalim. "G-galit s-si d-damien s-sakin." Nahihirapan na sabi niya.
Niyakap ko siya. "Shhh. Wag masyadong umiyak, aatakihin ka ng sakit mo. Mahihirapan ka at hindi pa naiintindihan ng nobyo mo kaya siguro nagalit siya." Paliwanag ko sakanya habang hinahaplos yung likod niya para gumaan yung pakiramdam niya.
"S-saka b-bakit g-ganon naman? T-tinago n-nila mama na m-may g-ganon akong nararamdaman. K-kaya ba nahihirapan a-ako?" Tanong niya bago kumalas sa pagkakayakap.
"Walang may gustong mangyari yan sayo eloise. Malalagpasan mo din yan." Sabi ko.
Hindi siya sumagot pero napatingin ako sakanya kung paano siya nahihirapan huminga. "Kaya mo pa ba?" Nag-aalang tanong ko sakanya.
"K-kaya pa." sagot niya kahit mukha naman hindi.
Pinaandar ko na yung sasakyan. Binilisan ko na lang yung pagmamaneho hanggang makarating kami sa hospital.
Binuhat ko siya saka dinala sa mga nakahilerang hospital bed at tinawag si Dr. Ramos.
Pagkarating si Dr. Ramos pinapagay yung oxygen niya at pinatest siya ulit.
Tumingin siya sakin. "Napano siya?" Tanong niya.
"Kakaiyak saka sobrang pag-iisip." Sagot ko.
"Ay. Nako. Talaga naman oh. Pasaway na bata tong inaalagaan mo." Sabi niya.
Napailing na lang ako. "Sandali lang doc. Tatawagan ko lang yung mama niya." Paalam ko.
Lumabas muna ako at kinuha yung phone ko. Tinawagan ko si Ma'am Ellis. Ilan ring pa bago niya nasagot.
"Hello ma'am?"
"Hello? Ikaw talaga zin, ilan beses na sinabi ko nang tita na lang itawag mo sakin dahil kaibigan ka ng anak ko." Sermon niya.
Natawa ako. "Sorry tita." Paumanhin ko.
"Okay lang, bakit ka nga pala napatawag?"
Bigla tuloy akong nagseryoso dahil sa tanong niya. "Si Eloise. Nahirapan nanaman siya sa paghinga."
Kung wala lang nakabarado sa puso niya hindi siya mahihirapan.
"Ano? Okay na ba siya?" Nag-aalalang tanong nito.
Sumilip ako kay eloise na nakatingin lang sa kisame. Habang tinetest siya.
"Yes tita, pinatest siya ulit. electrocardiogram test." Sabi ko.
"Sino yung mga magtetest sakanya?"
"Mga co-nurse ko na babae tita." Sagot ko.
"Mabuti naman. Papunta na kami dyan." Sabi niya bago binaba yung tawag.