CHAPTER 17

411 Words
Damien's POV Halos natapos na yung Graduation Day, hindi man lang siya pumunta o nagpakita. Namimiss ko na talaga siya. Hindi mo man lang ba ako namimiss Eloise? Kasi ako namimiss na kita sobra baby. Nagcecelebrate kami dito sa Restaurant na pag-aari ni jamiel. Habang kumakain kami may itinanong si mommy kay lola. Buti na lang din kahit na pinacancel ni eloise yung engagement namin good terms pa din kami ni Tita Ellis. Nandito sila si eloise lang talaga yung kulang. "Ma. Bakit hindi siya sumama?" Tanong ni mommy. Tahimik lang ako kumain. Umiimik lang ako pag tunatanong nila ako. "Ayaw niya. Mas gusto daw niya doon." Sabi ni lola. Nararamdaman ko na may mga tumitingin sakin kaya tinignan ko sila ng may pagtataka. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Umiling sila. Nagkibi balikat na lang ako saka ipinagpatuloy yung kinakain ko. **** KINAGABIHAN tulog na silang lahat maliban kina jamiel. Kumuha ako ng dalawang boteng alak sa bar counter saka umakyat. Papunta na sana ako sa kwarto ko ng may naririnig ako na kausap ni bella, dahil nakabukas yung pintuan nila. "Tita naman. Mitt ko na po kayo, dito na lang po kayo." Sinong kausap niya? May bago ng kasintahan si jamiel? "Opo. Tutulog na po si ako tita. Batta punta po kayo dito after 1 week. Aatahan ko po yan tita." Sabi nito. May kutob ako pero ipinagsawalang bahala ko na lang saka bumalik sa kwarto ko. Binuksan ko yung unang alak na nakuha ko. Nakakahalati ko na, eto lang yata yung tanging paraan para maibsan yung nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang na may basa sa pisngi ko. Pinunasan ko kaagad. Nagsisisi ako, nagsisisi ako sa mga ginawa ko kay eloise. Nagulat na lang ako ng may nagbukas sa pintuan ng kwarto ko at nakita ko si mommy. Mabilis kong tinago yung dalawang bote pero alam ko huli na dahil nakita na niya. Umupo siya sa tabi ko dahan-dahan tinggal yung bote sa kamay ko. "Bakit mo ba to ginagawa anak?" Tanong nito. Humiga ako at nararamdaman ko na lang na hinahaplos niya yung buhok ko, kung paano haplusin ni eloise noon. Umiling ako bilang sagot nangingilid nanaman yung luha ko. "W-wala mom." "Namimiss mo siya no?" Tumango ako. Inaantok ako dahil sa ginagawa ni mommy. "Babalik din siya." Sabi nito. Napapikit na lang ako, hanggang maramdaman ko na may umupo sa tabi ko. "Nandito na ako. Ayusin mo yung sarili mo." Sabi nung nagsalita hanggang sa nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD