CHAPTER 16

737 Words
Eloise's POV Ilan months na din. Ilan months na din akong naaatempt na umuwi sa manila, kaso may pumipigil sa sarili ko na huwag na munang umuwi kahit na malapit na yung birthday niya. Kasalukuyan akong nanonood kay Bella na nakikipaglaro kay ed. Habang si ed naman ay hinahabol si bella. Napangiti tuloy ako habang pinapanood ko sila hanggang may nagsalita sa likod ko. "Wala ka bang balak umuwi sa manila?" Tanong Jamiel. Tumingin ako sakanya saka ngumiti. "Hindi ko pa alam. Naatempt ako pero may pumipigil sa sarili ko na huwag na muna." Sagot ko. "Dahil ba sa nangyari?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya kaya umiwas na lang ako ng tingin. "Saka ilan araw na lang graduation day na niya pupunta kami ng anak ko, ilan linggo din kami doon para sa birthday ng Triplets. Sumama ka na." Sabi nito. "Ewan ko. Kayo na lang pumunta. Dito na lang ako." "Kasama sina lola merry. Ikaw lang mag-isa mo dito." Tumingin ako kina bella. "Nandyan naman yung aso ko. Hindi ako nag-iisa." Sabi ko Lumapit sakin si Bella kasunod si Ed. "Tita ti ed. Napagod ako niya." Sabi nito. Natawa ako dahil sa sinabi niya, medyo bulol pa siya ng konti dahil 3 years old pa lang siya. Hindi din ganon kabihasa sa pagsasalita. Bumaba ako para magkapantay kami. Hinaplos ko yung balahibo ni ed. "Ed. Huwag mong pagurin si bella okay." Sabi ko. Tila parang naiintindihan niya ako dahil tumahol siya. Napangiti ako lalo dahil si bella ay niyakap si Ed. Hinila ko si bella kaya sumunod samin si Ed. "Gutom ka na ba baby?" Tanong ko. "Opo tita." Sabi niya. Nang makarating kami sa kusina nakita namin si lola merry na kumakain. Wala si lolo delfin. Pinaupo ko si Bella. Tumingin ako kay Jamiel. "Upo ka na din." Sabi ko. Kinuha ko sila ng meryenda nila at pinakain ko din si Ed. Umupo na din ako at kumain. "Els. Hindi ka ba sasama samin?" Tanong sakin ni lola. Els kasi ang tawag niya sakin mula pa noon. Siya lang yung tumatawag na Els saka pala si Lolo Delfin. Umiling ako. "Hindi po. Dito na lang po ako lola." Sagot ko. "Dahil ba sa dahilan na sinabi mo kaya ayaw mong sumasama samin sa tuwing lumuluwas kami sa manila?" Hindi na ako sumagot bagkos ay ngumiti na lang ako ng tipid at ipinagpatuloy yung kinakain ko. Lumipas yung ilan orad at 5 pm na. Aalis na silang lahat, ako na lang at si ed ang nandito. "Mag-iingat ka dito els. Okay?" Tumango ako at ngumiti kay lola merry. "Opo naman. Saka nandito naman si nanay rosie ee." Sabi ko. Tumingin ako kay Jamiel na buhat ang anak niya. Lumapit ako sakanila. "Jamiel. Ingat sa pagmamaneho. Dahan-dahan lang." Pagpapaalala ko. "Oo naman. Hindi naman ako ganon kabilis magmaneho, baka magreklamo si lola." Natatawang sabi niya. Tumingin ako kay bella. "Tawagan mo si tita pag may time ka aa. Hiramin mo yung cellphone ni daddy mo." Sabi ko sakanya habang hinahalpos yung buhok niya. "Opo tita. Mamimitt kita." Sabi niya. Lumapit ako lalo sakanya at hinalikan siya sa pisngi. "Mamimiss ka din ni tita." Nakangiting sabi ko sakanya saka pinisil yung pisngi niya, natawa ako dahil bigla siyang bumusangot. Natawa din si Jamiel dahil sa ginawa ng anak niya. "Alam mo naman na nandito lang ako eloise." Makahulugan na sabi niya. "Oo naman. Hindi ko naman kinakalimutan iyon." Sabi ko habang ginulo yung buhok niya. Bumusangot din siya kaya natawa ako lalo. Parehas sila ng reaction ng anak niya. "Mag-ama nga kayo." Natatawang sabi ko. Magsasalita na sana si jamiel ng magsalita sa likod namin si Lola. "Mga batang ito. Tara na jamiel. Ikaw Els, pasok na kayo ni Ed." Sabi ni lola. "Opo lola." Sabi ko. Nagpaalam na ako sakanila at pumasok na sa loob habang buhat si ed. Natawa ako dahil dinilaan niya ako sa pisngi. Pumunta na ako sa kwarto ko malapit lang sa sala hiniga ko doon si ed at humiga ako sa tabi niya. Patagilid akong humiga at hinahaplos yung balahibo ni ed. Mabuti na lang talaga okay na okay na ako. Hindi na sumusumpong yung sakit ko. "Namimiss ng daddy mo Ed?" Tanong ko. Tumahol naman siya. Napangiti tuloy ako para ba talagang naiintindihan niya ako. Noong may pinagdadaanan ako hindi umalis si Ed sa tabi ko. Naiintindihan niya yata talaga niya ako at nilalambing niya ako sa tuwing malungkot ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD