Magmula nang malaman ko yung nangyari kay eloise, parang biglang bumagsak yung mundong kinagagalawan ko.
Lalo nang malaman ko na umalis siya. Pumunta ako sa university pero wala akong nadatnan na Eloise sa room nila. Nakausap ko din si Mr. Sui na nagdrop na daw si Eloise.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Mr. Suinang makasalubong ko siya sa hallway
* FLASH BACK *
Naghihintay sana ako kay eloise ng makita ko si Mr. Sui at binati ko siya.
"Good Afternoon sir."
"Good Afternoon too Mr. Cohen, sinong hinihintay mo?" Tanong nito.
"Si Eloise po." Sagot ko.
"Ah. Si Ms. Bondoc ba? Nagdrop na siya dito."
Natigilan ako. "Kailan pa po sir?" Gulat na tanong ko.
"Nung last week pa."
"Wala po ba siyang sinabi kung anong dahilan?"
Umiling siya. "Nothing. Basta sinabi lang niya, lilipat na lang daw siya sa ibang lugar para ipagpatuloy yung pag-aaral niya." Sabi nito.
"Ganon po ba sir. Salamat po." Pasasalamat ko bago ko siya iniwan.
* END OF FLASHBACK *
Namimiss ko na siya. Ilan week na siyang hindi nagpakita o nagparamdam. Parang bigla akong nadedepress tuwing nalalaman ko na umalis na si Eloise. Pati yata sa mundo ko umalis na siya. Pakiramdam ko din palagi lang akong nag-iisa dahil wala siya.
Magmula ng umalis siya, palagi na lang akong university-house lang yung routine ko. Nagkukulong ako kadalasan sa kwarto, napapagalitan ako kay dad dahil pinapabayaan ko daw yung sarili ko. Pumupuslit din ako minsan ng alak para lang maibsan sandali yung lungkot na nararamdaman ko pero panandalian lang tapos babalik nanaman ulit.
*****
Apat na bwan at isang linggo na yung lumipas pero hindi pa din siya bumabalik dito. Namimiss ko na talaga siya.
Sobrang pagsisisi ang naramdaman ko ng malaman ko yung dahilan niya. Kailan ka kaya babalik dito baby? Nasaan ka na?
Ilan araw na lang graduate na ako. Hindi kaya niya ako mapapanood na makuha yung diploma ko?
Ang daming tanong sa isip ko, pero kahit isa wala akong makuha na sagot.
Nakatingin lang ako sa labas ng may nagsalita mula sa likod ko.
"Hindi ka pa ba papasok?" Tanong ni mommy.
Umiling ako saka tipid na ngumiti. "Mamaya na mom." Sagot ko saka tumingin pa din sa labas.
Nang nagalit sakin si mommy 1-month din niya akong hindi kinausap. Buti na lang okay na kami ngayon.
"Mom. Kailan ba siya uuwi? Namimiss ko na siya." Malungkot na sabi ko sakanya.
Ngumiti siya. "Uuwi din siya, hindi lang natin alam kung kailan." Sagot niya.
"Ilan araw na lang graduate na ako pero hindi yata siya pupunta. 1-week pa yung birthday namin nila daewon pero mukhang hindi din siya darating."
Hindi sumagot si mommy. Ginulo niya lang yung mahabang buhot ko hanggang balikat bago iniwan.
Ilan months na din akong hindi nagpapagupit. Ewan ko, kung kasama ko lang si eloise panigurado magagalit yun dahil hindi pa ako nagpapagupit.
Umuwi na sana talaga si eloise, baka tuluyan akong mabaliw pag hindi ko pa siya nakita.