Damien's POV
Nagulat na lang kami ng makita namin si mommy.
"Pauwiin mo na yang babae mo! Nakakahiya ka! Magbihis ka!" Galit na sabi ni mommy at iniwan kami.
Dali-dali akong nagbihis at pinabihis din si shannon.
"Umuwi ka na!" Galit na sabi ko sakanya at itinulak siya papalabas.
Nang makabihis ako, bumaba kaagad ako at pumunta sa sala.
Pagkarating ko nakita ko sina mommy at si daewon na nakaupo sa sala. Wala si dalhia.
"Upo!" Utos ni mommy at sumunod ako. Umupo ako sa harapan nila. Si dad tahimik lang pero alam ko kahit anong gawing pampakalma ni dad kay mom, walang mangyayari.
Nagulat na lang ako ng may malakas na sampal akong nakuha mula kay mommy.
"Abigail!" Babala na tawag ni dad.
Tumingin si mommy kay dad. "Manahimik ka! Kundi pati ikaw madamay!" Galit na sabi ni mommy.
Tumingin siya sakin. "Ano tong ginawa mo?! Nakuha mo pang magpapunta ng babae dito?! Mahiya ka naman anak!"
"Ano bang ginawa ni eloise sayo para gawin mo yun sakanya ah?!" Dugtong ni mommy.
Hindi ako makasagot dahil sa tanong niya. "Ganon ka ba sobrang mainipin para hindi mo mahintay yung kasal niyo!"
"Oo. Nagalit ako. Galit ako sakanya dahil may pinag-usapan kami." Mahinahon na sabi ko.
"Jusqo naman! Mababaw lang yang dahilan mo pero nakuha mong magloko! Nakuha mo sanang maglock kung gagawa ka nang kalokokahan para hindi makita ni eloise. Nakuha mo pang magenjoy sa ginagawa mo habang ang fianceè mo nahihirapan sumuyo sayo!"
N-nakita kami ni eloise? P-paano?
"Ano gulat ka ngayon?! Hindi na ako magtataka kung sumuko na sayo si eloise." Madiin na sabi ni mommy.
Yumuko ako. Nahihiya ako dahil sa nangyari. "Sana naman, makuha mong intindihin si eloise kung bakit hindi siya pumapasok. Ang kaso hindi mo alam dahil ayaw mong makinig."
"Ganon ba kasarado yang isip mo para hindi maintindihan ah?!"
"Hind ko alam okay? Wala akong alam." Sagot ko.
"Damien!" Babala na tawag ni dad.
"Huwag mong sigawan ng ganyan ang mommy mo." Sabi ni dad.
"Ewan ko ba kung saan ka nagmana at ganyan ang ipinapakita mo! Gusto kitang murahin anak pero hindi ko magawa!"
"Oo nga't hindi ako umiimik nung makita ko si eloise na may nakabaon sa braso niya, pero itong ginawa mo? Siguro hindi. Kaya lang naman hindi pumapasok yung fianceè mo dahil may nakabarado sa puso niya. Madali siya mapagod. Kaya nga iniiwan namin na may mangyari sakanya habang wala ka dahil mahirap siya patahanin. Naawa ako dahil sa kalagayan niya, halos sa hospital na siya tumira. Ngayon alam mo na. Magising ka na sana sa katotohanan!" Galit na sabi ni mama.
A-ano? Kaya ba hindi siya pumapasok dahil iyon ba ang dahilan niya? Kaya ba ganon na lang biglang bumagsak yung katawan niya?
Nangingilid yung luha ko dahil sa nalaman ko. Ngayon lang ako naging ganito. Sakanya lang ako naging ganito.
Sasagot na sana ako ng tumunog yung cellphone ni mommy.
"Hello ellis?"
"Ano? Pinacancel niya? Nasaan siya? . . . Osige naiintindihan namin." Sabi niya bago binaba yung tawag.
Tumingin sakin si mommy na may halong seryoso. "Sana naman nasiyahan ka na sa ginawa mo. Pinacancel na ni eloise yung engagement niyo." Sabi niya.
Bumagsak bigla yung luha ko. Umiling ako. "H-hindi. H-hindi gagawin iyon ni eloise." Umiiyak na sabi ko.
"Pupuntahan ko siya." Sabi ko, patayo na sana ako ng magsalita ulit si mommy.
"Umalis na siya." Seryosong sabi nito at iniwan kami.
Si dad naman seryosong tumingin sakin. Ngayon lang ulit ako umiyak sa harapan nila, nakakabalka man pero oo kasalanan ko.
Tumayo siya at tinignan ako. "Once na bumalik na dito ang fianceè mo ayusin mo yang ginawa mong gulo." Seryosong sabi niya bago sinundan si mom.
Naramdaman ko na lang na may tumapik sa balikat ko. "Hintayin mo siya, hintayin mo na maging okay ang lahat. Magiging maayos din ang lahat. Sana kung dumating na yung panahon na yun wag ka na ulit gagawa ng bagay na ikakasakit ng nobya mo." Sabi niya bago ako iniwan.
Eloise. Please I'm sorry, mapapatawad mo pa kaya ako baby? Please sorry.