Daewon's POV
Ilan araw ko nang hindi nakikita si eloise, ilan araw na din na hindi na niya ako kinukulit at hindi na siya pumupunta dito.
Hindi ko sinasadya na maitulak ko siya ng ganon kalakas para mataan niya yung vase. Alam ko nasaktan siya. Lalapitan ko na sana siya non pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko hanggang sa makaalis siya.
Nakita ko pa kung paano alalayan nung lalake si eloise para maisakay lang sa kotse.
Nakahiga ako sa kama ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si shannon.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
Ngumisi siya. "Masama bang bisitahin ang boyfriend ko?"
"Hindi mo ako boyfriend." Madiin na sabi ko.
Lumapit siya sakin at nagulat na lang ako ng umupo siya sa tyan ko at hinubad niya ang damit niya.
"Talaga lang ah? I know you can't escape from this." Sabi niya at inumpisahan halikan ang leeg ko.
"Ano ba! Tumigil ka. Magdamit ka na, baka may dumating dito." Pagtataboy ko sakanya.
Ngunit hindi siya nakinig sakin at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.
Eloise's POV
"Napadalaw ka." Sabi ni daewon. Nang makarating ako sa bahay ng parents niya.
"Oo. Ilan araw na din akong nagpahinga. Kailangan ko lang makita si mien, nandyan ba?" Tanong ko.
"Oo. Nasa kwarto may bisita. Puntahan mo na lang." sabi niya.
Ilan segundo akong natigilan dahil sa sinabi niya. Si damien may bisita? Kailan pa nag-entertain si damien sa kwarto niya? Ang alam ko pag may bisita sila sa sala lang sila. Except sakin na pwedeng pumunta sa itaas.
"Ganon ba? Osige puntahan ko na lang." Sabi ko at naunang pumasok.
Pagkapasok ko nakita ko si tito na nakaupo sa sala at may binabasa, si tita naman nakauna sa hita ni tito. Napangiti tuloy ako.
"Hello po tito, tita." Bati ko at nakipagbeso sakanila.
"Pupuntahan ko lang po si damien." Paalam ko.
"Okay. Pakitawagan na din siya." Sabi ni tita.
"Opo tita." Sabi ko.
Umakyat na ako at dumeretso sa harapan ng pintuan ni damien, pero natigilan ako ng may naririnig ako. Alam ko yung naririnig ko, hindi naman ako ganon kamuwang sa mundo para hindi malaman yun.
Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at nakita ko paano gumalaw yung babae sa ibabaw ni damien.
Dahil sa nakita ko, sunod-sunod nagpatakan yung mga luha ko. Pakiramdam ko nanlalambot ako dahil sa nakikita ko. Umalis na lang ako hanggang sa makababa ako.
Hindi niya man lang ba mahintay maikasal kami para gawin niya yun? Ganon na ba siya kainip? Pagod na ako. Pagod na pagod na. Gusto ko nang magpahinga, dahil alam ko mawawala din itong nararamdaman ko.
Pagkababa ko mabilis kong pinunasan yung luha ko. Saka lumapit kina tita.
"Tita. B-busy po siya doon sa B-bisita niya." Nauutal na sabi ko.
"Anong busy?"
Ngumiti lang ako at nagpatakan ulit yung mga luha ko pero pinunasan ko kaagad.
"Busy po siya doon sa babaeng nagpapaligaya sakanya." Bulong na sabi ko pero alam ko narinig nila ako.
"Hija." Nag-aalalang tawag nila tito.
Tumayo na ako. "Kailangan ko na pong umuwi tito. Kailangan ko pa pong makapaghanda dahil po diba sabi niyo magbabakasyon ako? Pero sana po huwag niyo na lang ipaalam kay damien." Sabi ko.
"Bakit ganyan na yung anak mo?" Galit na tanong ni tita abigail kay tito.
"Daewon. Ihatid mo na si eloise sa bahay nila. Bumalik ka kaagad dito." Seryosong sabi ni tito.
Tumayo na din si daewon at tahimik akong lumabas kasunod siya.
Habang nasa biyahe kami, binasag niya yung katahimikan. "What do you mean na may napapaligaya kay damien?"
"W-wala."
"Sabihin mo na." Seryosong sabi niya.
"N-nakikipag s-s*x siya." Mahinang sabi ko.
Narinig ko siya nagmura. "Kaya naman pala, una pa lang kinutuban na ako." Sabi niya pero hindi na ako umiimik.
Pagkarating namin sa bahay bumaba kaagad ako. "Thank you. Ingat sa pag-uwi." Matamlay na sabi ko.
Pagkarating ko sa loob ng bahay namin dumeretso kaagad ako sa kwarto ko. Inilock ko muna yung pintuan.
Nanghihina akong napaupo sa kama ko at hindi ko maiwasan na hindi maalala yung nakita ko kanina. Hindi ko lubos maisip na sobra naman yata yung galit ni damien para gawin niya sakin ko.
"Pagod na ako. P-pagod na akong gawin ang lahat p-para lang mapatawad mo ako, pero bakit n-naman ganon? H-hindi ko masyadong makuha kung bakit kahit nakita ko yun hindi ko makuhang magalit ng lubusan sayo?" Umiiyak na sabi ko kahit na wala naman siya dito.
Ilan oras din akong nagmukmok hanggang sa tumayo ako at kinuha yung isang maleta ko. Kinuha ko yung mga damit ko at iilan mga gamit na kailangan ko.
Pagkatapos sinara ko na yung maleta at dinala pababa. Pagkarating ko sa sala nakita ko sina mama kahit sina kuya. Kinuha ko na din si Ed. Si Ed isasama ko na din siya.
"Ihatid niyo na ako sa pangasinan." Sabi ko habang hawak si Ed na panay galaw ng buntot niya.
"Bakit ang aga naman?" Tanong ni kuya matt.
"Wala lang, masyado na akong naiinip. Kung may magtanong kung nasaan ako, pakiusap lang na huwag niyong sasabihin." Sabi ko.
"Kung yan ang gusto mo. Sige." Sabi niya.
Inabot ko yung maleta ko kay kuya ramn. "Kuya pakilagay sa sasakyan mo, isama mo na din pala si ed." Sabi ko, kahit si ed inabot ko sakanya.
Lumabas na si kuya ramn habang si kuya matt pumunta sa kusina. Tumingin ako kay mama, na ngayo'y nakatingin din sakin pero may bahid ng lungkot.
"Ma. Kailangan ko nang pabor." Panimula ko.
"Ano yun anak?" Nagtataka na tanong ni Mama.
"Gusto ko po sanang icancel na yung engagement namin ni damien." Sabi ko.
Tila parang nagulat siya sa sinabi ko. "Bakit anak?"
Ngumiti ako ng may lungkot sakanya. "Wala po ma, sana masabi niyo na din po kina tita. Pagkaalis ko papunta sa bahay nila lola merry." Sabi ko.
"Kung yan ang gusto mo. Alam ko may dahilan pero hindi mo pa sinasabi sakin, naiintindihan ko. Ipapaalam ko kina abigail ito." Tumango ako at nagpaalam na kailangan na namin umalis.