CHAPTER 12

525 Words
Pagkababa ko nakita ako nila tita. Napataho sila ng makita nila yung braso ko. "Anong nagyari sa braso mo eloise?" Nag-aalala na tanong nila. Umiling ako. "W-wala po. U-uuwi na po ako." Paalam ko. Magsasalita na sana sila ng umalis na ako at lumabas. Umalis sa pagkakasandal si zin ng makita niya na may tumutulo sa braso ko. "Tara na. Kailangan kitang dalhin sa hospital, kailangan matanggal yang nakabaon sa braso mo at matahi yan." Sabi niya. Binagbuksan niya ako ng pintuan at mabilis na nagmaneho papuntang hospital. Pagkarating namin dinala nila ako sa emergency room at tinusukan nila ako ng anestisia, hindi ako tumitingin dahil tinatahi nila ako. Matapos ng isang oras, pinapahinga na nila ako, hindi na nila ako pinayagan umuwi dahil ooperahan na daw nila ako bukas. Bumukas ang pintuan at nakita ko sina mama pati sina kuya. "Anong nangyari?" Nag-aalang tanong ni mama. "Wala po. Natamaan ko lang po yung vase na nasa kwarto ni damien." Sabi ko. "Anak naman. Mag-iingat ka naman. Naawa ako sa pinanggagawa mo." Ngumiti ako ng mapait sakanya. "M-ma wag kayong maawa sakin." Sabi ko. "Alagaan mo naman yung sarili mo. Bumagsak na yung katawan mo dahil konti yung kinakain mo." Hindi na ako sumagot at tumingin na lang sa bintana. "Napagdesisyonan namin ni abigail na iuwi ka sa bahay ng parents ni dever sa pangasinan. Doon ka magbabakasyon pagkatapos mong maoperahan, para makalanghap ka nang sariwang hangin." Sabi niya. Tumango na lang ako bilang sagot at pumikit. Pakiramdam ko buong katawan ko pagod na pagod. - KINABUKASAN Pinagpalit nila ako ng hospital gown. Habang wala pa sa oras naglakad lakad muna ako, wala pa sina mama. Papunta na sana ako ng bigla akong matigilan dahil nakita ako ni daewon, ang kuya ni damien. Nagtama ang paningin namin. Kasama niya ang asawa niya na si Grace. "Eloise. Nandito ka pala, bakit nakahospital gown ka?" Nagtatakang tanong ni grace ng makalapit sila sakin. "Operasyon ko na mamaya. Ilan araw din ako dito bago umuwi." Sagot ko. "Sweety, pwede ba kaming mag-usap ni Eloise?" Tanong ni daewon. "Okay, sure. Basta bilisan mo ah." Sabi ni grace. Tumango siya at hinila ako papunta sa waiting area. Umupo kami doon. "Eloise. Una pa lang natataka na ako. Ngayon nakita kita na nakahospital gown at sinabi mo na ooperahan ka mamaya. Ano bang nararamdaman mo? Anong sakit mo?" Yumuko ako dahil sa sinabi niya. "Ahmmm. May nakabaraso sa puso ko, kailangan matanggal yun." Pabulong na sagot ko. "Alam ba to ni damien?" Umiling ako. "Hindi na dapat niya malaman. Galit siya sakin." Sagot ko. "Huwag mo na lang sasabihin sakanya, kung kinakailangan." Patuloy na sabi ko sakanya. "Kung yan ang desisyon mo sige, pero pag hindi ako nakapagtimpi dahil sa ginagawa niya sayo baka anong magawa ko sakanya at masabi ko. Mauna na ako." Sabi niya. Tumango ako at tumayo na din. Pumunta na ako sa kwarto ko sumakto naman nadoon na sina mama at sina tita abigail maliban sa tatlong makakapatid. Dumating na din yung mga nurse. Pinahiga nila ako sa hospital bed. "Ready ka na ba anak?" Tanong ni mama. Ngumuti ako. "Opo. Good luck for me." Sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD