Ilan linggo na naman akong hindi nakapasok, napagalitan pa ako nang malaman ni mama yung nangyari sakin kagabe.
Nakakapagod din na suyuin si mien. Ilan linggo na akong humihingi ng sorry pero wala. Galit talaga siya.
Ilan linggo na din may kasamang babae si damien. Ganon ba siya kagalit para lang gawin niya sakin to? Nalalaman ko lang dahil kay roena. Pinapakwento ko siya sa tuwing hindi ako pumapasok.
Minsan naiisip ko parang gusto ko nang magdrop sa school, dahil wala naman use. Minsan lang ako pumasok.
Nakatingin lang ako sa kawalan, iniisip kung ano pang gagawin ko kay damien para lang hindi na ulit siya magalit.
Hindi ko namalayan na may nagsalita sa likod ko dahilan para magulat ako.
"Bukas na yung operasyon mo. Ready ka na ba?" Tanong ni zin ng makalapit siya sakin.
Huminga ako ng malalim saka tumingin sakanya. "Oo, ready na. Medyo kinakabahan lang ako."
"Wag kang kabahan. Kaya yan." Sabi niya.
Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot pa.
Tumingin ako sa wall clock ng makita ko na 6:00 p.m na pala.
"Samahan mo ako. Puntahan ko lang si damien sakanila." Sabi ko.
"Palagi ka na lang pumupunta sakanila para suyuin yang mapride mong fianceè. Hindi ka ba napapagod?"
Ngumiti ako ng tipid sakanya. "Syempre napapagod din naman." Sabi ko.
"Ay. Ewan ko sayo. Tara na." Anyaya niya bago lumabas. Sumunod na lang ako sakanya hanggang makasakay kami sa kotse niya.
After 15 minutes nasa tapat na kami ng bahay nila damien.
"Hintayin na lang kita dito sa labas." Sabi ni zin.
Tumingin ako sakanya. "Sure ka ba?"
"Oo. Sige na, pumasok ka na."
Sumunod na lang ako at pumasok sa gate nila.
Pagkapasok ko dumeretso ako ng madatnan ko si tita na nakaupo kasama si dalhia.
"Ate. Napadalaw ka." Nakangiting sabi ni abigail.
"Nandyan ba si damien?"
"Oo. Nasa kwarto niya, puntahan mo na lang." sabi niya.
"Okay, salamat."
Umakyat na ako at dumeretso sa kwarto niya. Kumatok muna ako bago binuksan yung pintuan, nadatnan ko siyang natutulog.
Sinarado ko yung pintuan at tahimik na lumapit sakanya, umupo ako sa tabi niya at hinaplos yung buhok niya.
"Sana maintindihan mo kung bakit hindi ako pumapasok. Sasabihin ko din o nang mama mo kung ano ang dahilan ko. Masyado pang maaga para malaman mo." Pabulong na sabi ko kahit para akong baliw dito.
Ilan minuto lang ang nakalipas ng magulat ako dahil nagmulat siya.
"D-damiel."
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na sabi niya.
"Gusto lang kitang makita." Mahinang sabi ko, alam ko na narinig niya ako.
Tumayo siya kaya nakasunod lang ang tingin ko sakanya.
"Ilan beses na kitang pinagtutulakan, hindi ka pa sumusuko? Hindi ka ba napapagod ah? Kahit anong gawin mo hindi mawawala yung galit ko. Ikaw mismo ang nagsira ng pinag-usapan natin." Madiin na sabi niya. Yumuko lang ako.
Mahirap talaga siyang suyuin. Lalo na ilan beses akong nagsosorry sakanya pero tinataboy niya ako.
"Hindi ba't ayaw na kitang makita?" Patuloy na sabi niya. Mahina ngunit madiin na sabi nito.
"Pero damien naman wag mo naman gawin sakin to." Naiiyak na sabi ko.
Ayoko man umiyak pero hindi ko mapigilan dahil alam ko sa sarili ko na ikakasama ko to.
"Mas mabuti pang umalis ka dito hangga't alam ko pa na may respeto pa ako sayo bilang nobyo mo." Giit na sabi nito. Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.
Tumayo ako at mabilis siya na niyakap patalikod, pero binitawan niya ang pagkakayakap ko sakayan at itinulak, nagulat na lang ako dahil may nasagi ko yung vase.
Naramdaman ko na lang na parang may bumaon sa braso ko. Nakita ko kung paano dumugo yung braso ko.
Dahan-dahan akong tumayo at tumingin sakanya, nakita ko kung paano lumambot yung expression niya. Ngumiti lang ako sakanya, ngiti na may halong sakit.
"U-uuwi na ako." Paalam ko
Lumakad na ako papuntang pintuan. Bago ako lumabas tinignan ko muna siya bago ngumiti ng mapait sakanya. Siguro hindi na niya kailangan malaman kung ano ba talagang meron sakin, sa kalagayan ko.