CHAPTER 10

1037 Words
Pagkauwi namin pinaderetso niya ako sa kwarto ko dahil daw kailangan ko pang magpahinga. Ang daming bawal na sinabi sakin bago ako pinayagan na umuwi. Ilan linggo na lang daw operasyon ko na para daw tuluyan ng mawala yung nakabarado sa puso ko. Nakahiga ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Pasok." Bumukas yung pintuan at pumasok si tita abigail. "Tita ikaw po pala." Sabi ko. Umupo ako at sumandal sa head board ng kama ko. "Kamusta ka na hija?" Tanong niya ng makalapit siya at umupo sa tabi ko. Ngumiti ako ng tipid. "Okay naman po ako tita. Konting tiis na lang po." Sabi ko. "Mabuti naman kung ganon, may binili pala ako ng pagkain para sayo. Nasa ibaba." Sabi niya. "Salamat po tita." Ilan segundo lang tumahimik kami hanggang nagsalita ulit siya. "Alam ko hija, galit si mien." "Oo nga po tita, susuyuin ko po siya. Hindi pa po niya naiintindihan yung dahilan ko kaya galit siya." Sabi ko. Hinaplos niya yung buhok ko. "Tatagan mo yung sarili mo eloise. Okay?" Tumango ako at ngumiti. "Salamat tita." "Walang anuman." Tumayo na siya at aakmang lalabas na nang nagsalita ulit ako. "Tita, pwede po bang humingi ng pabor?" "Okay sure. Ano yun?" "Pwede niyo po ba munang iuwi si ed sa bahay niyo? Kayo po muna yung mag-alaga sakanya. Napapabayaan ko na po siya." Malungkot na sabi ko. Pinakatitigan niya ako. "Sure ka ba hija?" Tumango ako bago humiga. Iniwan na niya ako. Pumikit ako at panandalian na dinalaw ako ng antok ko. Masyado akong nastress sa school, siguro dahil sobrang tagal kong nawala. **** Nagising na lang ako dahil sa ingay na nanggaling sa phone ko. Sinagot ko kahit na hindi ko alam kung sino yung caller. "Hello?" "So binabalik mo na si ed dito?" Malamig na sabi sa kabilang linya. Natigilan tuloy ako dahil sa boses na yun. Napatingin ako sa phone ko at nakita ko yung pangalan ni Damien na nakaregister. Hindi ako nakaimik, dahil hindi ko din alam kung anong naisasagot ko sakanya. "Bakit inuwi ni mommy si ed dito? Dahil ba galit ako sayo?" Napakalamig pa din ng boses niya. Umiling ako kahit na hindi niya ako nakikita. "H-hindi sa ganon mien." Sabi ko. "Ano? Baka gusto mong ipatapon ko pa si ed." Malalig na sabi niya. "H-huwag naman mien." Natatakot na sabi ko. "Anong dahilan mo?" "W-wala kasing mag-aalaga sakanya." Mahinang sabi ko. Narinig ko siya nag 'tsk' sa kabilang linya. "Expect muna bukas na wala na si ed dito." "A-anong i-ibig mong sabihin?" Kinakabahan na tanong ko. "Wala." Malamig pa din na sabi niya at ibinaba niya na. Nagmadali akong bumangon at tumakbo pababa ng hagdan. "Pricess! Wag tatakbo!" Pagalit na sabi ni kuya ramn. Lumapit ako sakanya. "K-kuya dalhin mo ako sa bahay ni tita aria." Sabi ko. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya. "Wag nang maraming tanong kuya. Tara na." Sabi ko. Tumakbo ako papalabas at mabilis na sumunod si kuya ramn at ipinagmaneho ako papunta kina tita aria. 15 minutes ang itinagal bago kami nakarating sa bahay nila. Nagmadali akong lumabas at nagdoor bell. Ilan segundo lang ay binuksan ni ate eva yung pintuan. "Ano nang oras eloise. Napadalaw ka pa." sabi ni ate eva. Kasambahay nila tita. "Nandyan ba si tita abigail?" Tanong ko. Tumango siya. "Oo, nagdidinner sila ni sir denver at sir daewon." "Osige salamat." Sabi ko at tumakbo papasok narinig ko pa si kuya ramn na sinusuway ako, dahil bawal sakin. Pagkapasok ko lumapit ako kina tita at napahawak pa ako sa tuhod ko, dahil nakakaramdam nanaman ako ng hindi maganda sa pakiramdam ko. "T-tita." Tumingin sila sakin. Nababakas kina tita ang pag-aalala. "Eloise. Gabi na bakit napasugod ka pa?" Umiinit yung sulok ng mata ko at sunod sunod nagpatakan yung luha ko. "T-tita. B-binabawi k-ko n-na p-po si E-ed." Nahihirapan na sabi ko habang umiiyak. Tumayo si tito denver at pinaupo niya ako sa tabi ni tita aria. "Daewon. Kumuha ka nang tubig. Dalian mo." Utos ni tita. Nagtataka man pero sumunod si daewon at kinuhanan ako ng tubig. Inabot sakin ni daewon yung tubig. "S-salamat." Hinaplos ni tita yung likod ko. "Kalma. Hinga ng malalim." Sabi niya kaya sunod ko yung sinabi niya. Nang kumalma na ako, tumingin ako kay tita. "Tita nasaan po si ed?" "Na kay Damien." Sabi niya. "Nasaan po?" Kinakabahan na tanong ko. "Nasa kwarto niya." Sabi niya. Tumayo ako at nagmadali na pumunta sa itaas. "Dahan-dahan eloise." Pagpapaalala ni tita. "Opo." Sigaw na sagot ko at pumunta sa second floor ng mansyon. Pagkarating ko dumeretso ako sa kwarto ni damien at binuksan yung pintuan kahit walang katok. Nagulat siya ng makita niya ako. Nakita ko na hinahaplos niya si ed na nakadapa sa carper. "Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong niya. "B-binabawi ko na si ed." Sabi ko at lumapit ka ed at kinuha yung hawakan niya. Ngumisi siya. "Ano sa tingin mo yang ginagawa mo eloise?" Yumuko ako, hindi ako makasagot sa sinabi niya. Nasasaktan ako sa mga pinapakita niya sakin. Tumayo ako. "Let's go ed." Sabi ko sa golden retriever na niregalo sakin ni damien nung birthday ko. Hanggang pagkababa ko sa second floor hindi niya ako hinabol. Ganon ba siya kagalit sakin para gawin niya na ipatapon si ed sa kalsada? "Okay ka lang ba hija?" Tanong ni tito. Tumango ako. "Opo tito. Pagod lang po siguro. Kailangan ko na pong umuwi. Maraming salamat po." Sabi ko. "Mag-iingat ka." Lumabas na kami ni ed at ipinasakay ko siya sa back seat. Nang makapasok ako sa sasakyan ni kuya, hindi niya kaagad pinaadar dahil humarap pa siya sakin. "Princess naman. Ano bang ginagawa mo bakit ka tumakbo? Delikado sayo na magpagod. Baka magtuloy-tuloy yan at hindi namin alam kung papaano ka patahanin." Sermon niya. "Sorry kuya. Nag-alala lang ako para kay ed." Huminga siya ng malalim at tinitigan ako. "May hindi ka ba sinasabi princess?" "A-ano kuya?" "Alam mo ang tinutukoy ko princess." Huminga ako ng malamin bago sumagot. "Wala to kuya. Tara na." Anyaya ko. Hindi na niya ako kinulit hanggang makauwi kami. Pinasok ko si ed at inilagay sa may sala kung saan niya nakapwesto. Hinalikan ko siya bago umakyat. Pagod ako pero iniisip ko malalagpasan ko din lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD