Damien's POV
KINABUKASAN hindi kaagad ako nagising dahil mamayang 9 a.m pa yung pasok ko kaya nagstay ako sa bahay bago nag-ayos para sa pagpasok ko.
Pagkarating ko sa university, binati nila ako pero kahit ni isa wala akong pinansin. Nang makarating ako sa room namin, umupo ako sa kabilang side malapit sa bintana kung saan nakikita ko yung mga dumadaan.
Mabilis natapos yung klassi namin at lunch break na kaya pumunta ako sa canteen kasama ang mga kaibigan ko.
Umupo kami sa pwesto namin. Habang yung dalawang kasama ko nag order sila ng pagkain namin.
"Roena, babe dito." Tawag ni xavier.
Lumapit samin si roena at wala siyang kasma.
"Che! Wag mo akong pinagloloko xavier baka mawala ako sa kontrol at masabunot kita." Sabi niya ng makalapit siya samin.
Umupo siya sa harapan namin ni xavier sumakto naman dumating sina drake at justine.
"Bro. Ito na yung pinabibili mo." Sabi niya at binigay sakin yung pagkain na pinabibili ko.
Tahimik lang akong kumakain ng magsalita si justine. "Di ba si Eloise yun? May kasama, bago yata dito."
Tumingin ako sa gawi ni eloise at may kasama nga siya. Lalake.
"Eloise." Tawag pansin ni Roena.
Tumingin samin si Eloise, ngumiti lang siya. Nang magtama yung mga mata namin ngumiti lang siya pero seryoso ko lang siyang tinitigan.
Habang kumakain ako, tinititigan ko lang siya. Kumakain siya ng mga ayaw niya. Ano yun? Pag ako hindi siya kumakain ng ganon pero sa iba kinakain niya. Ano yun nang-iinsulto ba siya?
Nakita ko pa na may inabot na gamot yung lalake kay Eloise kaya mabilis akong lumapit sa kinaroroonan nila at hinawakan sa braso yung lalake.
"Ano sa tingin mo yang ginagawa mo ah?!"
"Chill lang pare. Kailangan niya yan." Sabi niya.
Tumingin ako ng walang emosyon kay eloise na ngayon ay nakatingin sakin.
"Subukan mong inumin yan!" Babala na sabi ko sakanya at iniwan siya.
Bumalik ako sa pwesto ko at pinagpatuloy yung kinakain ko. Tumahimik lang ako kahit na ang daming tanong ng mga kaibigan ko.
Lumabas na ako at bumalik sa room na susunod na subject na pupuntahan ko.
Eloise's POV
Tahimik lang akong nakatingin kay damien na palabas ng canteen.
Huminga ako ng lalalim at tumingin kay Zin. "Pagpasensiyahan mo na si Damien." Paumanhin ko.
Kinuha ko yung gamot ko at ininom. Tapos tumayo na kami at naglakad papalabas.
"Okay lang yun, baka ganon lang talaga yung fianceè mo sayo kahit hindi pinapahalata na galit sayo." Sabi niya.
"Kung alam mo lang zin. Iba siyang magalit, cold niya pa. Hindi ako sanay na galit siya sakin." Malungkot na sabi ko.
Tinapik niya yung balikat ko. "Magiging okay din ang lahat, kaya mo yan." Sabi niya.
Ngumiti ako. "Salamat."
Pumunta kami sa parking lot at pumunta ulit sa hospital. Pinapakita ko lang na pumapasok ako para mabawasan yung galit niya sakin kahit hindi ko tinatapos.
Pagkarating namin sa hospital, dumiretso kaagad kami sa room ko. Pagkapasok ko nakita ko si mama nakaupo sa sofa kasama si kuya matt. Wala si Kuya Ramn.
"Sakto ka sa pagdating, iuuwi ka na namin." Sabi ni kuya.
Natigilan ako sa sinabi niya. "A-ano? Paki-ulit nga kuya baka nabibingi ako." Pabiro na sabi ko.
"Wala. Sabi ko tara na." Anyaya niya at kinuha niya yung mga gamit ko.
Tumingin ako kay mama. "Totoo ba ma? Uuwi na ako?"
Tumango siya. "Oo, alam ko naman nababagot ka na dito kaya iuuwi ka na namin." Sabi niya.
Lumapit ako sakanya at niyakap siya. "Salamat ma." Pagpapasalamat ko.
"Si zin naman, dadalaw siya sa bahay para icheck-up ka."
Tumango ako. Tumingin ako kay zin at ngumiti. "Paano ba yan zin. Uuwi na kami. Salamat sa pagsama kanina."
"Wala iyon. Basta makatulong ako." Sabi niya at nagpaalam na lalabas na daw dahil may aasikasukin pa daw siya.