CHAPTER 8 - Simpleng tuwa

1237 Words

PANAY ang paglingang ginagawa ng pipi habang binabagtas nila ang kalye papasok sa sementeryo. Natatawa si Ada sa itsura ng mukha ng kasama. Panay ang punas nito sa noong ginigitlaan ng pawis. Pagkatapos ay pipilipitin naman ang laylayan ng tshirt na suot. Bakas ang takot sa namumutla nitong mukhang puro dungis. "Huwag kang matakot. Walang mumu dito. Mas takot pa nga sila sa pagmumukha ko eh.", nangingiti niyang sabi matapos tapikin ito sa balikat upang tumingin sa kanya. Bahagya pang napakislot ang pipi, tila nagulat. Nakaawang ang bibig ng pipi at bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Pakiwari ni Ada ay pilit nitong iniintindi ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Ngumiti ang dalagang kuba at humarap sa kasama. Muling inulit ang sinabi kanina habang sinasabayan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD