MADALING nagkapalagayan ng loob si Ada at Apa. Sa maigsing panahon ng kanilang pagsasama ay agad nilang itinuring bilang matalik na kaibigan ang isa't isa. Hindi man alam ang pinagmulan at magkaiba man ang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat ay pamilya na ang kanilang naging turingan. Magkatuwang sa maraming bagay at masaya sa kanilang payak na pamumuhay. Kapiling ang mga nitsong pinaka kapitbahay, ay kuntento na sila sa mundong ang sabi nga ng iba ay tama lamang para sa mga tulad nila. Naging araw-araw na nilang gawain ang magkalkal ng basura t'wing sasapit ang takip-silim at manatili lamang sa loob ng sementeryo kapag umaga at maliwanag. Kung noong unang araw na makarating sa sementeryo si Apa ay natakot na pagkakita pa lamang sa b****a ng tinitirhan ng dalaga, ngayon ay hindi

