CHAPTER 11 - Karumal-dumal

1646 Words

MABILIS na kumuha ng ilang gatong si Apa at maayos na pinag-ekis ekis sa loob ng kalan. Maigi na lamang at naturuan siya ni Ada na magparikit nito. Nagkakanda-ubo na siya sa pagpapa-apoy ngunit hindi pa rin nagdidingas ang mga kahoy. Puro usok lang ang kumakalat sa hangin. Na maagap pa niyang itinaboy upang hindi pumasok sa loob ng bahay. Tiyak na uubuhin din ang kanyang kaibigan kung malalanghap iyon. Sinilip niyang muli ang dalagang nakapikit pa rin. Hindi nawalan ng pag-asa si Apa. Kailangang maipagluto niya ng lugaw ang kaibigang maysakit. Naniniwala siyang gagaling ito kung makakakain ng lugaw na niluto niya. Nang magkaroon din siya ng lagnat nung nakaraan ay ipinagluto siya ni Ada ng lugaw. Natatandaan niya ang sinabi nito. "Ipinagluto kita ng magic lugaw, kapag kinain mo ito at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD