HINDI malaman ni Apa kung ano ang gagawin. Hanggang sa muli nitong itikom ang dalawang kamao at gaya ng ginawa nung una ay tila muling nagbilang. Matapos makumpleto ang mga daliri ay dahan-dahan na itong tumayo. Maingat na sinilip ang kinakitaan sa apat na lalaki at isang babae. Nang makitang wala ng tao ay saka pa lamang nito nagawang ihakbang ang mga paa palayo. Nangangatog pa rin ang mga tuhod at ang paglakad ay mabuway. Pinipilipit nito ang laylayan ng suot na tshirt. Habang panay pa rin ang pagpatak ng luha. Imbis na umuwi ay dumiretso muna si Apa sa mga nitsong madalas tambayan. Palibhasa ay kabisado na ang lugar kung kaya kahit madilim at tanging ang liwanag na nagmumula lamang sa kakalahating buwan sa langit at mga nakasinding ilaw ng matataas na bahay sa gilid ng sementeryo ay a

