CHAPTER FIVE

1712 Words
NAGISING na lang si Novice dahil sa isang kaluskos na kaniyang narinig mula sa gilid ng kama na kaniyang kinahihigaan. "Nasaan ba ako at anong. . ." pilit na bigkas ni Novice habang sinasapo ang bandage na nakapulupot sa kaniyang noo. "Kumusta ka na, pare? Meron bang masakit sa 'yo?" tanong ni Rudny kay Novice. "Ano bang nangyari at ganiyan ang inabot mo?" tanong naman ni Lawrence kapagdaka. Mataman lang tumitig si Novice sa kanila at mabilis na iniwas ang kaniyang kasagutan. "Pre, mga kaibigan mo kami. Kung ano ang isa ay ganoon din ang lahat. One for all, all for one, right? We're here as one of your closeness friends," pilit na untag ni Rudny kay Novice. Tumingin nang pagkaasim-asim si Novice sa dalawa at saka sumungaw sa kaniyang mga labi ang mga salitang iyon. "Wala kayong maitutulong sa problema ko," bigkas ni Novice na tila may bikig sa lalamunan. Nagkatinginan na lang silang dalawa ni Rudny habang si Novice ay nag-uumpisa nang umiyak sa harapan ng dalawa. Dahil sa kadahilanang iyon ay maingat nilang tinapik at inalo ito. "Bakit? Ano ba talaga ang nangyari?" pilit na tanong ni Lawrence bilang leader sa tatlo. "Shaira. . . ba't mo iyon nagawa. . ." bulong ni Novice habang pinapahid ang sariling luha. "Why? Tungkol ba kay Shaira? May nagawa ba siyang mali?" tanong ni Rudny habang nakakunoot-noo ito. Mataman silang tinitigan ni Novice at saka inilabas ang isang sobre kung saan naglalaman ang mga kasagutan, kung saan nakapaloob roon ang sagot sa aming mga katanungan. Novice, Alam ko habang binabasa mo ang sulat na ito ay marami na sigurong mga katanungan ang pilit na ibinubulong ng iyong isip. Siguro hinding-hindi mo ako mapapatawad sa mga nagawa kong kasalanan na ngayon mo lang malalaman. Una sa lahat, ang hindi ko pagsipot sa usapan natin ngayong gabi. Ikalawa, ang mga nangyari at narinig mo mula sa akin na hindi naman totoo. Mapapatawad mo ba ako sa mga nagawa kong kasalanan kung malalaman mong lahat ng nangyari sa atin ay walang patutunguhan at puro balatkayo lamang? Hanggang dito na lang ang lahat, Novice. Kahit sabihin mong manggagamit lang ako at sinamantala ko lang ang kapangyarihan mo ay hindi mo ako masisi dahil isa lang akong tao na nangangailangan. Patawad dahil hindi ako nakapagpaalam sa 'yo nang harapan. Patawarin mo rin ako dahil pinaasa pa kita sa puntong ito na wala naman talagang patutunguhan. Oo, kasalanan ko ang lahat. Siguro labis-labis na ang sugat at hapdi na nararamdan mo. Pero ang totoo ay may iba na akong nobyo. Hindi siya katulad mo. Mahirap lang siya at walang maipagmamalaki sa 'yo ni katiting pero siya ang unang bumihag sa puso ko. Mahal ko siya. . . pero minahal pa rin kita kahit imposibleng may patutunguhan itong maling relasyong ito. Siya pa rin ang napili ko dahil hindi siya iba sa akin. Pero ikaw, ang layo natin sa isa't isa. Napakalayo. Muli ay patawarin mo sana ako. Sana meron pang ibang magpapatibok ng puso mo. Hindi sa tulad kong napaglaruan lang ang puso mo. Patawad . . . Shaira Nabigla kami sa mga nalaman namin mula sa sulat na ibinigay sa amin ni Novice. Naging mabilis ang buong pangyayari, hindi man lang kami makatulong sa bestfriend namin, patuloy pa rin siyang tumatangis habang nakayuko sa aming harapan. "Move on, pare, marami pa namang. . ." sambit ni Rudny ngunit hindi pa natatapos ang kaniyang sasabihin nang tingnan siya ni Novice nang pagkapait-pait at saka minura siya nang ilang beses. "Wala nang babaeng hihigit pa kay Shaira. Siya ang first love ko. Ibinigay ko naman lahat-lahat pero bakit? Ano pa ba ang kulang sa isang tulad ko? Porke mahirap lang siya at ako ay mayaman? Hindi na kami agad puwede?" pasigaw na himutok ni Novice habang pilit na inilalabas ang lahat ng luha niya. "Marami nga kaming pera pero ito na lang parati ang dahilan ng paghihirap ko. Bakit, Shaira? Bakit mo ako niloko?" bulong ni Novice habang itinatakip sa mukha nito ang unan at tila batang inilalabas ang sama ng loob. Bigla na lang lumukob sa kwartong iyon ang katahimikan at napalitan iyon ng lungkot . . . Mayamaya ay nagbalik ang dating Novice na hindi na nagdaramdam at tumatangis ngunit sa unti-unting pagdilat ng kaniyang mga malalamlam na mata ay kaparis niyon ang bagong Novice na handang gumanti sa nadungisang dangal. Na hanggang sa mga oras na iyon ay isang matigas at walang-awang Novice. Siya ang dahilan at nagumpisa ng hangarin nina Lawrence, upang mabuhay sa mundong ito na ang baon ay poot at walang kapatawarang hinanakit. . . ISANG gabi, habang nag-iinuman sila sa tabi ng pool nila Novice ay bigla na lamang humalakhak ito na agad namang ipinagtaka nina Rudny. "Why, pare, what's the good news?" tanong ni Lawrence habang nilalaro ang malaking ice. "Wala! Hindi naman importanteng malaman n'yo pa ito. At saka wala naman kayong magagawa oras na malaman ninyo ang pinagkaabalahan ko last week, hindi ba?" patuyang sagot sa amin ni Novice habang lumalagok sa hawak niyang baso ng alak. "Ikaw, ah, pare! May pasekre-sekreto ka nang nalalaman? Unfair na iyan!" untag ni Rudny kay Novice. Tumingin nang makahulugan si Novice sa dalawa at mayamaya ay masaya nitong pinagmasdan ang ice na nasa loob ng basong nilalagok niya. "Nawala na kasi ang problema ko tungkol kay Shaira at saka sa boyfriend niya. . ." walang anu-anong pagbubukas ng topic ni Novice. "Anong ginawa mo, pare? Huwag mong sabihing. . ." himutok na banggit ni Rudny kay Novice na alam na yata kung anong klaseng katarantaduhan ang pinaggagawa ni Novice kamakailan. "Simple lang. Pinatanggal ko lang ang papa niya sa trabaho at ang exciting doon ay hindi na ito makakapasok ng ibang trabaho. Inalis ko ang liscense niya at the same time ganoon din sa mama niya. Ang boyfriend naman niyang gago ay napagbintangang lang naman na drug user dahil na rin sa akin. Mabubulok na sa kulungan ang lalaking iyon!" nakangising sambit ni Novice sa aming dalawa na walang nagawa kung 'di ang mapaawang ang mga labi. "Kumusta si Shaira?" tanong ni Lawrence na tila may bikig sa lalamunan. Napangiti si Novice na tila demonyong nagdidiwang. "Nabaliw dahil sa mga nangyayari sa kaniyang pamilya. Ilang araw kasi ang nakalipas ay natagpuang patay ang boyfriend niya sa selda. Nagtamo raw ito ng sugat sa leeg at sa tingin naman ng mga pulis ay sinakal ito. Kaya siguro sa bilis ng mga pangyayari ay hindi niya nakayanan. Tumigil na rin sa pag-aaral si Shaina pero noong nakaraang araw ay nagpunta siya rito para humingi ng tulong para sa kapatid niyang baliw. Ngunit hindi ako nag-atubiling magbigay. Tama na ang isang beses na nagpauto ako!" masayang pagbabalita nito kina Rudny. "Ang sama mo, pare! Bilib ako sa 'yo! Ang galing mong gumawa ng pagganti mo," masayang sagot ni Rudny at saka tinapik nito ang ulunan niya. "So, anong plano mo ngayon sa kapatid ni Shaira, Novice?" tanong naman ni Lawrence habang nakatingin lang sa binata. "Plano? Itinatanong mo pa ba? Paglalaruan ko lang sandali ang kambal niya. Matapos ko siyang bigyan ng part-time job niya sa kompanya namin ay saka ko paglalaruan ang damdamin niya. Kung anong atraso ng kakambal niya ay dapat niyang pagbayaran. Pagbabayarin ko siya sa paraang alam ko!" makahulugang sambit ni Novice. Muling nagsalita si Novice. "Ngayon mag-uumpisa ang bagong buhay sa ating tatlo, mga brad! Huwag na huwag ninyo akong iiwan," masayang sambit ni Novice. Tadhana na mismo ang nagturo sa mga ito para maging mapusok at matigas. Sa buong taon ng highschool nila ay naging malupit ang mga ito. Nangako sila at nagsimulang magtatag ng alutuntunin. Matagal bago napawi ang sugat sa puso ni Novice pagkatpos niyon . . . NAPAKURAP si Shaina ng makarinig siya ng pag-do-doorbell. Tuluyan nitong ibinaba sa lamesa ang hawak na baso. Biglang nahigit nito ang hininga ng makita niya mula sa labas ng pinto si Novice. Naamoy niya rito ang amoy ng imported na pabango at amoy ng alak. Agad ang pagkulo ng dugo ni Shaina at the same time ng kakaibang damdamin na lumulukob sa kaniya sa tuwina kapag nagkakaharap sila nito. "A-Anong ginagawa mo rito N-Novice, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"linangkapan ng dalaga ng galit ang tinig niya. Nanatili lang naman nakatitig ng malagkit sa kaniya ito, pakiramdam ni Shaina ay tila hinahalukay ang kaloob-looban niya sa paraan ng paglilimayon ng mata ni Novice sa kabuuan niya. Napamulagat siya ng mapagtanto niyang manipis na pantulog ang suot niya, natitiyak ng dalaga na bumabakat ang dalawang dibdib niya. Okupado kasi ang isipan niya ng tungkol rito, kaya hindi na niya naalala ang suot niya ng mga sandaling iyon. Isasarado na sana ni Shaina ang pinto ng mabilis na hinawakan ni Novice ang hamba niyon at itulak iyon pabukas. "Hoy! M-Mr. De Guzman, anong karapatan mong pumasok. Gayong hindi naman kita pinayagan!"panic na habol niya. Agad niyang sinundan ito, nakita niyang umupo ito sa sofa at mayamaya'y nahiga. Biglang umusok ang ilong niya sa tintimping galit. Ewan niya kung anong trip na naman ang nais nito, pero hindi niya papayagan iyon! "Pwedi ba umalis ka na lamang Novice! H-Hindi ka welcome dito! saka. . . gabi na, kaya kung maari umuwe ka na sa mansiyon niyo!"bulyaw ng dalaga. Ngunit nanatiling hindi ito umiimik, kaya upang lalong maghumerentado si Shaina. Mabilis niyang nilapitan at niyugyog ang balikat nito. "Novice. . . umuwe ka na pakiusap, d-dahil. . ."pangungulit ni Shaina. Bigla na lamang siyang hinila ng binata, kaya upang mapasasubsob siya sa matipunong dibdib ni Novice. Hindi agad nakagalaw si Shaina, dahil naramdaman niyang yumogyug ang balikat nito, tanda na umiiyak ito ng mga sandaling iyon. "P-Please Shaina, maari bang dito muna ako. W-Wala na kasi akong mapuntahan, tinakwil na ako ni Daddy. . . d-dahil a-ayaw mo akong pakasalan."sumamo ni Novice. "Pwedi ba huwag mo akong pinapaandaran ng mga kalokohan mo, umalis ka na!"giit pa rin ni Shaina, hindi siya naniniwala sa mga sinabi nito ngayon. Natahimik siya ng maramdaman niya ang masuyong pagdampi ng labi ng binata sa noo niya. Parang may humaplos sa puso niya. Iyon ang laging ginagawa nito sa tuwing nilalambing siya noong sila pa may labing-anim na taon na ang nakararaan. Kung saan, inakala ni Shaina na tunay ang nararamdaman nito sa kaniya . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD