MARAHAN iginalaw ni Novice ang ulo, unti-unti niyang iminulat ang mga mata.
Tuluyan niyang iginala ang tingin, bago sa kanya ang lugar. Muli niyang ipinikit ang mga mata.
Nang magmulat siya ay naalala na niya kung bakit siya naroroon. Doon pala siya iniwan ni Simon, ang drayber nila.
Iinot-inot siyang bumangon, nakita niya ang kumot na nakapatong sa kanya. Nakita niya rin na may isang tabletang aspirin ang naroon.
Agad na itong tumayo at naglakad, ang huling natandaan niya'y naglasing siya at nagkaroon sila ng malaking pagtatalo ng kaniyang ama na si Don Vicenti. Dahilan upang ipinagtabuyan at itakwil siya nito sa kanilang mansyon.
Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha, hindi niya aakalain na seryuso ito. Lahat ng credit cards at maski ang pagiging CEO niya sa kanilang mga Kumpanya ay tuluyang pinawalang-bisa na ng tuluyan ng matanda!
Napatayo na siya at naglakad, iginala na niya ang tingin. Nagbabakasali siya na makita si Shaina.
Naiinis ang binata, dahil tuluyan nasunod ang kagustuhan ng sariling ama. Kailangan niyang makiusap sa dalaga na pakasalan siya para mabawi ang lahat ng meron siya.
Kung kinakailangan niyang makipag-deal ay gagawin niya. Maski na kahit ibaba nito ang sariling pride.
Mabilis niyang pinalis sa isipan ang kasalukuyang tumatakbo sa isip niya. Dahil lalo lamang nanakit ang ulo niya.
"S-Shaina, are you here?"tawag niya sa dalaga.
Ngunit nanatiling walang sagot sa dalaga. Nagpatuloy siya sa paglalakad, hanggang sa pumasok siya sa kusina.
Nakita niyang may mga pagkain na nakahanda roon na nakatakip. Hanggang sa mapadako ang pansin ni Novice sa notes na nakadikit sa may ref.
"Naghanda na ako ng makakain mo, kumain ka ng marami. Pagbalik ko mag-uusap tayo."
-Shaina
Ewan niya, ngunit unti-unting napangiti si Novice. Tuluyan itong napaupo sa upuan, agad niyang tinikman ang omelette na parating iniihanda ni Shaina sa kanya dati.
Biglang nakadama ng kasiyahan si Novice sa mga sandaling iyon. Katulad pa rin ng dati ang lasa niyon. Ewan niya, Pakiramdam niya iyon na ata ang pinakamasarap na omellete na nakain niya sa buong buhay niya.
Nang matapos siyang kumain ay napagdesisyunan na nitong hugasan ang kinain. Hindi iyon ginagawa ng binata, ngunit sa tingin niya'y kailangan nitong gawin iyon. Dahil wala siyang nakitang katulong sa bahay nito si Shaina.
Matapos iyon ay nagpunta na ito sa CR. Laking pagtataka ni Novice, dahil may nakahanda ng mga damit roon para sa kanya.
Naligo siyang magaan ang loob pagkatapos. . .
NAPADAKO ang pansin ni Shaina sa kaharap na lalaki. Kasalukuyan siyang nasa isang restaurant, kasama ang asawa ng kambal niya na si Peter.
Ito ang naging personal Doctor ni Shaira noong dumaraan sa pagka-depress na naglead sa PTSD(POST-TRAUMATIC STRESS DISORDER).
Paglaon matapos na makarecover ang kambal nito'y tuluyang nahulog si Peter sa kambal ni Shaina. Hanggang sa magpangasawahan ang dalawa at tuluyang tumira sa America.
Maging ang mga magulang nila ay nagmigrate roon, siya na lamang ang hinihimok ng mga ito na sumunod na. Ngunit mariin lamang tumanggi si Shaina.
"Bakit mo naman hinayaan na bumalik sa buhay mo ang Novice na iyon Sha. . ."si Peter. Naikwento niya kasi rito ang kasalukuyang kinakaharap na sitwasyon.
Matagal bago hindi nakasagot si Shaina, wala rin siyang maisip na isagot sa tanong ni Peter sa kanya.
"H-Hindi ko a-alam. . ."sagot ng dalaga. Agad siyang uminom sa mango juice na inorder ng bayaw niya.
Pinakatitigan lamang siya nito, nailing ito pagkatapos.
"Ewan ko ba sa'yo Shaina, napakarupok mo. Hindi naman ako tanga eh, alam ko kung gaano kawalang-hiya ang ex mo. Tignan mong ginawa niya sa kambal mo, kina Mama at Papa, maging sa iyo. . ."wika ni Peter.
"T-Tapos na iyon Peter, s-saka nararamdaman ko. Kailangan ako ni Novice, tinulungan din naman niya ako dati e. . ."buwelta pa rin ng dalaga.
"Pero ano ang ginawa niya huh! Shaina, pinaglaruan ka niya. Ginamit. . . Binaboy ka niya! Malay mo kaya lumalapit siya sa iyo dahil may masama na naman siyang motibo sa iyo. Be realistic Shaina, successful ka na. Matalino ka, huwag ka naman maging tanga at bobo this time. . "mariin pangangaral na bigkas nito.
Naiyuko ni Shaina ang ulo, sa isip niya'y tama ang bayaw. Masakit man ang mga salita nito pero totoo naman.
"Pero gusto kong sumubok ulit, l-last na ito. . ."naitugon ni Shaina.
Dinig niya ang pagbuntong-hininga ng kasama.
"Okay bahala ka Shaina, buhay mo naman iyan. Ang sa amin lang ay ang makakabuti sa'yo. . ."usal ni Peter.
"Salamat sa pang-unawa, s-sana huwag mo munang sabihin sa kambal ko, kina Mama at Papa ang tungkol kay Novice."pakiusap ni Shaina.
"Don't worry, I'll promise wala akong pagsasabihan. By the way paano pala si Norvin . . ."tugon ni Peter sa hipag.
Biglang nag-isip si Shaina, nawaglit sa kanya ito. Nakagat tuloy niya ang labi, alam niyang isa ito sa tututol sa magiging desisyon niya. Muling natuon ang pansin ni Shaina ng muling magsalita si Peter.
"Alam mo naman iyon, tiyak mahihirapan kang ipaliwanag sa kaniya kung bakit mo iyan gagawin. . . "
"A-Ako ng bahala Peter. . . "nasabi na lamang ni Shaina.
Nailing-iling na lamang ni Peter ang ulo, sadiyang matigas at hindi na maiiba ang desisyon ng hipag.
"I wish all the best for you Shaina, your a wonderful woman. Katulad sa kapatid mo na si Shaira ay gusto kong maging masaya ka rin . . "
Ngumiti na lamang si Shaina at napatango. Mayamaya'y nag-umpisa na silang kumain. . .
AGAD idinikdik sa may astray ni Novice ang hawak nitong yosi ng mga sandaling makita niya si Shaina na pumasok sa pinto ng living room.
Kasalukuyan siyang nasa may terrace ng sala. Bahagiya na niyang nabuksan ang sliding glass door nang makita ni Novice na may kasama itong lalaki.
Biglang naningkit ang mga mata niya ng makitang masuyong hinawakan ng lalaking iyon ang braso ng dalaga. Dinig niya ang usapan ng dalawa.
"So ingat ka na lamang dito Sha, you can call me anytime. If you need someone to hang up or listen to your dilemna. . ."malumanay na sambit nito.
"Sure! by the way, thank you dahil imbes na pagbabakasyon ang ginagawa mo'y mas inunana mo pa akong kitain,"nahihiyang sambit ni Shaina.
"Ano ba Shaina, ikaw pa ba. Isa ka sa mahahalagang tao sa buhay ko,"nangiting sagot ng lalaki.
Ewan ni Novice pero biglang sumama ang timpla ng mood niya sa nakikitang pag-uusap ng dalawa. Dahan-dahan na niyang binuksan ang pinto, ngunit padaskol ang ginawa nitong pagsara niyon pagkatapos. Kaya upang mapunta sa kaniya ang atensiyon ng dalawa.
Nagulat man si Shaina ay agad na nilapitan nito ang binata na nanatiling tahimik at matiim na nakatingin kay Peter ng mga sandaling iyon, hindi man lang magawang ngumiti nito sa bisita niya.
Sa klase ng pagtitig ni Novice sa bayaw niya'y nahihinuha niyang may naiisip na itong hindi maganda sa kanila.
Gusto niyang umasam na nagseselos ito, ngunit imposible iyon dahil sa pagkakaalam niya'y ginagamit lamang siya ng binata.
"N-Novice siya pala si Peter Suarez, h-husband ni Shaira. . ."pakilalala ng dalaga sa lalaki.
"Hai pare, nice to meet you. . ."may ngiti sa labi na sagot ni Peter dito. Agad nitong inilahad ang isang kamay upang makipagkamay.
Akala ni Shaina ay hindi aabutin ni Novice iyon, ngunit matapos ang ilang segundo ay tuluyan inabot iyon ng binata. Matipid itong ngumiti.
Matapos iyon ay agad ng nagpaalam si Peter na uuwi, inihatid ito ni Shaina sa may pinto.
Paakiyat na sana sa may hagdan si Shaina ng makita niyang pababa si Novice. Pagkatapos ay nakadinig siya ng sunod-sunod na busina mula sa labas.
"S-Saan ka pupunta?"napiling itanong ni Shaina. Ayaw man niyang magtanong ngunit kusang lumabas sa bibig na niya ang mga salitang iyon.
Agad niyang iniiwas ang pansin ng ngumiti si Novice at agad siyang nilapitan. Nagulat pa siya ng bigla na lamang siyang halikan sa labi nito.
Halos mayanig ang buong diwa niya sa sandaling iyon. awang ang labi at nanlalaki ang mga mata ni Shaina na tinitigan nito si Novice. Nasa mga mata naman ng lalaki ang pagnanasa.
"Don't worry honey, may pupuntahan lamang kami ni Rudny. uuwi rin ako agad, remember may pag-uusapan tayo. Saka walang babae sa pupuntahan namin. . ."malambing na sagot ni Novice.
Biglang pinamulahan si Shaina sa panunudyo sa kanya ni Novice.
"Sira! hindi ako nagseselos!"inis na sagot niya sa binata.
"Wala akong sinasabi hon, don't worry I'll make up to you later. . ."pangako ni Novice, marahan nitong pinisil ang tungki ng kaniyang ilong.
Hanggang sa mawala ito ay nanatiling namumula sa kilig si Shaina.
Gusto man niyang paalalahanan ang sarili na ginagawa lamang naman iyon ni Novice para makuha ang mga nawalang posisyon nito sa kumpaniya at ang mana nito. Para tuluyan na siyang mapa-oo nito at pakasalan ito.
Gusto niyang umasa na baka magbago pa ang lahat na maaring mag-umpisa sila ng maayos na may maramdaman na ito sa kaniya.
Ngunit malabong mangyari iyon, dahil sa ma-pride na tao lang naman si Novice.
Ayon na rin kay Don Vicenti, ama ng binata. nagkausap sila nito, personal pa siyang pinuntahan nito sa kaniyang resort kanina. Sinabi nitong kailangan niyang pumayag sa inaalok na kasal ng anak nito. Kung ayaw nitong pahirapan pang lalo nito si Novice.
Pumayag naman siya, ngunit sa isang kondisyon hindi siya papayag na makipag-siping, ikinabigla ni Shaina na pumayag ang matanda gayong sabik itong magkaroon ng apo. Hinayaan na lamang niya ito, inaakala siguro nito na madali siyang bibigay sa anak nito.
Ngunit paano niya mapipigilan ang bugso ng damdamin at hindi maakit sa angkin karisma ni Novice. Paano niya isasaalang ni Shaina ang sarili kung kusa ng nanumbalik ang pagmamahal niya sa binata.
Dahil lahat ng ginagawa niya ay maaring mabalewala pagdating ng muling maibalik kay Novice ang lahat ng nawala rito. Dahil isa lang naman siyang isang kasagutan sa problemang kinakaharap ng lalaki.
Sa kaisiping iyon ay patuloy na inaalipin ng kalungkutan si Shaina. . .
P.S
available po ang remaining chapter sa g*******l kung gusto niyo po syang mabasa ng buo. Salamat ?