Lemon

1728 Words
CHAPTER 3 Enna POV Ako nga pala si Enna Aguilar, 35 years old, ang nakatatandang kapatid ng malamig at istriktong si Asher Aguilar. Kahit na bilyonaryo siya, para sa akin, kapatid ko lang siya—isang spoiled at seryosong bunso na laging may nakakunot na noo. At dahil mas nakatatanda ako, alam kong trabaho kong guluhin ang mundo niya, lalo na kapag sobra na ang stress niya sa trabaho. Maaga pa lang, gising na ako. Alas-singko ng umaga pa lang, nasa kusina na ako, tumutulong sa mga kasambahay namin. Hindi ko kasi matitiis na hindi makibahagi sa mga gawaing-bahay, lalo na sa mga responsibilidad ni Nanay Arah, ang aming mayordoma. Si Nanay Arah ang nagpalaki sa amin ni Asher. Mula pa noong mga bata kami, siya na ang gumabay sa amin at nag-alaga sa bawat pangangailangan namin. Para na talaga siyang pangalawang nanay namin, kaya sobrang mahal na mahal namin siya. Kahit na napaka-busy ni Asher sa negosyo niya, palagi niyang sinisigurong hindi pinapabayaan si Nanay Arah. Ngayon, habang abala ako sa pagtulong sa kusina, napansin kong alas-siyete na ng umaga pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Asher. Malamang, napuyat na naman iyon kakatrabaho kagabi. Napailing na lang ako. Akala niya siguro, okay lang na magpuyat nang magpuyat. Nagdesisyon akong puntahan siya sa kwarto niya. Pagdating ko sa pintuan, kumatok ako nang marahan. “Asher, gising na! Alas-siyete na!” Pero walang sumagot. Kumatok ulit ako, mas malakas na ngayon. “Asher! Halika na, baka malate ka sa meeting mo!” Tahimik pa rin. Kaya napilitan akong pihitin ang doorknob at pumasok na lang. Nadatnan ko si Asher na mahimbing na natutulog, naka-nga-nga pa ang bibig. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti. Ang seryoso-seryoso niyang tao, pero pag natutulog, parang bata. At doon pumasok ang isang ideya—isang nakakatawang kalokohan na siguradong magpapasimula ng araw ko nang masaya. Mabilis akong bumaba sa kusina at binuksan ang refrigerator. Nakita ko ang isang bag ng lemons at dali-dali akong kumuha ng isa. Hiniwa ko ito at dinala sa kwarto ni Asher. Pagbalik ko, naka-nga-nga pa rin si Asher sa pagkakatulog. Pilit kong tinago ang tawa ko habang hinahawakan ang hiniwang lemon. “Sorry, Asher,” bulong ko sa sarili, “pero para ito sa kabutihan ng lahat. Kailangan mong gumising.” Dahan-dahan kong pinatak ang katas ng lemon sa bibig niya. Isang patak pa lang, napangiwi na siya nang konti, pero tulog pa rin. Napapikit ako, pilit pinipigilan ang pagtawa. Kaya sinubukan ko ulit—pangalawang patak. Ganun pa rin, pero mas kita na sa mukha niya ang hindi komportable. Sa pangatlong patak, biglang nag-iba ang itsura ng mukha niya. Parang hindi na ma-drawing! Napahagalpak ako ng tawa, kinuha ang phone ko, at sinimulan siyang i-video. “Oh my God, Asher! Ang cute mo!” tawanan ko habang nakatitig sa screen ng phone ko. Biglang dumilat si Asher, halatang naguluhan. Nang ma-realize niyang ako ang may kagagawan, tumayo siya mula sa kama at tinitigan ako nang masama. “Damn you, ate Enna!” sigaw niya habang mabilis na tumayo. Pero imbes na matakot, lalo lang akong tumawa. “Good morning, little brother! Ang sweet ko, ‘di ba? Gising na gising ka na ngayon!” “Huwag kang magpatawa! Lumapit ka rito!” galit-galitan niyang sabi habang tinuturo ako. “Ayoko! Habulin mo muna ako!” sigaw ko, sabay talon mula sa kama niya at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto. “Huwag kang tatakbo! Ate Enna!” sigaw niya habang hinahabol ako. Tumakbo ako pababa ng hagdan, hindi mapigilan ang tawa ko. Naririnig ko ang malalakas na yabag ni Asher sa likuran ko. “Bilisan mo, Enna! Pag nahuli kita—” “Ano? Papatakan mo rin ako ng lemon?” sagot ko habang tumatawa pa rin. Narating namin ang sala, at napansin kong nakatingin na ang ilang kasambahay sa amin. Si Nanay Arah, na nasa kusina, sumilip at napailing. “Ano na naman ‘yang kalokohan niyo? Ang aga-aga!” “Nay, si Asher kasi, ang sarap patakan ng lemon!” sabi ko habang nagtago sa likod ng sofa. “Tumigil ka, ate Enna! Napaka-immature mo!” galit-galitan niyang sigaw, pero halatang hirap siyang pigilan ang pagngiti. Sa huli, nahuli rin ako ni Asher. Hinila niya ako palabas ng likod ng sofa, pero bago niya ako mapagalitan, napangiti siya nang makita ang tawa ko. “You’re unbelievable,” sabi niya habang umiiling. “Pero gumising ka naman, ‘di ba?” sabi ko habang hinahabol ang hininga ko mula sa katatawa. Umiling siya, pero hindi na siya nagsalita pa. Tumayo siya, inayos ang buhok niya, at naglakad pabalik sa kwarto. Pero bago siya umakyat, nilingon niya ako. “Next time, ate, walang lemon, ha?” Natawa ako ulit. “I promise… maybe.” Habang umaakyat siya, napailing na lang ako. Si Asher talaga—kahit malamig at seryoso, alam kong mahal na mahal niya ako. At kahit anong mangyari, hindi ko ititigil ang pang-aasar sa kanya. Dahil sa mga simpleng kalokohang ito, alam kong napapalambot ko ang puso ng pinakamalamig na bilyonaryo sa mundo. Pagkatapos ng aming habulan, nagpasya akong magbihis na at bumaba para sumabay sa breakfast. Habang nasa kusina pa ako, hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang naaalala ang mukha ni Asher kanina. Ibang klase talaga ang expression niya—‘yung parang hindi niya alam kung galit ba siya o gusto na lang tumawa. Pagkatapos ng ilang minuto, bumaba na rin si Asher. Malamig ang ekspresyon niya, pero sa loob-loob ko, alam kong nainis lang siya dahil ginising ko siya nang hindi maayos. Diretso siyang umupo sa hapagkainan kung saan naroon na sina Mommy ShaSha at Daddy Jhovann. “Good morning, Asher,” bati ni Mommy habang nagsasalin ng kape sa tasa niya. Malamig din ang boses niya, parang hindi masyadong interesado sa sagot. “As usual, late na naman bumangon ‘tong bunso natin,” dagdag ni Daddy na parang walang pakialam. Nagsisimula na rin itong sumubo ng almusal habang nagbabasa ng business newspaper. Si Asher, umupo lang nang diretso at tumingin sa kanila. “I needed sleep,” sagot niya, kalmado at malamig ang tono. “Kung gusto niyo akong maagang gumising, huwag niyo akong patakan ng lemon sa bibig.” Halos mabuga ko ang iniinom kong orange juice. Bigla akong natawa nang malakas, hindi ko na mapigilan. Napatigil si Mommy at Daddy, pareho silang nakatingin sa akin na may halong pagtataka. “Enna,” ani Mommy, taas ang isang kilay. “Bakit ka tumatawa?” Hindi ako agad makasagot dahil sa sobrang tawa ko. Napahawak pa ako sa tiyan ko habang pilit pinipigilan ang hagikgik. Si Asher naman, inirapan lang ako bago nagsalita. “Ate, can you at least act your age?” malamig niyang tanong. Mas lalo akong natawa. “Sorry, Asher. Pero ang cute mo talaga kanina! Ang expression ng mukha mo, parang gusto mong sumigaw pero natutulog ka pa rin.” Napatigil si Mommy at Daddy sa pagkain. Parehong tumingin kay Asher, halatang interesado na rin sila. “Ano na namang ginawa mo sa kapatid mo, Enna?” tanong ni Daddy, malamig pero halatang may bahid ng pag-usisa. “Simple lang,” sagot ko, pilit pinipigil ang tawa. “Ginising ko siya gamit ang lemon juice. E kasi naman, hindi siya sumasagot kahit ilang beses na akong kumatok.” Biglang bumagsak ang kutsara ni Asher sa plato niya. Tumingin siya sa akin na parang gusto akong patayin gamit ang tingin niya. “Ate, I swear, kung hindi lang kita mahal—” Naputol ang sinasabi niya nang biglang tumawa si Mommy. Isang bihirang pagkakataon na makita siyang natawa nang totoo. “That’s what you get for overworking, Asher,” sabi niya, halatang natutuwa. “ShaSha, stop encouraging her,” sabi ni Daddy, pero may bahagya rin itong ngiti. “Kaya spoiled ang anak natin dahil masyado mong kinakampihan si Enna.” “Hindi naman spoiled, Daddy. Ako lang ang masaya sa buhay. Si Asher kasi, parang walang joy,” biro ko, sabay ngiti kay Asher. “Ang saya mo, ate. Ang saya mo talaga,” malamig na sagot ni Asher, pero sa ilalim ng tono niya, alam kong gusto niya ring matawa. “Hoy, bata,” sabi ni Mommy, tumingin kay Asher. “Kahit na hindi ka natutuwa sa mga kalokohan ng ate mo, at least nagigising ka. Hindi ka pwedeng masyadong seryoso sa buhay, Asher.” “Mom, seryoso ako dahil may kailangan akong tapusin,” sagot ni Asher, inis ang tono. “Hindi tulad ni Enna na parang may full-time job na asarin ako.” Nagpigil akong tumawa ulit. “Full-time? Grabe ka naman, part-time lang kaya. May sarili rin akong buhay, ano ka ba.” “Enna, huwag mo na siyang inisin,” sabi ni Daddy, pero halata sa boses niya na hindi siya masyadong seryoso. “Kawawa naman ‘yung kapatid mo.” “Siya, kawawa? Daddy, baka nakakalimutan mo, bilyonaryo ‘yan. Ako pa nga ang kawawa dito, kasi wala akong luxury cars na tulad niya.” Nagtaas ng kilay si Asher. “You have a Lamborghini, ate.” “Fine, pero hindi ‘yun kasing dami ng sa’yo. So technically, ikaw pa rin ang mas spoiled,” sagot ko, sabay irap. Biglang sumingit si Mommy. “Ang aga-aga pero parang circus na itong hapagkainan natin. Can we just eat in peace?” Napatahimik kaming lahat sandali, pero hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti ko. Habang kumakain kami, nararamdaman ko pa rin ang mga malamig na tingin ni Asher. Pero sa likod ng cold demeanor niya, alam kong hindi siya totoong galit. Pagkatapos ng almusal, tumayo si Asher. “I have to go. May meeting ako sa tower.” Tumayo rin ako. “Sama ako! Baka kailanganin mo ng taga-gising mamaya.” Tiningnan niya ako nang masama, pero sa huli, bahagyang ngumiti. “Ate, you’re impossible.” “Of course, I am. That’s why you love me,” sagot ko, sabay ngiti. Habang palabas si Asher, tumingin siya sa akin at tumango. Kahit hindi niya sabihin nang diretso, alam kong mahal niya ako. Sa kabila ng malamig niyang ugali, ramdam ko ang init ng pagmamahal niya bilang kapatid. At kahit kailan, hindi ko ititigil ang pang-aasar sa kanya. Dahil sa bawat kalokohang ito, alam kong mas napapalapit kami sa isa’t isa, kahit gaano pa siya ka-seryoso sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD