bc

MU Series: The Perfect Daughter

book_age16+
37
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
student
drama
comedy
sweet
bxg
campus
enimies to lovers
school
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Pinili ni Yumi Ortega na makipag relasyon sa boyfriend ng kanyang best friend, kahit alam niyang makasisira ito sa kanilang pagkakaibigan.Ngunit hindi niya akalain na isang lalaking nagngangalang Akira ang makatutuklas sa lihim na ito. Kailangan niyang sundin ang nais ni Akira kapalit ng pagtatago ng kanyang sekreto.

chap-preview
Free preview
Prologue
Yumi POV "Kiss me." Agad akong napalingon sa lalaking nakatayo sa aking harapan nang sabihin niya ang bagay na iyon. Tinuro pa niya ang kanyang labi gamit ang daliri saka marahang nilapit ang mukha sa akin. "Kiss me, honey," muli niyang wika. Lumingon ako sa paligid at siniguradong walang tao sa likod ng isang gusali ng school na aming kinaroroonan, saka ako muling humarap sa kanya. "Nababaliw ka na ba? Paano kung may makakita sa 'tin?" wika ko. "Wala namang tao, hindi ba?" tugon niya. Isang buntonghininga ang kanyang ginawa, saka nilayo ang mukha sa akin. "Sige na nga, 'wag na lang. Ganyan ka naman talaga sa 'kin," nagtatampo niyang wika. Tila may kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking puso dahil sa kanyang sinabi. Aminado ako na hindi ko kayang makita na ganito siya sa akin. Agad kong hinawakan ang kanyang kwelyo at pinagdampi nang mabilis ang aming mga labi. Sa paglayo ng mga ito, kitang-kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata dahil sa aking ginawa. Dahan-dahang tumaas ang magkabilang gilid ng kanyang labi. "Ang sweet talaga ng honey ko," malaking ngiti niyang wika. "Sige na, bumalik ka na sa klase mo, baka may makakita pa sa 'tin," pagmamadali kong pagtaboy sa kanya. Tumango lang siya at patalikod na lumakad. Nag-iwan pa siya ng flying kiss bago tuluyang mawala sa aking paningin. Pakiramdam ko naman ay nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na siyang makaalis at walang sino man ang nakakita sa amin. Mahal ko siya. Mahal ko si Adrian Dela Vega. Matagal na kaming may lihim na relasyon ngunit hindi namin maaaring ipaalam sa iba. Bakit? Dahil hindi tama... Oo. Mali ang pakikipagrelasyon ko sa kanya dahil si Adrian ay ang boyfriend ng best friend ko. Kung paano ako napunta sa komplikado kong sitwasyon? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko ay mahal ko siya at nangako siyang hihiwalayan na niya ang kanyang nobya. Makalipas ang ilang minuto, nang masigurado kong malayo na si Adrian, sinimulan kong ihakbang ang aking paa upang bumalik na rin sa aking klase, ngunit sa aking paghakbang, isang pag-ubo ang narinig ko hindi kalayuan sa aking kinaroroonan. Agad akong napalingon at nanlaki ang mga mata dahil sa nakita. Isang lalaki ang nakahiga sa itaas ng puno habang ang bag nito ay nakatakip sa mukha. S-Sandali, kanina pa ba siya nandito? B-Bakit hindi ko siya nakita? "Hay... ang ingay!" reklamo ng lalaki habang ako naman ay tila naparalisado ang katawan at nakatingin lang sa kanyang ginagawa. Dahan-dahan siyang tumalon at kinuha ang bag, saka sinabit ito sa kanyang likod. Sinimulan niyang lumakad patungo sa aking kinaroroonan at mas lalo akong naguluhan nang lagpasan niya ako. "Sandali!" pagpigil ko sa kanya na hindi ko alam kung bakit ko ginawa. Tila walang emosyong lumingon sa akin ang lalaking ito habang nakasabit sa daliri ang kanyang bag. "What?" walang gana niyang tugon. Noon ko lang naalala kung sino siya. Ang lalaking ito ay si Akira, isa sa kilalang lalaki sa BA Music. "S-Sabihin mo, m-may nakita ka ba?" nauutal ko pang tanong. "Nakita?" kunot-noo niyang tugon. Maya-maya lang, tumaas ang gilid ng kanyang labi na nagpakita ng nakatatakot na pagngisi. "Ah. Kung ang tinutukoy mo ay 'yong halik nyo kanina. Yes! I saw it." Bumalot ang kaba sa aking dibdib nang malamang nakita niya ang lahat. Mariin kong kinuyom ang aking kamay at tinibayan ang sarili upang sumagot sa kanya. "P-Pwede bang, 'wag mo na lang sabihin ang bagay na iyon sa iba?" "Wala rin naman akong pakialam," wika niya saka tumalikod sa akin. "'Wag kang mag-alala. Walang makakaalam na may relasyon ka sa lalaking may ibang nobya... Ms. Perfect." Sabay muling lingon nito sa akin at pagbigay ng isang nakatatakot na pagngiti. Pakiramdam ko ay binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan nang makita ko ang ekspresyon niyang iyon. Alam kong hindi ako dapat magtiwala sa kanya at sigurado akong simula ngayon, ang perpekto kong buhay ay unti-unti nang magbabago...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.7K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
95.1K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
238.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook