Chapter 1

2548 Words
Yumi POV NAKAPIKIT ang talukap ng mata ng mga taong nakaupo sa isang malaking coliseum. Dinadama nila ang musika na naririnig sa kanilang tainga, isang magandang musika na buong puso kong tinutugtog para sa mga taong dumalo sa concert kong ito. Sa bawat pagtipa ng aking daliri sa ibabaw ng piano, isang nakakapanatag na pakiramdam ang ibinigay nito sa mga tao. Hanggang sa maya-maya lang, tuluyang natapos ang aking pagtugtog at marahang tumayo mula sa harapan ng piano, saka humarap sa mga manonood at nagbigay ng matamis na ngiti. Isa-isang nagsitayuan ang mga manonood, saka nagbigay ng malalakas na palakpak na nagpayanig sa buong coliseum. Sa aking pagbaba sa entablado, sumalubong sa akin sina mommy at daddy na may malaking ngiti sa kanilang mga labi. Halatang pinagmamalaki nila ako sa mga taong nandoon at lubos ko itong kinatutuwa. "Congratulations, anak!" pagbati sa akin ni mommy. "You did a great job, Yumi!" wika naman ni daddy. "Thank you, mom, dad," tugon ko sa kanila saka matipid na ngumiti. Nagsimulang lumapit ang mga reporter ng media at kinuhaan kami ng litrato. Marami ring fans ang lumapit sa akin at nagpa-autograph at nagpa-picture. Lubos itong kinasasaya ng aking puso ngunit ang totoo, napapagod na ako sa ganitong set-up ng aking buhay. Nakakapagod rin palang maging perpekto. *** "Oo naman, we will attend the party at maririnig nyo rin ang pagtugtog ni Yumi riyan," wika ni mommy sa kausap niya sa telepono. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse at nakadungaw ang aking mata sa labas ng bintana. Pinanonood ko ang mga ilaw mula sa mga sasakyan na aming nakakasalubong. "I guess it's okay right, Yumi?" pagtawag ni mommy sa aking pangalan habang nakatingin sa rare mirror ng kotse. Sa tingin ko, ang tinutukoy niya ay ang pagtugtog ko ng piano sa event na sinasabi niya sa kanyang kausap ngayon. "Yes, mom. No problem," tugon ko kay mommy saka nagbigay ng matamis na ngiti. Bumalik ako sa pagdungaw sa bintana habang nakapako ang ngiti sa labi. Nilaro ko ang aking daliri dahil nararamdaman ko na ang panginginig nito dala ng pagod sa pagtugtog. Elementary palang ako nag-aral na akong mag-piano. Ito na ang kinalakihan ko at madalas na gawin sa tuwing wala akong kasama sa bahay. Masaya naman at napapanatag ang aking pakiramdam sa tuwing ginagawa ko ito, ngunit sa paglipas ng panahon, nang dumalas ang pagtugtog ko ng piano, nagsimula na ring manginig ang aking mga daliri, lalo na kapag matagal akong nakatutok dito. Masaya ngunit nakakapagod. Ibang saya rin ang binibigay nito sa aking puso sa tuwing pinupuri ako ng mga tao. Academics, sports, at kahit anong bagay ang ipagawa nila sa akin ay nagagawa ko nang maayos, kaya simula noon, binansagan ako ng mga kaibigan ni mommy na perpektong anak – a perfect daughter. Kinaiinggitan ng lahat ng mga magulang. Ngunit sa kabila ng pagiging perpekto ko, isang sekreto ang nasa tinatago ko. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cell phone mula sa bulsa. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang nag-iwan sa akin ng mensahe, ang aking nobyo na si Adrian. Isa sa pinaka-ayaw ng aking pamilya ay ang magkaroon ako ng boyfriend, makasisira lang daw iyon sa pangarap ko at kinabukasan. Ngunit hindi nila alam, lihim akong may relasyon sa isang lalaki na mayroon ding karelasyon. Yes, call me a b*tch but I love him. Wala naman akong magagawa kung ang puso ang magdikta, hindi ba? Sa pagbukas ko ng mensahe, agad na tumaas ang aking labi at napangiti. Nakalagay kasi sa message ang, I love you, ingat ka pag-uwi. Kinilig ako sa mensahe na iyon dahil alam kong napanood niya ang performance ko kanina. Pumunta pala siya. "Anak, may problema ba?" Mabilis kong tinago ang aking cell phone nang mapansin ni mommy ang pagngiti ko sa kawalan. "W-Wala po, mom," nauutal ko pang tugon sa kanya saka pilit na ningiti ang labi. Siguro, darating din ang panahon na masasabi ko sa buong mundo kung sino ang lalaking pinakamamahal ko. Darating din ang araw na magiging malaya ang pagmamahalan namin ni Adrian. *** "Hoy! Yumi, hindi ka pa ba babangon? Mala-late na tayo, girl!. Kumunot ang aking noo nang marinig ang boses ng bestfriend kong si Shane. Naramdaman ko ang pagbigat ng gilid ng aking kama at alam kong umupo na siya rito. "Maaga pa," tugon ko saka muling takip ng unan sa aking mukha. "Anong maaga pa? 'Di ba this is the day na lilipat ka na sa university dorm?" Mabilis na bumukas ang talukap ng aking mata nang marinig ang bagay na sinabi ni Shane at agad na napaupo. "Oo nga pala." "Fix yourself, girl. I'll wait outside," aniya saka kumindat at ngumiti. Napailing na lang ako dahil sa pangungulit niya. Hindi ko alam at hindi ko na maalala kung kailan o paano ko naging bestfriend si Shane. Ang alam ko lang, magkaibigan ang mga magulang namin at sabay na kaming lumaki. Komportable naman ako sa tuwing kasama ko siya at masasabi kong close nga kami. Not until I met her boyfriend. Wala akong sinayang na sandali upang ayusin ang sarili. Kinuha ko na rin ang maleta na inayos ko kagabi. Matapos iyon, lumabas na ako ng silid at nagtungo sa sala kung saan nandoon si Shane, kausap niya sina mommy at daddy. Sa totoo lang, mas close siya sa parents ko kaysa sa akin. Parang siya nga ang anak at hindi ako. "Let's go?" pag-aya ko nang tuluyan akong makababa sa hagdan. Napalingon naman si Shane at ang aking mga magulang. Marahang tumayo si mommy mula sa pagkakaupo sa sofa, saka lumakad patungo sa aking kinaroroonan. Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti. "Magpakabait ka roon, Yumi. I know you will excel in everything." Ngumiti ako kay mommy bago tumugon, "yes, mom. I will make you proud." "Tawagan mo kami madalas ng mommy mo," pagsingit ni daddy. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Matapos iyon, nagtungo na kami sa parking at sumakay sa limousine na maghahatid sa akin sa school. *** I became an official student of Montecillo University, taking up BA Music. Sabi nga nila, hindi ganoon kadali ang makapasok sa unibersidad na ito. It is a prestigious school for elite and rich people. Ang unibersidad na ito ay isa sa mga top rank university hindi lang sa buong region kung hindi sa buong bansa. Maipagmamalaki ko na dito ako pinag-aral ng aking magulang at kabilang sa Gold Tier students. Ang mga studyante sa university na ito ay nahahati sa iba't ibang tier: Gold, Silver, and Bronze. Ang mga Gold tier ang may pinakamataas na antas sa lahat ng tier at sila rin ang may pinakamalaking donasyon sa university. Bilang isa sa mayayaman at may kayang pamilya at upang mas mapanatag ang aking mga magulang sa safety ko, pinili nila akong ipasok sa Montecillo University. Ngayon palang ako lilipat sa dorm ng university dahil ngayon lang din ako pinayagan nila mommy. Huminga ako nang malalim saka ngumiti. Sa wakas, I can live independently. *** Habang nakasakay ako sa private car ng aming pamilya, tumingin ako sa bintana at nakita ang blue and gold na logo ng unibersidad. "I am really amazed sa university na ito," saad ni Shane na ngayon ay nakanganga sa nakikita. Napailing na lang ako at impit na natawa. Sa pagpasok ng kotse sa malaking gate, mapapansin agad ang malawak na pathway ng school at halos lahat ng estudyante rito ay nakasakay sa magagarang sasakyan. May mga nakamotor din na lalaki ngunit hindi ganoon karami. Matapos naming ibaba si Shane sa building niya, sinimulan na ng aking driver na ihatid ako sa aking patutunguhan. "We're here, madame," anunsyo ng aking driver. "Thank you," maiksi kong tugon. Sandali akong naghintay at binuksan niya ang pinto. Sa aking paglabas, binigay niya sa 'kin ang maleta na dadalhin ko sa loob ng university. Since mayroong dorm ang school na ito, nag-decide akong dito na muna manatili and I try to be independent for a while. Nabalitaan ko rin kasing naka-stay in din dito si Adrian at mas malaki ang pagkakataon na makasama ko siya nang madalas. Iniisip ko palang ang bagay na ito, kinikilig na ako. Napangiti ako nang wala sa sarili dahil sa mga bagay na aking iniisip. Inayos ko ang sarili at huminga nang malalim. Nagsimula akong maglakad papasok sa loob. Mula sa kinaroroonan ko, natatanaw ko na ang gusali ng music and arts. Nakatutuwa pa rin ang hitsura niya dahil isa siyang puting gusali na tila jigsaw puzzle na pinagpatong-patong, though maganda at unique ang pagkakagawa sa kanya, makita mo palang ang building, alam mo nang sa Arts ito nakabilang. Gold tier dormitory is really spacious. Kapag nasa loob ka na, pakiramdam mo ay naka-staycation ka sa isang mamahaling hotel, halatang hindi basta-basta ang trato nila sa mga estudyante rito. I can say that Montecillo University is really something. Sumakay ako sa elevator upang puntahan ang room para sa mga gold tier. Sa pagbukas ng pinto ng elevator, isang babaeng may maingay na takong ang papasok sa loob ng elevator kung saan ako nakasakay. Agad naman akong lumabas mula sa loob at nakita ko pa ang pag-flip niya sa kanyang buhok sabay sa pag-ikot ng mga mata at pag-iwas ng tingin sa akin. Animoy tingin palang niya, hinuhusgahan na niya ang buo kong pagkatao. Kahit ganoon, nagbigay ako ng matamis na ngiti nang magtama ang aming mata, ngunit nang tuluyang sumara ang pinto ng elevator, ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala at napalitan ng pagtaas ng kilay. Sa aking pagtalikod, winasiwas ko ang aking buhok. She is really a beauty. As I remember, siya ang tinatawag nilang campus queen. Kibit-balikat na lang akong dumiretsong muli nang lakad patungo sa Wing B kung saan naroon ang aking silid. Nang sa wakas ay makarating ako sa paroroonan, nakita ko na ang pangalan ko na naka-ukit sa pinto gamit ang kulay na ginto. Sa wakas, makakapagpahinga na muna ako, wika ko sa sarili nang makapasok sa loob. Inayos ko ang aking mga gamit saka nagpahinga. *** KINAUMAGAHAN isang tawag ang gumising sa akin. Kahit na inaantok pa ako, hinanap ng aking kamay ang cell phone at agad ko naman itong nakuha sa ibabaw ng side table. Kumunot ang aking noo nang makita sa screen ng aking cellphone ang pangalan ni Shane. Isang buntonghininga ang aking ginawa. "Inistorbo na naman niya ang tulog ko," saad ko. Sinagot ko ang telepono at halos mabingi ang aking tainga sa sigaw niya. "Good morning, Yumi! Breakfast?" aniya. "Okay," tangi kong tugon saka binabaan siya ng telepono. Ang ayoko sa lahat ay sinisira ang tulog ko, kaya medyo hindi maganda ang mood ko ngayon. Ngunit dahil gising naman na ako ay agad na rin akong nag-ayos ng sarili. Sa pagbaba ko ng dorm, nandoon si Shane at taas kamay na kumakaway sa akin. "Here!" aniya na animoy hindi ko siya nakikita. Nagsimula akong maglakad at lumapit sa kanya. Sabay kaming nagtungo sa cafeteria at nagtungo sa counter. Kinuha ko ang ID sa aking bag and I tap it on the RFID Scanner sa counter. Ito ang isa sa gusto ko sa University na ito. This ID is so convenient. Ginagamit ito ng mga studyante for security access, sa building ng campus, Identifier sa library, and even e-money wallet, kaya nga napakunot ang noo ko nang makakita ako ng isang gold tier ID sa gitna ng kalsada, how careless. Matapos kaming kumuha ng pagkain, umupo na kami sa bakanteng space at doon nagsimulang mag-breakfast. "Ay, girl! Sumali ka na ba sa campus organization?" panimulang wika ni Shane. Tumango ako bilang tugon sa kanyang sinabi. Alam ko naman na kasi ang sasalihan ko kaya hindi ko na kailangang matagalan pa sa pagpili. "Sa true? Anong sinalihan mo? Sa dami mong alam kahit ano fit sa 'yo, eh," aniya. "Sa choir group," maiksi kong tugon. "Really? Kasali rin doon si Adrian!" gulat niyang saad at animoy excited. Napangiti naman ako nang sabihin niya iyon. Ang totoo, isa sa dahilan ng pagsali ko roon ay si Adrian. Mabuti na lang at sa Lingkod Montecillians sumali si Shane. It fits her actually. Generous kasi siyang tao at extrovert. She likes socializing with others. Matapos kaming kumain, nakatanggap na ako ng text message mula sa organization na sinalihan ko. Nagpaalam ako kay Shane at agad na nagtungo sa activity area sa loob ng students of affairs office kung saan ginagawa ang recruitment ng organizations. "Palakpakan natin ang bagong miyembro ng Montecillo Chorale Group, si Ariston Sebastian Celerio," anunsyo ng MCG Leader. Nakisabay na lang ako sa palakpak ng mga tao. Sino siya? Parang pamilyar ang hitsura niya? Siya ba 'yong may-ari ng ID na nakita ko sa kalsada noong isanv araw? Nagkibit-balikat na lang ako at nilibot ang mata sa paligid. Isang maputing lalaki ang kumuha sa aking atensyon. Matangkad siya at tila nakita ko na ang kanyang mukha. "Akira, I'm glad that you are here too," saad ng korean guy. If I remember it well, he is the current adviser of the chorale group – Sir Jaewon Park. "I know you will do well. Raven is really a good singer." "Thank you, Sir," matipid na saad ng lalaking kausap niya. Dahil nagsimula nang magsalita ang leader, agad na rin akong napalingon sa harapan at hindi na muling bumalik ng tingin sa direksyon ng dalawang iyon. *** Matapos ang meeting with the organization, nagsimula na rin ang klase ko sa ibang subject. "Okay, class. Dismissed." Ang lahat ay tumayo matapos sabihin ng professor ang bagay na iyon. Nanatili naman akong nakadungaw sa bintana habang nakapalumbaba. Hindi ko kasi ugali ang makipag unahan sa paglabas ng pinto. "M-Ms. Yumi, p-pwedeng magpa-picture?" Napalingon ako sa aking tabi nang marinig ang bagay na iyon. Nakita ko ang isang babaeng nakatayo habang hawak ang kanyang cell phone at nahihiya sa akin. Nagbigay ako ng matamis na ngiti saka tumayo. "Sure, why not?" saad ko. Tila kinilig naman ang babae. Nang matapos siya ay nasundan pa ito ng iba. Hindi naman na bago para sa akin ang bagay na ito. I'm famous and everyone knows me. I just have to remain firm and nice infront of everyone. Ayokong masira ang image ko at image ng mga magulang ko. "Thank you so much, Ms. Yumi. Napakabait mo," wika ng mga babaeng iyon na nagpa-picture sa akin. "You're welcome. Thank you rin," tugon ko saka ngumiting muli. "Tapos na ba ang photoshoot, girl?" Muli akong napailing nang marinig ko ang boses ni Shane hindi kalayuan. "Nagpa-picture lang sila," natatawa kong tugon saka kinuha ang shoulder bag na dala ko. Sa pag-angat ng aking ulo, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Shane patungo sa aking kinaroroonan. Naka-angkla ang kanyang kamay sa braso ng kasama niyang lalaki. "Yumi, hindi pala ako sasabay sa 'yo pag-uwi," pagpapaalam niya. Tumango naman ako at mabilis na binago ang ekspresyon sa aking mukha. "Mag-iingat ka, Shane. See you tomorrow," wika ko at saka nagbigay ng matamis na ngiti. Aksidenteng tumama ang aking tingin sa katabi niyang lalaki – si Adrian. Ngumiti siya sa akin at tila tumalon ang aking puso at hindi ko na napigilan ang paglaki ng ngiti sa aking labi. Ayoko mang aminin sa sarili at ayoko mang maging masamang tao, pero wala na akong magagawa dahil pinili ko to. And yes, I am dating my bestfriend's boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD