Chapter 6

1367 Words
Yumi's POV Nag-aayos na ako ng bag nang muling magsalita ang aming professor sa Analysis of Tonal Music subject. Mayroon kasing election campain at nandito ngayon ang partido liberal. Ang dorm leader na si Xian ang presidente ng grupong ito. After they individually introduced their self, umalis na rin sila. A girl caught my attention, sa tingin ko ay nakita ko na siya sa chorale group. "Okay, class. That's all for today," anunsyo ng aming professor. Isa-isa na kaming nagtayuan at hindi ko maiwasang hindi marinig ang bulungan ng mga classmates ko. "Alam ko na kung sino ang iboboto ko sa SSG election," saad ng isa. "Same. Partido liberal ako. I guess they are good." Napaisip ako sa kanilang sinabi. Siguro nga ay ito na rin ang iboboto ko. Nang ihakbang ko ang aking paa, kumunot ang aking noo nang maramdamang tila wala na akong hawak na bag, dahil magaan ang pakiramdam ko. Sa pagtaas ng aking ulo, nakita ko si Akira sa aking tabi. Hawak na niya ang bag ko at nakasukbit na ito sa kanyang balikat. "Let's go," aniya. Seryoso pa rin ang kanyang mukha at hindi man lang siya ngumingiti. Sobrang cold ng pakikitungo niya sa akin ngunit hindi naman niya ako nilalayuan. Since the day we talk inside the music room, tila may nagbago sa kanya. "Let's go saan?" tanong ko. "Basta." Ito lang ang maiksi niyang sinabi. Nanlaki ang aking mata nang hawakan niya ang kamay ko, saka ako hinila palabas ng classroom. Narinig ko pa ang bulungan at pagsinghap ng mga classmates ko. "Sila ba?" "Oh! No! May jowa na ba si Akira?" "Naku! Goodluck talaga kay Ms. Yumi kung matagalan niya ang pagiging cold ni Akira. But then, ang swerte niya." Ang ibang sinabi ng mga babae ay hindi ko na narinig, dahil tuluyan na kaming nakalayo. I really don't know what happen. Hindi ko rin ine-expect na magiging ganito si Akira sa akin. Napalakas ba ung sampal ko at naalog ang utak niya? Akala ko kasi ay aalipinin niya ako or gagawing tagagawa ng assignment niya, pero nagkamali ako. He's a bit kind pero weird. Matapos kaming lumabas sa lecture room, sumakay kami sa mini-bus at nagtungo sa building ng school of medicine. Katabi nito ang university hospital. Nang tumigil doon ang bus, kumunot ang aking noo nang muling hawakan ni Akira ang kamay ko at pinatayo. "A-Anong ginagawa natin dito?" tanong ko habang nakasunod sa kanyang paglalakad. Pumasok kami sa university hospital at doon bumungad sa amin ang doctor na si Dr. Arthwil. "Aki, what can I do for you?" tanong niya. "Sir, please check her arm." Laking gulat ko nang marinig ang sinabing ito Akira. "W-What? No. I'm fine," pagtanggi ko. Ngunit nang akmang itatago ko palang ang kamay ko, agad akong hinawakan ni Akira sa balikat at pinaupo sa upuan na nasa harapan ni Dr. Arthwil. Kinuha ni Akira ang aking kamay at nilapag ang braso ko sa lamesa. "Just trust me," aniya. Trust me ka d'yan, eh kakikilala nga lang natin, inis kong wika sa isip. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang pag-press ni Dr. Arthwil sa aking braso. Tiniis ko iyon at hindi ko namalayan na habang hinahawakan niya ang muscle nito malapit sa aking pilat, unti-unting nawawala ang sakit na nararamdaman ko kanina. "Hmm..." saad ni Dr. Arthwil. Marahan niyang binitiwan ang aking kamay at binawi ko naman ito, saka siya nagsalita, "I don't see any problem on her arms. Maybe it's just a strained or emotional trauma," aniya. "Emotional... trauma?" Napatingin ako kay Akira na ngayon ay nakaupo sa aking tabi. Sumenyas naman ito sa doktor at hindi ko alam kung bakit tila may nililihim ang dalawa sa akin. "I mean, kung mayroon kang pinagdaanang trauma sa past, iyon ang bagay na pumipigil sa iyon. Ang pagsakit ng iyon kamay ay nasa isip mo lamang. Dala iyon ng takot na nasa puso mo at kailangan mo itong lagpasan," paliwanag ng doktor. Hindi ako nakapagsalita dahil sa kanyang sinabi. Aminado ako na mayroon akong takot sa nakaraan. Simula nang mapilay ang kamay ko, pakiramdam ko ay hindi na ako muling makatugtog ng piano nang maayos. "Thank you, Dr. Arthwil. Mabuti nang malinaw," wika naman ni Akira saka tumayo at lumakad palabas ng clinic. "T-Thank you po," pagpapaalam ko naman saka bahagyang yumuko. Agad akong tumayo at nagsimulang lumakad. "Bakit ba ang mga lumalapit sa 'kin ay laging may traumatic experience?" bubulong-bulong na wika ni Dr. Arthwil saka umiling. Hindi ko na lang ito pinansin at nagmadaling sumunod kay Akira na ngayon ay nasa labas na ng hospital. Halos habol-hininga ako nang tuluyan akong makalabas. Naabutan ko si Akira na nakatayo sa waiting area kung saan dumadaan ang bus. "Hoy! Ikaw. Kakaladkarin mo ako rito tapos iiwan mo ko?" "How can I heal your deep scar, Yumi?" Naputol ang aking sasabihin nang marinig ko ang sinabing iyon ni Akira. Halos mabalot ang aking isip ng pagtataka dahil na rin sa kinikilos niya. Minsan nakakatakot na rin ang pagkawirdo nito at pagkamisteryoso. "Hindi kita maintindihan," tanging nasabi ko sa kanya. Huminga siya nang malalim saka nagpamulsa. Tumingin siya sa itaas, dahilan upang mapatingala rin ako. Maganda ang asul na langit at nakakapanatag ng damdamin. Sa pagbaba ng aking ulo, kumunot ang noo ko nang bigla na lang nawala si Akira. "Tingnan mo 'yung lalaking 'yun. Iniwan na lang ako bigla," saad ko sa sarili, saka umiling-iling. *** KINABUKASAN, muli akong niyaya ni Shane na mag-breakfast sa cafeteria ng university. Sabay kaming nagtaka nang makitang maraming tao ang nagkukumpulan sa loob. "Anong mayroon?" tanong ni Shane. Kibit-balikat na lang ako. Hanggang makita namin kung ano ang pinagkakaguluhan sa loob. Nandoon ang mga guwapong lalaking nag-seserve ng pagkain. Hindi naman namin pinansin ni Shane iyon at dumiretso na lang kami sa pag-order, hanggang sa maya-maya lang, nakuha ng isang scene ang atensyon ng lahat. Sa paglingon namin ni Shane, nakita namin ang babae't lalaki na aksidenteng naglapat ang mga labi. "Hala! Ang sweet naman nila," saad ni Shane. Kumunot ang noo ko at bumalik ng tingin sa counter, saka ko kinuha ang pagkaing binili ko. "Anong sweet diyan?" tugon ko. Mas sweet pa rin ang stolen kiss namin ni Adrian, bulong ko sa isip. Ngunit napatingin ako kay Shane nang inosente siyang naghahanap ng aming mauupuan sa cafeteria. Kahit paano, nakaramdam ako ng kaba at tila nakokonsensya ako sa bagay na iniisip ko. Mabilis kong iniling ang aking ulo. I know him. I know Adrian is doing something to make us official. Matapos kaming kumain sa cafeteria, sumakay kami sa mini-bus patungo sa kanilaniyang klase. Nakadungaw ang mata ko sa bintana nang maramdaman ko ang kamay ni Shane na humawak sa aking kamay, dahilan upang mapatingin ako. Kumunot ang aking noo nang makita ang isang wristband. Nilagay niya iyon sa aking pilat. "Ayan. All fix," aniya. Tiningna ko naman ito at nakita ko ang logo ng Montecillo. "Binili ko 'yan sa campus store. Maraming magagandang item doon," muli niyang sabi saka bahagyang inangat ang kanyang kamay at pinakita ang parehong wristband na suot niya. "Oh! 'Di ba? Couple tayo." Ngumiti si Shane sa akin. Tila may kung anong kirot ang naramdaman ko sa puso mula sa ngiti niyang iyon. "Sa iyo na 'yan. Regalo ko na sa 'yo," aniya. "S-Salamat." Maya-maya lang, nakarating na rin kami sa School of Science building. Nang pababa na si Shane, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip dahil bigla ko na lang siyang tinawag. "Shane!" pagpigil ko, dahilan upang mapalingon siya sa akin. "Bakit?" aniya. Mariin akong napalunok at sandaling natigilan. Tiningnan ko ang kanyang mukha at alam kong napakabuti niyang tao. "I'm sorry," ito ang tanging salita na lumabas sa aking labi. Natulala siya at kumunot ang noo. Magtatanong pa sana siya sa akin ngunit nakita na namin ang pagsenyas ng driver, sinasabing bilisan na niyang bumaba dahil marami ang naghihintay. Wala nang nagawa si Shane kung hindi ang bumaba. Kumaway na lang ako sa kanya mula sa bintana. Habang binabaybay ng bus ang kalsada patungo sa building ng Music and Arts, hindi ko maiwasang hindi mag-isip sa mga nangyayari. Tama pa ba ang mga desisyon ko? Sinasaktan ko ang isang taong mahal na mahal ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD