Chapter 7

2161 Words
Yumi's POV WEEKEND kaya naisipan kong gumising nang maaga upang makapag-jogging. Medyo matagal ko na rin kasi itong hindi nagagawa dahil masiyado akong busy sa pag-aaral at pag-eensayo ng piano. Since It's still five in the morning at medyo malamig pa, nagsuot ako ng hoddie sleeveless cotton jacket at nagsuot ng shades upang wala ring makakilala sa akin. Nilagay ko ang earphones sa aking tainga at nilagay ang iPod sa aking bulsa, saka ako nag-stretching muna sa tapat ng aming bahay. Mula sa bahay namin sa BGC ay nag-jogging ako to reach Aura and market-market. Maya-maya lang, isang tao ang hindi ko inaasahang makakasalubong ko. "Adrian?" nagtataka kong wika sabay sa mabilis na t***k ng aking puso. Adrian is residing at Makati kaya nagtataka rin ako kung bakit siya napadpad dito. Pero kung sa bagay, hindi naman ganoon kalayo ang Taguig sa kanila. Kumunot pa ang noo ni Adian bago niya ako makilala. "Yumi?" excited niyang wika. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. "I miss you," aniya na nagpalaki ng ngiti sa aking labi. Tumingin siya sa paligid at siniguradong walang ibang taong nakatingin sa amin. "Hindi mo kasama si Shane?" tanong niya. Kumunot ang noo ko at nag-pout ng labi. "Bakit mo siya hinahanap? Hindi ba dapat ikaw ang nakakaalam kung nasaan siya?" tanong ko. Napatingin siya sa akin at impit na natatawa. "Hindi ko rin alam kasi hindi naman ako nag-pm sa kanya, saka siyempre, tinatanong ko kung kasama mo siya dahil baka makita niya tayo, 'di ba?" aniya. Nang maisip ko ang bagay na iyon, nakaramdam ako ng lungkot sa aking puso. Alam kong wala namang malisya kung makita man nga kami ni Shane. Inosente siya kaya hindi rin siya maghihinala. Ang mas nagpalungkot sa aking damdamin ay ang sinabi ni Adrian na baka mahuli kami. Ganito na lang ba lagi? Naisipan namin ni Adrian na umupo sandali sa labas ng isang coffee shop at doon mag-usap. Bumili siya ng para sa akin at sinamahan na rin niya ng cake. Kung iisipin, para kaming nagda-date. Marahan kong inikot ang straw sa aking baso, saka tumingin kay Adrian. "Is there something wrong, Yumi? Kanina ka pa tahimik," pag-umpisa niya sa aming usapan. "Adrian, sabihin mo nga sa 'kin. Hanggang kailan ba ako maghihintay?" Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip kung bakit naitanong ko ang bagay na iyon. Ngunit nais ko rin kasi itong malaman. Kumunot ang noo ni Adrian dahil sa aking sinabi. "Yumi, akala ko ba napag-usapan na–" "I know. Pero kung hindi mo kayang hiwalayan si Shane, tapusin na lang natin ito. Ayoko nang maging masama, Adrian. Ang totoo nakokonsensya na ako sa ginagawa ko," sunod-sunod kong sabi. Natigilan si Adrian sa mga bagay na kanyang narinig. Diretso lang siyang nakatingin sa akin at tila hindi mahanap kung ano ang itutugon sa akin. Marahan siyang yumuko at kinuha ang inumin saka lumagok nang kaunti rito. "Yumi, the truth is... I love you. Pero hindi ko kayang hiwalayan si Shane." Ang mga bagay na kanyang sinabi ay tila dumurog sa aking puso. Napakatagal niya akong pinaghintay hanggang sa maging masama na ang tingin ko sa sarili. Tapos ngayon ay sasabihin niyang, hindi niya kayang hiwalayan si Shane. "It means mahal mo kaming dalawa?" inis kong tanong habang nagsisimula nang mamuo ang luha sa aking mga mata. Tumango siya at hindi makatingin sa akin nang diretso. "Hindi sa ganoon, Yumi." Hinawakan niya ang kamay ko. Tila hindi na pumapasok sa aking isip ang mga bagay na kanyang sinasabi. Agad kong binawi ang aking kamay at tumayo. "I'm sorry, Adrian. I have to go," saad ko saka nagmadaling lumakad palayo. "Yumi!" Sinundan ako ni Adrian at halos lakad-takbo akong palayo sa kanya. "Yumi, sandali. Mag-usap tayo please!" "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Adrian." Patuloy ang pagtawag niya sa aking pangalan habang kami ay naglalakad. Pilit akong lumalayo sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang garden na wala kaunti lamang ang tao. Maya-maya lang, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso. Agad akong huminto sa paglalakad at humarap sa kanya. "Yumi, hindi ko kayang mawala ka sa 'kin." "Pero hindi mo rin kayang mawala siya!" sigaw ko. Tuluyan ko nang hindi napigilan ang pagluha ng aking mga mata. Sunod-sunod ang aking paghikbi dahil sa sakit na nararamdaman ko. Tila wala na akong pakialam sa paligid kung mayroon mang makakita sa akin o may media na makakuha sa aking litrato. Wala na akong pakialam. Ang tanging iniisip ko na lang ngayon ay ang damdamin ko. Hindi makapagsalita si Adrian. Natulala siya sa aking sinabi at kitang-kita ko kung paano niya ako tingnan na may halong awa. Nanlaki ang aking mata nang maramdaman ko ang isang mainit na palad na humawak sa aking braso, saka ako nito hinila paharap sa kanya. Nakita ko si Akira na nakatayo sa aking harapan habang may matalas itong tingin kay Adrian. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, animoy tinatago niya ang aking mukha sa mga taong nakakakita sa akin. Maya-maya lang, narinig ko ang mga taong unti-unting lumalapit sa aming kinaroroonan. "Si Yumi ba 'yun?" "Si Yumi nga!" "Yumi Ortega?" Sunod-sunod na umingay ang paligid nang mapagtanto nila kung sino ako. Naramdaman ko ang kamay ni Akira sa aking ulo at mas diniin pa niya ang pagtago nito sa kanyang dibdib. "We have to go, Yumi," saad niya. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Maya-maya lang, isang itim na Lamborghini ang huminto sa aming harapan, tumatakip sa mga taong nais makiusiyoso sa mga nangyayari. Pinasakay ako ni Akira sa loob at agad ko naman itong sinunod. "Let's go," utos ni Akira sa kanyang driver. Nagsimula namang umandar ang sasakyan at mabilis kaming lumayo mula sa lugar na iyon. Tumama ang aking mata sa side-mirror ng kotse at nakita ko si Adrian na nakahabol ng tingin sa amin. Nanatili siyang nakatayo roon na animoy hindi pa rin mahanap ang sarili. *** "Saan kita ihahatid?" pagputol ni Akira sa katahimikan naming dalawa. Nanatiling nakasandal ang aking ulo sa salamin ng bintana. Minamasdan ko ang mga sasakyan na aming nakakasalubong. "Kahit saan. Ayoko munang umuwi," maiksi kong tugon sa kanya. Narinig ko naman ang buntonghininga ni Akira bago ito muling magsalita. "Let's go home," utos ni Akira sa kanyang driver. Agad akong napalingon sa kanya dahil sa kanyang sinabi. "Dadalhin mo ako sa bahay mo?" tanong ko. "Wala ka namang choice, hindi ba? Wala rin akong alam na ibang lugar kaya samahan mo na lang ako." Mariin akong napalunok dahil sa kanyang sinabi. Ito ang unang pagkakataon na makabisita ako sa bahay ng isang lalaki at classmate, pwera lang kay Shane. Kahit si Adrian, hindi pa rin ako nakakapunta sa kanila. Bumuntonghininga ako at tumahimik na lang. Masiyado akong pagod upang makipagtalo pa sa kanya. Hinayaan ko na lang siya sa mga bagay na nais niyang gawin. *** HINDI umabot ang isang oras ay nakarating na rin kami sa bahay ni Akira. I can say that he is really a gold tier student dahil sa estado ng buhay niya. Nanatili lang akong nakatingin sa bintana habang minamasdan ang malawak na hardin at sa gitna ng hardin na ito ay may malaking fountain. Umikot kami sa fountain na iyon at maya-maya lang, kaharap na namin ang isang two door entrance. Tumigil ang sinasakyan namin dito at isang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto ng aming sasakyan. "Welcome home, young master," saad ng matandang nakasalamin at nakasuot ng suit. Tumama ang tingin niya sa akin kaya agad akong yumuko upang magbigay respeto. "M-Magandang umaga po," saad ko. "May kasama po pala kayong kaibigan," muling wika ng matanda. Hindi sumagot si Akira, bagkus ay lumabas siya ng sasakyan at nagulat na lang ako nang hawakan niya ang aking kamay, dahilan upang mahila niya ako palabas. "Nandiyan ba sila mommy?" tanong ni Akira. "Yes, young master. Nasa living room sila ngayon." "Good! Hindi naman ako magtatagal," malamig na tugon ni Akira saka lumakad papasok sa loob ng bahay. Hindi naman ako madalas mamangha sa bahay ng iba ngunit kakaiba ang bahay nila. Sa paglibot ng aking paningin, maraming painting sa paligid at tila mga musician ang mga ito. Marami ring figurine at bulaklak sa loob ng bahay. Para na nga itong garden sa dami. "Mom, what is it this time?" Natigilan ako sa mga bagay na iniisip nang magsimulang magsalita si Akira. Noon ko lang napagtanto na nasa living room na pala kami. Isang malawak na sala na may fifty inches na TV at Lshape na sofa. "Finally umuwi ka rin, k**i," saad ng mommy ni Akira. Kasalukuyan siyang nasa harap ng kanilang tv rack at tila may hinahanap sa isa sa mga cabinet na nandoon. Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang k**i. Saan ko ba narinig ang pangalang iyon? "Ma! Stop calling me that!" inis na wika ni Akira. Impit na natawa ang mommy ni Akira, saka ito tumayo matapos kunin ang isang brown envelope na nasa loob ng cabinet. Humarap siya sa amin at maya-maya lang, napatingin siya sa 'kin. Agad ko namang tinanggal ang kamay ni Akira na nakahawak sa aking kamay. "May kasama ka pala? Sino 'yang magandang babae na 'yan?" "G-Good morning po. Ako po si Yumi," pagpapakilala ko saka bahagyang yumuko. Tila excited naman na naglakad ang mommy ni Akira patungo sa aking kinaroroonan. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang aking kamay at tila tuwang-tuwa na makita ako. "Girlfriend ka ba ng anak ko? Oh my gosh! All this time akala ko talaga introvert tong batang to!" saad ng mommy niya. "H-Ha? H-Hindi po, tita. Classmate niya lang po ako." "Ano ka ba, hija. Doon na rin papunta 'yon. Alam mo bang ikaw palang ang unang babaeng–" "Ma, tama na nga iyan!" Mabilis na inangkla ni Akira ang kamay niya sa kanyang ina, saka ito hinila sa sofa at pinaupo rito. Kinuha ni Akira ang envelope na hawak ng mommy niya. "Ito lang ba? Ibibigay ko ito kay Tito Jaewon, tama?" saad ni Akira. "Ito naman masiyadong nagmamadali. Kikilalanin ko pa tong girlfriend mo, eh." Akmang tatayong muli ang kommy ni Akira nang mabilis na lumakad si Akira patungo sa aking kinaroroonan. "Hindi na, ma. Aalis na rin kami," aniya. "Wait lang! By the way, Yumi. Tawagin mo kong Kathleen. Mommy Kath na lang," nakangiting wika ng mommy niya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nakaramdam ako ng tuwa nang makilala ko siya. Pakiramdam ko ay napakagaan niyang kasama at mabait na tao ang mommy ni Akira. "Sige po, Mommy Kath," tugon ko naman saka ngumiti. Muli pa sana akong magsasalita nang agad akong hilahin ni Akira at wala na rin akong nagawa. "Visit us again, Yumi!" pahabol pang sigaw ng mommy ni Akira. Hindi na rin ako nakasagot pabalik dahil malayo na kami sa kinaroroonan ni Mommy Kath. Sa paglabas namin ni Akira sa pinto, mariin akong napapikit nang tumama ang aking ilong sa likod niya dahil sa bigla niyang paghinto. "Hoy! Ano bang–" "Dad." Natigilan ako sa aking sasabihin nang marinig ko ang seryoso at malamig na boses ni Akira. Sa pagtaas ng aking ulo, tumama ang aking tingin sa isang lalaking ngayon ay nasa aming harapan. "Si Raven?" wala sa sariling kong pagbanggit. Tumama ang tingin sa akin ni Sir Raven dahil narinig niya ang aking sinabi. "Kilala mo ko?" tanong niya na may kaparehong tono ng tinig ni Akira. "O-Opo, kayo po 'yung sikat na singer noon at ngayon ay president na ng The Filipino Society of Composers, Authors and Publisher. I always listen to your song, Sir," sunod-sunod kong saad habang excited na nakatingin sa kanya nang diretso. "Actually I'm a fan po," muli kong wika. "Oh. Marami kang alam, ha? Who is she, Aki?" tanong ni Sir Raven kay Akira saka tumingin dito. "You don't need to know," malamig na tugon naman ni Akira. Muli niyang hinawakan ang kamay ko, saka hinila palabas ng pinto. "You never change. You're just the same as me when I was young," rinig kong bulong ng daddy ni Akira habang nakangiti at umiiling. Hindi naman na iyon pinansin pa ni Akira at pumasok na kami sa kotseng sinakyan namin kanina. "How annoying!" iritableng wika ni Akira habang binabaybay na naming muli ang kalsada. "Bakit mo naman kinausap nang ganoon ang parents mo?" panimula kong tanong. "I just talk to them like that because I don't like drama." "Kahit na–" "But I love them." Natahimik na lang ako nang marinig ang sinabing iyon ni Akira. Hindi ko akalaing may soft side rin pala siya at siya ang tipo ng taong mahilig magtago ng emosyon. "Oh. Ba't ngingiti-ngiti ka diyan?" iritable niyang tanong. "Wala lang," tugon ko saka impit na tumawa. Sinandal ko ang aking ulo sa headrest ng kotse, saka nakinig ng musica gamit ang aking earphone. Kala ko talaga ay masisira na ang araw ko. Hindi ko akalaing mapapangiti pa rin ako matapos ang isang masakit na pangyayari. Thank you, Aki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD