-
Labis na sakit ang naramdaman ni Cristine nang mabalitaang pumanaw na si Dexter na kaniyang childhood friend.
Pagkalipas ng ilang taon, lumuwas si Cristine sa syudad upang doon mag-aral sa kolehiyo. Iisang anak lamang siya kaya napaghandaan ng kaniyang mga magulang ang pagpasok niya sa malaking Unibersidad.
Isang gabi, habang nagbibisikleta ito sa parke ay may nakita siyang bagay na pamilyar sa kaniya. Ito ay ang laruang kotse nila ni Dexter. Lumapit siya sa laruang kotse at tinignan ang ibaba kung may nakaukit ditong pangalan n'ya at ni Dexter. Napatulala na lamang siya nang makumpirma na ito nga ang laruan nila ng kaniyang childhood friend. Napabitaw ito sa pagkakahawak sa laruang kotse nang umikot ang mga gulong nito. Laking gulat niya nang may dalawang lalaki ang patakbong papalapit sa kaniya. Nakasuot ang mga ito ng black pants at jacket. Kinuha niya ang laruang kotse at inilagay sa basket sa harap ng kaniyang bisikleta. Mabilis itong nagpidal. Kinakabahan siya dahil nabalitaan niyang may mga kidnapper ang gumagala sa kanilang lugar.
Gabi na at halos wala nang maaninag na tao si Cristine. Hindi pa rin siya tinatantanan ng mga lalaking 'yon. Takot na takot na siya. Ilang saglit pa, sa sobrang bilis ng kaniyang pagpidal, nawalan ito ng balanse at hindi na makapreno. May itim na kotse ang makakasalubong niya. Alam na niyang mababangga siya sa kotseng iyon. At sa isip niya, ito na siguro ang katapusan niya. Napapikit na lamang siya nang masilaw sa liwanag ng ilaw ng kotse.
Dito na nga lang ba matatapos ang buhay ni Cristine?
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.