Pagkadilat ko ng mga mata ko, alam kong wala ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nakatitig lamang ako sa kisame at hindi makagalaw. Napahawak ako sa ulo kong nakabenda nang matandaan ang nangyari.
"O-ouch"
Inikot ko ang panginin ko subalit labis ang aking pagtataka. Wala ako sa hospital. Isa lamang itong malaking kuwarto na may iilang gamit pang hospital.
Gusto kong tumayo pero marami akong natamong sugat at hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko.
Ilang saglit pa, narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya nagtulog-tulugan ako.
"Is she alright?" Boses lalaki ang nagsalita. Gusto kong dumilat pero kinakabahan ako.
"Yes sir." Tipid na sagot ng babae.
Pano ba ako makakatakas dito?! At isa pa, sino ba sila? Sila kaya yung nakabangga sa akin? O di kaya, mga tauhan nila yung dalawang lalaki na kidnapper? Naku! ano nang gagawin ko? Mukhang kakatayin nila ako!
Pinakinggan ko pa ang kuwentuhan nila.
"Tawagan mo 'ko kapag gising na siya. Wag na wag mo siyang hahayaang makaalis." M*therfvcker! Ayaw nila akong makatakas. Ano bang kailangan nila sa 'kin? Puso ko? Atay ko?
"Noted sir." Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya dali dali kong minulat ang mga mata ko.
Paano ako makakatakas e hindi ko nga maigalaw ang katawan ko. Paano na? Katapusan ko na ba talaga? Ayoko pang iwan ang mga magulang ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Iginalaw ko ang mga paa ko. Kahit namimilipit ito sa sakit, sinubukan kong tumayo. Inalis ko lahat ng naka-tape sa kamay ko.
Dahan-dahan akong naglakad. Lumapit ako sa dingding nang sa gayon ay may makapitan ako. Nasa pinto na ako nang bigla ito bumukas. Oh s**t! Kamalasan talaga!
Nagtago ako sa likod ng pinto. Lalaki yung pumasok at gulat na gulat nang makitang wala ako sa kama. Tumalikod ako dahil siguradong makikita niya ako.
"What the- what are doing there?!" Sa tono ng boses niya mukhang galit ito. Ayokong humarap!
Sinubukan kong tumakbo pero bigla akong natumba. Naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin
"What are you doing? Hindi mo pa kaya." Ipinatong niya ang braso ko sa balikat niya at inalalayan akong makatayo. He's wearing black pants at white shirt and he's tall. Kaya kaagad na sumagi sa isip ko na siya yung isa sa mga humabol sa akin.
Napatitig ako sa mukha niya. Ang gwapo niya. Gwapong kidnapper!
"P-please let me go!" Sinubukan kong alisin ang pagkakapatong ng kamay ko sa balikat niya pero bigla niya akong hinawakan sa bewang.
"Ang kulit mo! Hindi pa nga kaya ng katawan mo." Wala na 'kong ibang nagawa kundi... Kagatin ang braso niya.
"s**t!" Imbis na bitawan niya 'ko, hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak sa bewang ko.
"What the hell are you doing?!" Ang bilis ng t***k ng puso ko. Sobrang lapit ng mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko. Kung hindi ka lang kidnapper, magkakagusto ako sa 'yo.
Umiwas ako ng tingin. "O-obvious ba? E di tumatakas ako!" Nagpupumilit pa rin akong makawala sa pagkakahawak niya sa 'kin.
"Why? Hindi naman ako masamang tao." Aniya.
"Hindi masamang tao pero bakit ninyo ako kinidnap?! Ano bang gusto niyo? Yung puso ko? Atay ko? Lungs?"
"Hindi pa 'ko handa para mamatay please let me go." Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko.
"Huh?!" Bigla siyang natawa sa mga sinabi ko. Aba siraulo pala ang isang 'to!
"Iniisip mo na kidnapper kami? Why? Mukha ba akong kidnapper sa gwapo kong 'to?" Inilapit na naman niya ang mukha niya sa mukha ko kaya bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko.
"B-bakit h-hindi ba?! E hinahabol ninyo ako k-kahit wala naman akong ginagawang m-masama!" Inilayo ko ang mukha ko. Nakakailang ang lalaking 'to!
"Whuut? It's not me! Hindi ako kidnapper at mas lalong hindi ako ang humahabol sa 'yo."
Nagsimula siyang maglakad kaya ako rin. Inalalayan pa rin niya ako hanggang makabalik ako sa kama. I was wearing white plain dress kaya mukha talaga akong pasyente.
Dahan-dahan akong umupo sa kama.
"These two are the real kidnapper." May kinuha siyang picture sa bulsa niya at ibinigay sa akin.
"So kilala mo sila?" Nakatitig ako sa picture na hawak ko.
"Yes. Dalawa lang sila sa mga kidnapper dito. And thanks to you. Nahuli sila." Aniya at umupo sa tabi ko. Ibigsabihin ba no'n e marami pala talagang kidnapper dito sa lugar namin?!
"Why you pick up my toy car?" Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig din siya sa hawak kong picture.
Tumingin ako sa kaniya.
"Why not? That's my toy car."
"Your? What do you mean?" Kita ko sa mukha niya na takang taka siya.
"Why do you want to know? Where's the toy car?" Nagsimula na akong humiga nang dahan dahan. Ngayong alam ko nang hindi sila yung kidnapper, matutulog muna ako. Nanghihina na talaga ako.
"Okay. You sleep first. Then after, answer all my questions okay?" Tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama.
"The toy car is in the safe place. Don't worry." Mabilis akong nakatulog at hindi ko na namalayan ang pag-alis niya.
_____
Nagising ako sa sobrang gutom. Namimilipit ang tiyan ko. Argh! Mukhang wala silang pagkain na iniwan para sa 'kin.
Umupo ako. Hinimas-himas ko pa ang tiyan ko. Gutom na gutom na talaga ako.
"Hindi ko na talaga kaya. Lalabas na ako dito." Bulong ko sa sarili ko at nagsimula nang maglakad. Mas maayos na akong nakakalakad ngayon kumpara kanina. Hindi ko na kailangan ng dingding.
Papalapit pa lang ako sa pinto, pumasok na naman yung lalaki.
"Shit.." napapikit na lang ako. Here we go again.
"Where are you going? Tatakas ka na naman ba?" Lumapit siya sa akin at inalalayan ako. Biglang nag-ingay ang tiyan ko kaya napahawak ako rito.
"Oh, you're hungry." Bigla niyang hinimas ang buhok ko.
"Don't touch my hair!" Inialis ko ang kamay niya na nakapatong sa ulo ko.
"Let's go outside. Let's eat and I think you need fresh air."
__________
Malaki pala itong bahay niya. Hindi naman mukhang mansion. Malaki lang. Malawak sa loob at sa labas, may garden. Doon kami tumungo. May lamesa't upuan. Fresh air nga at ang sarap sa pakiramdam.
Inalalayan pa rin niya ako hanggang sa pag-upo. He's very kind and handsome. Sigurado akong maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya.
"Beatrice come here!"
"Yes sir?" May dala itong dalawang baso ng tubig. Ito yung babaeng kausap niya kanina. Hindi kaya ito ang asawa niya? Ang ganda niya. Matangkad, maputi, at makinis. Pero bakit sir ang tawag niya dito sa lalaking 'to?
"Yung paborito ko, thank you."Inilapag ng babae yung mga baso at umalis kaagad. Uminom yung lalaki.
"Asawa mo yon?" Pag-uusisang tanong ko. Nabilaukan siya at muntik nang mailuwa yung tubig na iniinom niya.
"S-sorry sa tanong ko." Napayuko ako sa sobrang kahihiyan.
"No! She's my assistant. I'm just 25 and she's 45!" Wow. Mukha siyang 30 years old.
"Age doesn't matter." Ngumiti ako ng tipid.
"Are you serious? Sa tingin mo ba papatol ako sa kasing edad ng nanay ko?" Nakatitig lang siya sa akin ng diretso.
Napaiwas ako ng tingin. Bwisit. Nakakahiya.
"W-why are you mad? I'm just asking." Napayuko ako at nilaro ang mga daliri ko.
"I'm not mad. How about you? How old are you?" Nakatitig pa rin ito sa akin.
"I'm just 19. And still studying." Kinuha ko yung baso na may tubig at ininom ito.
"Good. Are you studying hard? Do you have boyfriend?" Bakit kailangan niya pang itanong mga 'to. Kung umasta to parang magulang ko ah.
"Yes I'm studying hard. Wala akong boyfriend since birth pero may crush ako kaso hindi na siya nag-eexist sa mundo." Naalala ko ang childhood friend ko. Si Dexter. Gusto kong umamin noon sa kaniya na may gusto ako sa kaniya. Pero ayokong masira ang pagkakaibigan namin kaya itinago ko na lang ang nararamdaman ko.
Noong nagkaroon na ako ng lakas na loob para umamin, saka naman siya nawala.
"Hindi nag-eexist sa mundo? Cartoon character ba 'to?" Muntik ko nang mailuwa sa kaniya ang iniinom kong tubig. Buti nalang natakpan ko kaagad ng kamay ko.
"Hindi! Ang ibig kong sabihin, wala na siya sa mundo. Nasa langit na siya." Palihim akong tumawa.
"Oh I see. So may gusto ka sa mga multo. Kakaiba ka." Matatawa ba ako o maiinis?
"Thank you pala kasi iniligtas ninyo ako." Sabi ko.
"The toy car has a hidden camera connected to my phone so I reached out you." Aniya.
"BTW, I'm Denver Isais. And you are?" Itinuro niya pa ako habang nakapatong ang siko niya sa mesa.
"Cristine Millare Santos." Tipid kong sagot.
"You are Dexter's childhood friend?!" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"Yes! He's my friend since elementary. At yung toy car, sa amin yon." Napahawak siya sa kaniyang ulo.
"What a small world. Dexter is my younger brother."