"What a small world. Dexter is my younger brother." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nakatitig lamang ako sa kaniya. Hindi ko alam na may nakakatanda palang kapatid si Dexter. Ang buong akala ko, nag-iisa lang din siyang anak tulad ko.
"Nice to meet you Cristine. I'm glad I totally found you." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Bakit? Hinahanap ba niya ako?
"Nice to meet you too. Hindi naikwento sa akin ni Dexter na may kapatid siya." Masyado siyang pormal kaya inilahad ko rin ang aking kamay para makipagkamay sa kaniya.
"Bakit you're glad because you totally found me? Hinahanap mo ba ako? Why?" Pagtatakang tanong ko.
"Lagi kang kinukwento sa akin ni Dexter. He said, you are very kind. He's very thankful kasi naging kaibigan ka niya. At ikaw daw ang nagpapasaya sa kaniya. Andami niyang kinukwento about sa 'yo. Mukhang hindi lang kaibigan ang tingin niya sa 'yo. Sa tingin ko e may gusto si Dexter sa 'yo." Ayaw mag proseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Dumating na rin si Beatrice na may dalang tray na may dalawang mangkok.
"Hey, don't be sad. Let's eat." Napayuko kasi ako sa mga sinabi niya. Huling huli na talaga ang lahat. Kung totoo man na may gusto sa akin si Dexter, bakit hindi niya sinabi? Siguro natatakot din siya tulad ko. Bakit ba kasi siya nawala pa sa mundo!
Inilapit niya sa akin ang mangkok na may lugaw.
"That's my favorite. Masarap 'yan." Sumubo na siya.
"Denver? E-este kuya Denver..." Ang pangit naman pakinggan kung Denver lang. Mas matanda siya sa akin ng anim na taon at isa pa, may respesto ako sa mga nakakatanda sa akin.
"Haha, Just Denver." Nakangiti siya. Yung ngiti na ngayon ko lang napansin. Kahawig niya si Dexter kapag nakangiti. I miss him so much.
"Why? What do you want to ask?" Patuloy siyang lumamon na para bang mas gutom pa siya sa akin.
"Dexter never talked about you. Why? Lahat kinukwento niya sa akin. Nabigla ako kasi sabi mo kapatid mo siya." Nagsimula na rin akong sumubo.
"Are you sure na lahat ng kinukwento niya sa 'yo e totoo? Baka nga wala pa sa kalahati ang totoo ro'n." Napatigil ako sa pagsubo.
"W-what do you mean?" Litong lito na ako sa mga nangyayari.
"Yung mga alam mong magulang niya, hindi namin totoong magulang yon. Yung sakit niya sa puso, hindi rin totoo yon. At mas lalong..." Napatigil din siya sa pagsubo.
"What?" Tumitig ako sa kaniya. Kinakaban ako. Sa tono ng pananalita niya, malungkot siya.
"Hindi totoo na inatake siya sa puso. Alam kong hindi! Kahit sabihin pa nila, alam kong nagsisinungaling sila. Kilala ko si Dexter. Hindi-hindi siya magsisinungaling sa akin. Walang sakit sa puso ang kapatid ko. Tapos sasabihin nila wala na siya kesyo inatake raw sa puso?! What the-" Alam kong galit na galit na siya.
Inabutan ko siya ng tubig.
"Kalma ka lang. Baka ikaw atakihin sa puso." Tinanggap niya ang tubig at ininom.
"Lahat pala ng kinukwento ni Dexter sa akin tungkol sa pamilya niya, hindi totoo? Isang araw nabalitaan ko na lang na wala na siya. Pumunta ako no'n sa bahay nila. Pinakita ng mga magulang nila yung jar. Abo daw iyon ni Dexter. Kahit nagtataka ako, pinagkatiwalaan ko ang mga magulang niya. Naniwala ako sa lahat ng sinabi nila."
"Kahit masakit, tinanggap ko. Tinanggap ko na wala siya. Tinanggap ko na lahat. " Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
"Pero hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko ngayon. Litong lito na ako." Napayukom ako ng mga kamay ko at patuloy pa ring umiiyak.
" Ang sabi niya sa akin, tulungan ko raw siya kung paano umamin sa 'yo na gusto ka niya. Natawa ako kasi first time niyang sabihin sa akin yon at hiyang hiya pa siya. Sinabi ko lahat ng gagawin niya. Gabi non, nagmessage siya sa akin. Ang sabi niya 'Kuya, take care of Cristine. Hindi ko alam kung magkikita pa kami... Ikaw na ang magsabi kung gaano ko siya kagusto. She's my happiness. Without her, my life will be full of sadness. Goodbye Kuya Denver. I love you'. " Tuluyan na ring tumulo ang kaniyang mga luha.
"Nasa labas ako noong gabing yon. Naiwan ko ang selpon ko sa bahay. Huli na nang mabasa ko ang messages niya dahil sabi ni Tito at Tita, wala na siya."
"Walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko sa nagyari sa kapatid ko. Kung hindi ko lang hinayaan ang mga magulang ko na ipaampon siya sa dalawang yon, e di sana walang nangyaring masama sa kaniya.
"Nung una, naniwala ako na inatake nga siya sa puso. But when I saw his toy car with a drop of blood , hinding hindi ako naniwala na inatake siya sa puso. Lagi niyang dala dala ang kotseng yon. Kaya sigurado akong dugo niya 'yon! Kahit itanggi nila, alam kong may alam sila. Alam kong may tinatago sila."
_________
Kinabukasan, hindi pa rin maayos ang kalagayan ko. Nagmessage ako sa mga magulang ko na ayos lang ako. Hindi nila alam na muntikan na akong kidnapin. Nagmessage din ako sa mga kaibigan ko na hindi ako makakapasok ng dalawang araw. Ang sinabi ko na lang e umuwi muna ako ng probinsya dahil binyag ng pinsan ko.
Tatayo na sana ako sa pagkakahiga sa kama nang bumukas ang pinto.
Si Beatrice. May daladalang damit.
Iniabot niya sa akin ang mga damit at pinapili ako kung ano ang gusto kong suotin.
Lahat ay simpleng mga dress. Pinili ko iyong kulay light violet na longsleeve at hanggang tuhod. Ito lang kasi yung pinaka komportableng suotin sa lahat ng pinakita niya.
Pero noong humarap na ako sa salamin. Ngayon ko lang napansin na bagay pala sa akin ang magdress. Never pa akong nakasuot ng ganitong kagandang damit.
"You are very beautiful." Nakatingin sa akin si Beatrice.
"Lets go outside. Sir Denver is waiting." What?! Anong waiting? Anong meron?!
"Bakit po? May pupuntahan ba?" Takang tanong ko.
"I don't know. Sabi lang niya pasuotin kita ng magandang damit at pababain kaagad."
"Sige una na ako. May gagawin pa kasi ako." Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto.
Ako naman, eto natataranta. Lalabas ba ako? Ugh! Wag na nga.
Lumapit ako sa bintana. Pinanood ko na lang ang mga ibon na malayang lumilipad. At napatingin ako sa langit.
"Hay, Dexter. Hindi ko na alam kung ano ba talaga nangyari sa 'yo. Alam mo ba na miss na miss na kita." Nakatitig pa rin ako sa langit. Nang biglang may tumawag sa pangalan ko mula sa baba.
"Cristine! Bumaba ka na diyan!" Si Denver! Nakatingala ito at mukhang galit. Kaya bigla akong yumuko at nagtago.
"P-pano na 'to?!" Hindi ko alam kung bakit ko siya tinataguan. Basta kinakabahan ako kapag kasama siya.
Ilang minuto pa ang tumagal at hindi ko naisipang bumaba.
"Cristine? Bakit antagal mo?" Narinig ko siyang kumatok.
"Ah... Eh..." Pano ba 'to? Bakit ba kasi ako nagtatago.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto.
"You're looking good." Nakatitig siya sa akin. Hindi ako makagalaw. Ano ba kasing tinitingin tingin niya?!
He was wearing black pants as usual. And then white shirt with longsleeve polo on the top.
Bigla kong isinara ang pinto. Naiilang na 'ko sa mga tingin niya.
"Why Cristine?!" Kumatok katok pa ito.
"Don't look at me like that!" Sigaw ko.
"What?! I just looking at your dress. That dress is my own design." Tiningnan ko pa ulit ang sarili ko sa salamin. He's good designer.
Binuksan ko na ulit ang pinto na may kahihiyan sa mukha.
"You're so funny and cute Cristine. Alam ko na kung bakit ka nagustuhan ng kapatid ko." Ayan na naman yung ngiti niya.
"Sa'n ba kasi tayo pupunta?"
"Let's use your bike. Mag-iikot tayo sa park. You need fresh air." Aniya.
"Lumabas ka na diyan." Bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at hinila ako palabas.
"Sakay na." Pinunasan niya pa gamit ang kamay niya iyong likod ng bike ko kung saan ako uupo.
Siya ang nagpipidal.
Hindi ako masyadong nakakapit sa kaniya. Ayokong isipin niya na gusto ko siyang yakapin.
"I will treat you an ice cream." Aniya habang dahan dahan siyang nagpipidal.
"Bakit anong meron?" Mukhang nasa park na kami dahil puro damo ang nakikita ko at mga upuan. At isa pa, mukha naman talaga itong parke.
"Wala, I just want to treat you kasi naging mabuting kaibigan ka sa kapatid ko." Napangiti ako.
Binilisan niya ang pagpipidal. Ilang saglit pa, biglang may pusang dumaan kaya napreno niya nang napakalakas. Kaya naman bigla akong nauntog sa likod niya.
"Ouch!" Hinimas himas ko pa ang noo ko.
"s**t! That cat!" Sigaw niya.
M*therfvck! Bigla siyang humarap sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at magkalapit na sobra ang mukha namin.
"Are you okay?!" Hindi ko maintindihan. Nakikita ko sa mga mata niya ngayon ang pag-aalala. He's very handsome. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko maiwas ang titig ko sa mga mata niya.
Parang huminto lahat. Antahimik. Nakatitig lang kami sa isa'isa.
Ibinaba niya ang kamay niya papunta sa mukha ko hinawakan niya ito.
Feeling ko naririnig niya ang pagtibok ng puso ko. Pabilis pa ito nang pabilis. Inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. Ako naman eto, hindi na makagalaw.
Papalapit pa ito nang papalit. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.
"Ang cute cute mo talaga." Bigla niyang kinurot ang magkabilang pisngi ko.
Tangina?