Chapter 2 Caught

1225 Words
Kinsley Pov Nagising ako sa sinag ng araw at sobrang sakit ng katawan ko. Napaupo ako at napagtingin sa paligid ko. Sari-saring mga hayop ang nasa paligid at nakatingin s'aking pagising. Napaharang ang kamay ko sa itaas dahil nakakasilaw ang liwanag ng araw. Pinilit kong bumangon at napangiwi ako dahil biglang sumakit ang tagiliran ko. Aaaaaarrrrrrggghhhh.... May naka tusok na sanga ng kahoy sa tagiliran ko. "Uuuurrrrgghhhhh.... Grandma... Hellllppp..". Tanging sigaw ko at binigla ang bunot dito. Bigla naman ako napatahimik sa pinakawalan ng bibig ko. Bigla akong naiyak at napasandal sa puno habang nakatingala sa langit. Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha ang halamang gamot na lampunaya sa gilid ko, saka pinatulo ang katas sa sugat ko. Nagpunit din ako ng panali sa damit ko gamit ang hunting blade saka itinali sa bewang ko. Nag pahinga ako ng malalim sa ilang sandali at pinilit kong tumayo. Nag lakad ako pabalik sa kubo. Kahit sobrang sakit ng tagiliran ko ay pilit kong inuusog ang mga paa ko. "Uuuuuurrrgghhhhhhhh.... Bakit???? Kasalanan ko lahat!!! ". Malakas na sigaw ko nang makarating ako sa kubo. Hindi mapinta ang sa mukha ko ang hapdi ng nararamdaman ko. Dahil ang kubo ay abo na lahat, mga magagandang ala-ala ko ay kumupas na. Mula sa kinakatayuan ko ay kitang-kita ang Magnus Academy ang lugar ng masasamang tao. Gusto kong pasabugin ang lugar na'yon kumukulo ang dugo ko ngaunit hindi ko rin magawang magalit. Nasasaktan nalang ako ng sobra. "Grandma sorry po, sorry po please. Hindi ko po sinasadya." Tumulo ang luha sa mga mata ko. Lumuhod ako sa lupa at nagbigay pugay sa tapat ng kubo bago ko ito lisanin. Naglalakad-lakad ako at nag-iisip, ngayong alam na ng mga dark abyss na may natitira pang millanian dito sa labas, paniguradong hahanapin nila ako. Napaupo ako sa kahoy at pinisil-pisil ng bahagya ang ilong ko. Nakaramdam ako ng gutom at nakita ko ang isang usa na kumakain ng damo. Agad kong hinanda ang palaso ko at itinutok sa usa. Unti-unting dumungaw ang ulo nito sa direksyon ko kaya hindi ko tinuloy. Lumapit ang usa sa pwesto ako dinilaan ang mukha ko. Niyakap ko ito at umiyak ulit ako. "Sorry." mahinang boses na pinakawalan ko. Kumilos ako at nag hanap ng gulay at prutas. Napadpad ako sa ilog nag refill ako ng tubig at uminom na parang uhaw na uhaw. Malapit na ulit mag dilim kaya naghanda ako nang makakain ko. Nasa gitna ko ang apoy at pinaglalaruan ko ito. Pinapalakas at pinapahina ko. Kumain ako na akala mo ay isang linggong hindi nakakain. Pagkatapos ko ay ininit ko narin ang iba kong sandata. "Kinsley..Hanapin mo siya". Bulong ng hangin. "Sino yan?" Bigla akong napapulot ng hunting blade at nakaaktong dipensa. Wind whistling. Napapatingin ako kahit saan. "Sino ka? magpakita ka." Sigaw ko ngunit nawala na bigla ang lakas nang ihip ng hangin. Napabuntong hininga ako at iniligpit na ang mga gamit ko. Naghanap ako ng matutulugan at naisipan kong sa itaas ng puno matulog. ------------------------ "Hanapin niyo siya!!". Malakas na boses mula sa di kalayuan. Bigla akong nagising at umalarma upang mag tago sa mga sanga. Pinagmasdan ko sila mula sa itaas hanggang sa makalagpas sila sa puno kung san ako ngayon. Hindi ako pwedeng mag tagal dito, bumaba ako ng puno at dahan-dahan umalis para makalayo. Hindi parin ako makatakbo ng maayos dahil sa sugat ko. Pero isa lang ang nais ko ang makalayo sakanila kahit ano man ang mangyari. Takbo lang ulit ako nang takbo ng bigla akong bumagsak. Tinamaan ako ng dark magic sa dibdib at hindi ako nakahinga. "Tatakas kapa ha? Hahahahhahaa". Narinig kong nag tawanan sila. Hindi ko maaninang yung mga mukha nila dahil nandidilim ang paningin ko. "Kahit san ka mag punta, saamin parin ang bagsak mo hahahahahaha." mas lumakas ang mga tawa nila. Ang alam ko lang ay marami sila. Tanging ungol lang ang nasasabi ko dahil hilong-hilo ako at naninilim ang mga paningin ko kaya ipinikit ko nalang. ------------------- Unti-unti akong nagkamalay, ramdam ko na hinihila ang katawan ko habang may dalawang nakaalalay s'akin. Pababa at paikot na hagdan ang aming dinadaanan. Medyo blurry padin ang paligid ngunit madilim. Tangin mga torch lights lang ang nagbibigay ng ilaw sa dinadaanan namin. "Nasaan ako?". Nanghihinang tanong ko. I am very weak this time. I can't even move my fingers because of tiredness by running along the forest to break free from them. Hindi nila ako pinapansin at tuloy-tuloy lang sila sa pagbuhat sakin. I heard a gate opened and they throw me inside like a trash. "Uuurrgghhh!!" Sigaw ko dahil yung sugat ko ay hindi pa magaling. Nakaposas ang mga kamay ko kaya wala rin akong magawa. Ang init dito sobrang init para akong sinusunog sa impyerno. Buhay pa ako ngunit ranas ko nang parang sinusunog sa apoy. Kinapa ko ang katawan ko ngunit wala na ang mga armas ko. "Aarrrghhhh!!! Nasaan ang mga gamit ko?" Sigaw ko. Ngunit walang sumasagot ang mga bantay ay mukhang estatwa na hindi gumagalaw. Tuloy lang ang pag wawala ko. Kahit alam ko sa sarili ko na wala nakong natitirang lakas. Sinubukan ko gumamit ng light break ngunit ayaw gumana, kahit umilaw manlang ang kamay ko ay hindi wala talaga. May dark magic sa posas na to kaya hindi ko masira-sira. "Ilabas niyo'ko dito. Aaaarrrrrggghhh!!!!". Nakakaawa kong boses. Dinadalaw ako ng antok dahil mas lalo akong nanghina sa pagwawala ko na hindi naman napapansin ng kahit na sino. Pahulog nako sa kaantukan nang may narinig akong mga lakad na papalapit sa direksyon ko at mga shadow nila na papalapit sa selda ko. Hindi rin ako makakilos dahil hinang-hina talaga ang katawan ko. Wala na kahit boses tanging mata ko nalang ang nakadilat at naliligo sa sarili kong pawis. Bumukas ang selda ko at isang malaking tao na may dalang sulo ang pumasok sa selda at may dalang pagkain. Inilapag niya ang pagkain sa harap ko at ngumisi. I saw his face wearing and demonic smile. I gritted my teeth and squished my hands because of pain I felt. My tears started to fall on my cheeks. "W-wala kayong k-konsensya". Nawawala-wala na tinig ng boses. I really really want to stab his chest a million times like how they framed my grandma and died in their arms. But why I can't? I am very very angry but my heart says "Don't". Why I am always be like this? I know I'm angry, my mind says I'm angry, but what I felt on my heart is just a pain. My heart says I'm in pain and not anger. Why God? Please give me an answer. Paulit-ulit bumabalik sa isipan ko ang nangyare n'ong nakaraang gabi. Tahimik na tumutulo ang mga luha habang naka titig sa mga mata nito. "Napaka inosente mo, walang bahid ng galit. Kawawa ka naman. " sabay nag bitaw ng nakakalokong tawa at tumalikod na palabas ng selda. Anong sabi niya? Eh! Galit na galit na nga ako. Sino ba ang hindi magagalit sa ginawa nila sa grandma ko? Paanong walang bahid ng galit? Sa maga ng mata ko ngayon dahil sa nangyari sinong hindi magagalit? Sinipa ko ang dala niyang pagkain pagkalabas niya ng selda. Napalingon lang siya ng konti at ngumisi. Wala rin akong balak kumain dahil karne ang inihanda nila sakin. Eh, hindi nga ako kumakain ng karne di'ba? Umiiyak lang ako hanggang sa ako na mismo ang kusang sumuko at tuluyan nakong nakatulog. A/N: Chapter 2 Done hi guys, hope you like this. Don't forget to Vote , Comment and share. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD