Chapter 3 Do or Die

1688 Words
Kinsley's Pov Biglang bumukas ang selda ko at nagising ako bigla. Hinila nila ako patayo at kinaladkad palabas ng selda. Bawat selda ay may mga bantay. Madilim padin habang paakyat kami sa paikot na hagdan. Sobrang tarik ng hagdan kaya pala hindi nila ako naririnig na sumisigaw dahil sobrang lalim ng underground. Nakalagpas na kami sa matirik na hagdan at dumaan kami sa isang hallway at sa dulo ay may malaking pinto. Bumukas ito at nasilayan ko ang liwanag ng araw kaya napapikit ako. Isang malawak na balkonahe at may hagdan pababa ang bumungad sakin. May kalesang naghihintay sa ibaba at mga bantay. Hawak-hawak parin ako ng mga bantay habang pababa kami sa mataas na hagdan ng balkonahe. Tumigil kami sa harap ng kalesa at may isang mensaherong nag buklat ng parchment paper. "Sa utos ng punong ministro. Ang babaeng ito ay hinahatulan ng pang ikatlong grado sa salang pagpatay sa pinunong guro ng Magnus Academy." tumigil siya at sumilip sakin. Tahimik lang ako at tulala dahil hindi ako makapalag sa kanila. Totoo naman talaga, ako ang pumatay kay grandma kahit baliktarin ko man ang mundo. Nangingilid ang mga luha ko habang nakikinig sa sinasabi ng mensahero. "Gayun paman ang kaniyang parusa ay nag hihintay sa loob ng Magnus Academy." sinarado niya ang binabasa. "Huh??? Hindi pwede, ayoko!!" nagpupumiglas ako pero pinilit nila akong isinakay sa hawla, sa likod ng kalesa at sinara. Lumisan na ang kalesa at naglagbay papalayo sa lugar kung san ako ikinulong. Nakasandal ako sa hawla at napalingon sa pinaggalingan namin. Isang malaking Castillo na gawa sa bato at metal nakakatakot ito kung titingnan sa labas. Ganun din naman kahit sa loob walang pinag bago. Tulala ako dahil naalala ko ang sabi ni grandma sa huwag akong aapak sa lugar nayon at ngayon ay doon kami tutungo. Dahil sa isang kasalanan ay magbabago ang ihip ng buhay ko. Wala talaga akong palag dahil ang mga armas ko ay wala sakin at kahit kapangyarihan ko ay hindi ko magamit dahil sa barrier ng posas. Mahaba ang aming binyahe at nakatulog ako. Nagising ako dahil sa pag alog ng hawla. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang isang napakalaking mala Castillo na dati ay tinititigan ko lang mula sa gubat. Binuksan ng mga bantay ang gate at pumasok ang kalesa. Sobrang tahimik ng lugar na ito hindi mo aakalain na may mga mallian pang nakatira dito. Isang mahabang court yard ang dinaanan namin, at sa dulo ay ang entrance siguro papasok ng academy dahil napakalaking letra ng MAGNUS ACADEMY ang naka sulat. Akala ko ay ihihinto kami sa dulo ngunit lumiko kami sa kalagitnaan ng daan. Pinagmamasdan ko lang ang aming mga dinadaanan. Maya-maya ay huminto kami sa harap ng Arena. Mukha naman walang ganap dahil sobrang tahimik. Bumaba ang mga bantay sa kalesa at binuksan nila ang hawla ko at bumaba ako. Hawak nila ang dalawang braso ko at huminto kami sa harap ng mga bantay ng Arena. "3rd degree murder punishment for Ms. Demi Westley's death." tinulak nila ako sa mga bantay ng Arena at sumaludo sila sa isa't isa. Tahimik lang ako pinasok nila ako sa loob ng Arena. Ganun padin madilim at tanging mga sulo sa pader lang ang nag bibigay liwanag. Nag lalakad padin kami at may nakita akong pinto sa dulo na tila may naririnig akong ingay habang palapit kami ng palapit. Huminto kami sa dulong pinto. "3rd degree murder punishment. Do or Die." sabi ng isang bantay habang at pumunta sa harapan ko. Hindi ko naman maintindihan kung anong Do or Die pinagsasabi nila kaya tahimik lang ako. "Sa oras na ika'y nakapasok sa loob ay hindi na pwedeng lumabas. Mamatay ang sino mang magtatangkang lumabas. Isa lang ang pwedeng matitirang buhay. Kung sino man ang mag wagi ay mapapawalang bisa ang sala at tuluyang makakapasok sa Magnus Academy." tinaggal niya ang posas ko at binuksan ng isa niyang kasama ang gate. Natulala ako dahil sobrang daming wizard at nag sisigawan. Itinulak nila ako sa loob ng Arena at isinara ang pinto. *crowd whistling and cheering* Narinig kong bumukas ang iba pang pinto ng arena at doseng wizards ang nakatayo sa harap ng pinto. Sa gitna ng arena ay may mga armas na iba't ibang klase. Biglang may tumunog na buzzer at nag takbuhan lahat sa gitna. Nakatulala parin ako at tinitignan ang mga kilos nila, malapit na sila sa gitna kaya wala narin akong iba pang nagawa kundi tumakbo nadin papunta sa gitna. Nahuli ako at wala nang natirang armas. May sumuntok sa likod ko at napangiwi ako. Nadapa ako sa lupa at tinutukan niya ako ng palaso. Agad ako umaksyon at sinipa siya sa paa para matumba siya. Agad kong kinuha ang palaso at inutok ko sakanya. Bakit hindi ko kayang bitawan? Nagulat nalang ako ng biglang may tumusok na sa dibdib niya mula sa likod at bumagsak sa lupa. Agad akong kumilos dahil ayoko talagang pumatay. Nanlalambot ang puso ko sa mga nakikita kong nakahandusay. Ganito ang mundo ngayon, Mallians vs. Mallians ang nag lalaban laban. Lahat ay gumagamit ng light magic. Biglang may sumugod sakin at umamba sa likod ko kaya dumipensa ako. Habang dinedepensahan ko ang sarili ko ay naalala ko sinabi ni grandma na "Rule number 1, Never trust anyone." at ang pinangako kong "Balang araw magiging pantay-pantay ang lahat.". Ayaw na ayaw kong mapunta sa lugar na to ngunit nandito nako at buhay ko ang nakataya. Sorry grandma but I have to stay alive para sayo at sa pangako ko. Sasaksakin niya sana ako ngunit nakabunot ako ng pana sa likod at itinusok sa mata niya. Bumangon siya at sumisigaw. Bumunot ako ng isang pang bala at ipinasok sa palaso ko saka tinapos siya sa ulo. Nangingilid ang mga luha ko dahil nagawa ko ang mga bagay na ayokong gawin. Ngunit buhay sa buhay ang nakataya dito. Para narin malinis ang pangalan ko. May humampas sa likod ko ng isang malaking baton at tumalsik ako. "Shit." bigla akong napangiwi at agad bumangon. Nag bala ako tatlong pana at binitawan. Tumama sa ulo, dibdib at paa niya at agad naman siya natumba. Pinulot ko ang Langdebeve weapon niya at inilagay sa lagayan ng pana ko. Apat nalang kaming natitira at sobrang dungis ko na. Labag sa loob ko ang pumatay ngunit wala akong magagawa. Pares-pares kami ng kinalaban. Ang nasa harap ko ngayon ay may dalawang flail knight na hawak. Sumugod siya sakin hinampas ako sa tuhod. "Aaaarrrghhh!!!" tapatingala ako dahil nabalian ako ng buto sa tuhod kaya napaluhod ako sa lupan. Tumingin ako ng masama sakanya at nakangisi lang siya. Sumugod siya ulit at gumamit ako ng light armor para masalag ang hampas ng flail niya. Tinakdyakan ko siya ng sobrang lakas at tumalsik siya ng malayo. Agad siyang bumangon at sumugod sa pwesto ko mabilis siyang tumalon pabagsak sakin at dahil masakit ang tuhod ko ay nagpadulas ako sa lupa at binunot ang Langdebeve sa likod ko saka isinaksak sa maselang parte ng katawan niya. Tumalsik ang dugo niya sa mukha ko. Pag kalagpas ko sa ilalim niya at binubot ko ang bala ng palaso ko at tinira siya sa leeg. Napalingon ako sa dalawang natitira at nag lalaban sila. Isang lalaki at isang batang babae. Nadapa siya sa lupa at sisibakin na sana siya ng Danish Axe ng lalaki ngunit binunutan ko ngisang bala at tinira sa likod. Tumagos sa puso at lumingon sakin saka natumba. Tumayo ang bata at takot na takot lumaban sakin. Tinitingan ko lang siya ng walang emosyon. Lumambot ang puso ko ng makita ko siyang takot na takot na nakatingin sakin. Ayoko siyang patayin hindi ko kaya pumatay ng isang walang kamuang-muang. Lumapit ako sakanya para tulungan sana siya tumayo ngunit bigla siyang bumangon at tumakbo papunta sa gate ng arena. "Wag!!" sigaw ko. Ngunit huli na ang lahat biglang may tumamang Pole-Axe sa ulo niya at napaluhod siya bago matumba. Natulala ako at napatingin sa paligid. Nagsisigawan silang lahat. Tumulo ang luha ko dahil natapos ko ang labang ito. Out of 13 ay buhay ako hanggang sa huli. Nakapatay ako ng apat na buhay para malinis ang pangalan ko kapalit ng isang kasalanang nagawa ko. Pakiramdam ko ay maslalong dumami ang kasalanan ko dahil nakikita ako ang doseng Mallians na walang buhay. Hindi ko alam kung tama ba tong pinasok ko, hindi ko alam kung maipagmamalaki ko ba kay grandma itong kumitil ako ng buhay. Pagod na pagod ako sobra, napaupo ako sa lupa at napasabunot dahil hindi ko na alam gagawin ko. "Aaaaarrrgggghhh!!!" sumigaw ako buhos na ang luha ko dahil sobrang sakit ng puso ko. "Welcome to MAGNUS ACADEMY." nag e-econg boses sa buong Arena. Biglang bumukas ang gate ng Arena at may lumabas na mga bantay para kunin ako. Kinuha nila ang mga armas ko at iniwan. Pinosasan nila ako ulit at lumabas kami ng Arena. Dinala nila ako sa isang barracks tinanggal nila ang posas ko at sinarado ang pinto. Malinis naman ang barracks may pagkaluma ngalang. Kompleto naman may maayos na higaan at paliguan. Inilibot ko ang mata ko at umikot sa silid. Sinubukan kong hawakan ang door knob ngunit maiinit napaso lang ako malakas ang barrier na nakabalot sa pinto. Umupo ako sa higaan at tulala lang. Iniisip ko parin kung tama ba ang mga nagawa ko? Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko ang nakahandang damit. Napahinga ako ng malalim at pumunta sa banyo upang maligo. Pinapakiramdaman ko ang maiinit na patak ng shower sa batok ko habang naka yuko at naka hawak ang dalawa kong kamay sa pader. Pag naalala ko lahat ng mga napatay ko ay para akong mababaliw. Sinapak ko ang pader dahil sobrang naiinis ako sa sarili ko. Eto nanaman ako, hindi ko maintindihan sarili ko kung galit ba ako. Humaharang nanaman ang puso ako sinasabing nasasaktan at nakokonsesya lang ako ngunit hindi ako galit. Baaaaakkiitt?? Bakit palagi akong ganito?? Dumugoang kamay ko at nakikita ko ang daloy ng tubig na may halong dugo at putik sasahig. Natapos akong maligo at ginamot ko ang mga sugat ko. Humiga ako sa higaan ko at tutulang nakatitig sa kisame. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod ng katawan ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD