NASA MALL KAMING dalawa ni Thea. Nagpasama lang naman siya sa akin para hindi raw siya sumagot. Gusto niya na ako muna ang kasama sapagkat nagsawa raw muna kunti sa kanyang mga kaibigan. Nangako siya sa akin na lilibrehin niya ako at tinupad nga niya ito. Napaksuwail talaga na bata. As if pera na pinaghirapan niya talaga ang kanyang ginagastos. Swipe nang swipe lang gamit ang card ng kanyang ina at ama. Pero ang nakatutuwa naman sa kanya, hindi talaga siya madamot. Hindi siya nagdadalawang-isip magbigay. Naiinis nga siya sa akin dahil imbes para sa akin ang kukunin ko, gamit na para kay Atlas ang kinuha ko. Gusto ko lang magbigay sa mahal ko para matuwa ito. Nagdalawang-isip nga ako sumama dahil ayaw kong maiwan ang mahal ko roon sa bahay nila. Nakikita ko sa mga mata niya na gusto niya

