“THEA, KAIN NA raw tayo,” sabi ko. Hindi ko maitatangi ang pagkamangha ko kay Thea. Binibigyan niya talaga ng oras ang kanyang pag-aaral. Kanina pa siya hindi lumalabas. Dinadalhan lang siya ng pagkain sa kanyang kwarto. Kapag nag-aaral siya ay hindi talaga siya nagpapadisturbo. Ang nakatutuwa, nagpapalam siya. At kaya ako nandito sa tapat ng kanyang pintuaan dahil nagbabakasakali akong lumabas na siya. “Sige, Ate. Ililigpit ko muna ito. Pasok ka muna,” aniya. “Sige. Papasok na ako,” sabi ko. Pagpasok ko sa loob ng kanyang kwarto, hindi ko mapigilan na mapanganga sa nakita ko. May sarili pala siyang projector. “Wow! Ganito ka pala mag-aral?” tanong ko sa kanya. Napatango siya. “Yup. Mas madali siyang pumasok sa isipan ko. Aside from that Ate, pina-practice ko rin kasi ang movemen

