“ANG GANDA PALA ng lugar namin. Siguro kung magaling na ako at makakalakad na ang anak natin. Pupunta tayo sa park at hahayaan natin na makipaglaro ang anak natin sa ibang bata. Tatalon siguro ang anak natin sa tuwa,” sabi ni Atlas. Napangiti ako. “Iyon ang sigurado ako. Kailangan natin siyang turuan na maging friendly habang bata pa. Para kapag mag-aaral na siya, hindi na siya mahihirapan makipagkaibigan.” “Ayaw mo maging katulad ko siya na walang kaibigan?” “Hindi naman sa ayaw. But trust me, mas masarap mabuhay nang may mga kaibigan.” “Meron ka bang mga kaibigan?” tanong niya. Napangiti ako. “Of course. Pero hindi na kami nagkita-kita dahil lahat may careers na. Ang iba nga ay sa abroad nag-aaral.” “Patingin ng mukha,” aniya. “Gusto mong atakehin?” Napatawa siya sabay hawak sa k

