NANDIDILIG AKO NG mga halaman nang makitang pinupunasan ni Tito Arquil ang kanyang mga mata. Hindi ako magkakamali sa kutob ko na umiiyak siya. Ano kaya ang meron? Nag-away kaya sila ni Cheska? Baka ang malala, ako pa ang dahilan ng away nila. Kawawa naman si Tito kung ganoon. Napatigil ako sa pagdidilig at nilapitan ko si Tito. Muli kong nasaksihan na pinupunasan ang kanyang mga mata. Nakatalikod siya sa akin pero alam ko na umiiyak talaga siya. “T-Tito,” sambit ko. “Bakit ka nandito sa likuran ng bahay?” tanong niya sa akin nang hindi ako hinarap. “Nandidilig lang po ako ng halaman then I say you here po,” sagot ko. “Hindi ka trabahador dito. Mapapangasawa ka ng anak ko. Bumalik ka na roon sa itaas,” aniya. Napangiti ako. “Hindi po ako sanay na walang ginagawa po. Bakit ka po nand

